40. Mahal kita

477 11 0
                                    

"Sef ano ba, hahanapin ako nila papa at Joecel!" pinandidilatan ko sya habang naglalakad kami patungo sa isang parte ng graden na halos walang katao-tao




"Mag uusap tayo, ako na ang bahala sakanila" salubong ang kilay na sabi nya saka sya tumigil at hinarap ako





"Sef...hmpppppppp" magsasalita palang ako ay sinelyuhan na ng kanyang labi ang aking labi at kahit anong palag ko ay hindi nya ako binitiwan hanggang sa tuluyan na din akong bumigay at nagpaubaya.

Sino ba naman ako para tumanggi sa isang napakasarap na halik ng lalaking mahal ko?



"Na-missed kita" anas nya ng maghiwalay ang aming mga labi

Ako naman ay sumasagap pa ng hangin dahil feeling ko ay naubusan ako ng oxygen.



"S-Sef..."



(@_@)


Hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil mahigpit nya akong niyakap.

Nakagat ko nalang ang aking labi habang ninanamnam ang sarap ng pakiramdam na nakakulong ako sa kanyang mga bisig.



"God i really missed you Joey, at sobrang nag alala ako sayo kanina, akala ko tuluyan ka ng mawawala sakin, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kapag nawala ka. Hindi ko kaya" dire-diretso nyang sabi na ikinangilid ng mga luha ko.



Ang mga lamang loob ko lalo na ang puso ko ay masyado ng nag kakagulo at nag rariot sa loob ng aking katawan. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa alapaap dahil sa mga binitiwang salita ni Sef.

Gumanti ako ng yakap sakanya at isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.




"Joey.."




"O?" yun lang ang naisagot ko dahil wala akong maisip na sabihin sakanya

Masyadong umaapaw sa tuwa at kaligayahan ang puso at utak ko para makapag isip pa ng mga sasabihin sakanya.



"Look at me" utos nya na marahan ko namang sinunod



Buti nalang nahiya ang mga luha ko kanina nagbabantang tumulo na sana pero napigil ko agad.

Nagkatitigan kami sa mata.

Ngayon ay basang basa ko sa kanyang mata kung ano ang sinasabi ng kanyang puso. Pero gusto ko pa rin marinig yon sa kanya.



"M-may sasabihin ka pa ba?" lakas loob na tanong ko sakanya



Kumunot naman ang kanyang noo saka sya umiling.

"Wala na, basta namissed kita at nagpapasalamat ako dahil ligtas ka at nandito ka ngayon sa harap ko at nayayakap at nahahalikan ko" sabi nya na ikinadismaya ko ng konti


Tumango naman ako at ngumiti.

"Salamat. Wala ka na bang iba pang sasabihin?" muli kong tanong sakanya


Ikiniling nya ang ulo at halatang nag isip pa ng sasabihin.

Buwisit!!! Kung ayaw nyang sabihin ang gusto kong marinig eh bahala sya, iiwanan ko talaga sya dito!



"Wala na eh, basta masayang masaya ako kasi nandito ka...hey! Wait!"

Sa sobrang inis ko ay tinalikuran ko na sya at naglakad na ako palayo pero mabilis nya akong napigilan sa braso at iniharap sakanya



"Babalik na ako kila papa ano ba? Wala ka ng sasabihin diba so ano pang itinatayo tayo nayin dito at.."



"I love you! Mahal na mahal kita Joenilyn Shin!" putol nya sa pagsasalita ko



Napasapo naman ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa  rib cage ko.

"A-anong sabi mo?"


Ngumiti sya ng matamis at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi saka sya seryosong tumitig sa mga mata ko.

"Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nag iisang babaeng ginusto at minahal ko ng sobra sobra at mas higit pa sa buhay ko Joey" tagos sa pusong pag amin ni Sef sakin at sinapo ang magkabilang pisngi ko.



"P-Paanong... paanong..." hindi ko na naituloy pa ang aking itatanong dahil nagsimula ng pumatak ang mga luha mula sa mata ko



Agad naman nyang pinunasan ang mga luhang umaagos sa aking pisngi at niyakap ako.

