(A/N: Patrick Torres on pic 👆)
Ang mga sumunod na araw ay pawang mga "busy days" namin. Si Sef ay abala sa kanyang practice sa lalabanan na kompetisyon sa swimming sa susunod na linggo at kami naman ni Joecel ay abala sa kanya-kanyang club na aming sinalihan. Ako na kabilang sa mga dancer at si Joecel naman ay abala sa kanyang club ang painting.
At dahil may mga kompetisyon na sasalihan ang aming pinapasukan na eskwelahan ay kasali ang club namin sa mga events nito. Dahil isa kami sa mga magiging opening number ng program ng bawat kompetisyon at isa na doon ang swimming.
"Si Joeny nalang ang sa gitna tutal madali syang makakabisado ng mga steps" suhestyon ni Wencie na isa sa mga ka grupo ko.
Nandito kami ngayon sa stage ng gym ng university para mag practice ng sasayawin namin para sa opening program ng kompetisyon ng swimming na magaganap next week at ito ay gaganapin sa kabilang university kaya naman talagang pinagpaplanuhan namin ng maayos ang bawat anggulo ng aming sasayawin dahil ayaw namin mapahiya sa mga kalaban namin ibang school.
By the way, Free Spirits nga pala ang pangalan ng grupo namin. (A/N hehehe may maipangalan lang, lols)
"Huh? Bakit ako? Pwede naman na si Laarni nalang" agad kong tanggi at itinuro si Laarni na isa din sa magaling magsayaw sa aking grupo
Agad naman itong tumanggi at namula.
"No ayoko. Baka magkamali ako ayokong mapahiya nandon din yun boyfriend ko sa kabilang campus" namumula agad na tanggi nito.
"Hay naku kung puro kayo tatanggi sa mga pwesto na ibibigay ko sanyo pano natin mabubuo yun sayaw?" naiirita ng saad ni Bonie, ang leader samin grupo.
Sa aming grupo ay anim ang babae at apat ang lalaki.
Si Patrick na ang pumayag sa mga lalaki na mailagay sa pwesto sa gitna at sa aming mga babae nalang ang wala pa dahil lahat kami ay ayaw.
"Bakit hindi nalang ikaw ang sa gitna Bonie tutal ikaw naman ang leader?" nakangiting sabi ni Jen sabay siko sa katabi nitong si Chelsea
"Oo nga girl ikaw nalang kayang kaya mo yan" nakangiti naman dagdag ni Chelsea
Todo naman ang pag iling ni Bonie.
"No hindi pwede na ako na naman ang maging highlights! Graduating na ako at usapan sa admin na kapag sasayaw tayo ngayon dapat ang nasa gitna ay yun under sa level ko...nating apat" paliwanag nya sabay tingin kila Chelsea, Wencie at Jen.
Nakagat ko ang labi ko ng sabay sabay na napatingin sila sa pwesto ko.
Si Wencie, Jen at Chelsea ay mga graduating na din gaya ni Bonie. At kami nalang ni Laarni ang nasa lower level.
Napatingin ako kay Laarni na todo todo sa pag iling
"No please Joeny ikaw nalang, please... masyadong seloso si Nathan ayaw nya ng may kapartner ako sa pag sasayaw na lalaki..." saka ito bumaling kay Patrick "I'm sorry Patrick"
Napalunok ako.
"So..?" sabay sabay na tanong sakin ni Bonnie, Chelsea at Wencie
"Sige na Joeny para makapagsimula na tayo. Magaling ka naman talagang sumayaw kaya alam kong hindi mo kami ipapahiya, diba girls?" nakangiting pangungumbinsi ni Jen sakin
"Yeah right!" sabay sabay na nagtanguan ang lahat.
Napatingin ako kay Patrick at sa tatlo pang lalaki na aming kagrupo, sabay sabay naman nag thumbs up ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...