"Hindi ko alam kung paano o kailan nag simula, pero marahil ay noong mga bata pa tayo dahil sa tuwing may lalapit sayong lalaki ay  nakakaramdam ako ng inis kaya inaaway ko maliban sa kapatid ko. Ipinangako ko sa sarili ko noon na hanggang sa paglaki natin ay hinding hindi kita pababayaan." tumigil sya sa pagsasalita at marahang hinaplos ang buhok ko



"Habang lumalaki tayo ay napapansin ko na sa sarili ko na gusto ko laging magpapansin sayo, gusto kong palagi mo akong pinapansin, kinakausap at kinukuwentuhan ng kahit anong bagay kasi ang importante sakin ay malapit ka sakin at palagi kitang nakikita." bumuntong hininga sya at hinalikan ako sa ulo "nang mag college tayo ay nasiguro ko na sa sarili ko na gusto talaga kita kasi iba ang nagiging tibok ng puso ko kapag palagi kitang nakakasama at nakikita kaso hindi mo naman ako pinapansin dahil ang turing mo sakin ay kapatid lang kaya ibinaling ko ang pansin ko sa ibang mga babae kaso wala eh walang nakapagpatibok nitong puso ko na gaya ng nagagawa mo.." natawa sya saka ako inilayo para magkatitigan kaming dalawa




"Mahal na mahal kita Joey"



Sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili, tumingkayad ako at hinalikan ko sya ng mariin sa labi na kanya namang tinugon ng mas mainit pa sa halik ko..


Ang lawak ng pagkakangiti ni Sef ng maghiwalay ang mga labi  namin.

"Ikaw wala ka bang sasabihin sakin?" sya naman ngayon ang nagtanong




"Wala naman akong sasabihin, meron ba dapat?" ganti ko at nagpigil akong mapangiti



"Are you sure Joey, wala kang sasabihin sakin?" naglaho ang kanyang napakalawak na pagkakangiti kanina


Iningusan ko sya at akmang tatalikuran pero pinigilan nya ako at masuyong hinawakan sa magkabilang balikat.



"I want to hear it from you that you feel the same way too to me Joey, that you love me too" seryoso na nyang sabi




Tinaasan ko sya ng kilay.

"Yun ba ang inaasahan mong marinig sakin Sef? What if hindi naman pala kita mahal? What if...uhmmmmmm" hindi na naman nya ako pinatapos na magsalita, kinuyumos nya ng halik ang aking labi saka ako muling binitiwan at halos mamula ang buong katawan ko hanggang talampakan dahil nagawa ko pang habulin ang kanyang labi pero inilayo na nya ito sakin.




Ngingisi ngisi sya ng titigan ako.

"So? Aamin ka na ba sakin?" nakataas ang kilay na tanong nya habang kumikislap ang mga mata



Kagat labing tumango ako at saka sya tinitigan.

"Ok fine! Aaminin ko na....  ganon din ang nararamdamn ko sayo. Matagal na din kitang gusto pero inilihim ko nalang dahil masyado kang babaero saka malaki ang respeto ko kay Joecel bilang bestfriend ko ayokong isipin nya na tinatalo ko ang kanyang kapatid kaya itinago ko nalang ang nararamdaman ko sayo...." kagat labing tinitigan ko sya sa mata at saka ko sinabing "mahal na mahal din kita Sef"


Nagliwanag ang mukha ni Sef ng aminin ko din ang nararamdaman ko sakanya. Muli ay ipinaramdam namin sa isat-isa ang pagmamahal namin sa pamamagitan ng isang napakainit na halik.


"Saan kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinahanap" kunot noong tanong ni Joecel ng makasaubong namin sya sa hallway pabalik sa aking kuwarto





"Nagpasama lang ako kay Sef na sumagap ng hangin sa labas,  pagkatapos ng mga nangyari gusto kong irelax ang isip ko" palusot ko saka ko tiningnan si Sef na biglang kumunot ang noo


"Ang arte mo, uuwi na din naman tayo eh, inayos na ni tito yung  bill, kadarating lang din nila mommy" sabi ni Joecel




Aaminin Ko Na!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon