21. Asar - Talo

496 17 0
                                    

"Hahahahaha hahahaha grabe naman pala yung babaeng yon, talagang sya pa ang nag iinitiate kuya sayo? Grabe! Grabe!" tawa ng tawa na sabi ni Joecel at may pahampas hampas pa sa hita nito ng magkuwento si Sef ng mga pangyayari kung bakit bigla nalang naging dragona si Veronica


Sakay na kami ng sasakyan ni Sef at napag usapan namin na tumambay muna sa ice cream parlor na malapit lang sa subdivision ng mga bahay na tinitirahan namin.

Si Joecel ang nagpumilit na kumain ng ice cream at cake pampalamig daw ng mga ulo namin at para mas mapalayas daw ang kanyang hangover.




Nakikinig lamang ako sa pagkukuwentuhan ng magkapatid. Ayokong magsalita o basta nalang makisingit dahil baka sakin na naman mapabaling ang pang titrip ng dalawa, galing pa naman mang asar nitong magkapatid lalo na pagdating sakin.




"Hindi ko maintindihan sa babaeng yon, matagal ko na syang kinausap pero ganon pa rin sya habol ng habol" iiling iling na sabi naman ni Sef



Napanguso ako.

Pano kasi ang guwapo mo! Tapos isa kang babaero kaya halos lahat ng mga babae na napapalapit sayo palagi nalang umaasa kaya naghahabol. Lihim kong wika




"Haysss kuya tigilan mo na kasi ang pagiging babaero, hindi mo pa ba naiisip na kahit manlang isang beses sa buhay mo ay magawa mong magseryoso manlang ng kahit isang babae?" tanong ni Joecel sakanya



"Naiisip ko din naman yon, kaya lang masyadong mailap" tugon ni Sef at sabay pa kaming nagkatinginan sa rear view mirror, sa backseat kasi ako nakaupo at silang magkapatid ang nasa unahan.

Agad akong nagbawi ng tingin at naramdaman ko ang kanyang mahinang pagtawa base na din sa pagyugyog ng kanyang balikat.





"Mailap? Panong mailap? Meron na ba kuya?" curious na tanong ni Joecel sakanya





"Malalaman mo pag nahuli ko na hahahaha" malabong tugon naman ni Sef na nakapagtaas ng kilay ko





"Susss! Kuya, hindi pa ba si Ellie yon? Ok naman si Ellie diba Joey?" lingon tanong sakin ni Joecel




"Ha? Ewan ko,, hindi naman kami close para makilala sya at masabi ko na ok sya para kay Sef" tugon ko





"Ellie is one of my playmates, fling fling lang ganon. Sya lang naman yung nag aassume na girlfriend ko sya pero kahit kelan wala kaming pinag usapan tungkol sa status ng relationship namin." paliwanag naman ni Sef





Napairap naman ako at napabuntonghininga.


"Whatever, wala naman bago sayo, halos lahat naman ng nagiging babae mo eh fling lang ang sinasabi mo" pambabara ko





"Oo nga naman kuya, bakit hindi ka gumaya sakin, nagseseryoso ako kay Ivy kaya tingnan mo masaya ako ngayon, kesa naman sa magpapalit palit ako ng mga babae, ayokong pagsamantalahan ng mga kababaihan ang kaguwapuhan ko" pagyayabang ni Joecel kaya naman nabatukan ko sya "aray ha! Nakakarami ka na dude!" nakangiwing daing nya at sinamaan ako ng tingin




"Kayabangan mo kasi!" pandidilat ko sakanya





"Ang sungit sungit mo talaga ngayon. Nakainom ka lang ng maraming alak nagkaganyan ka na, hindi ka naman ganyan kapag nalalasing ka at kami ang kasama mo ah" reklamo na ni Joecel na iknasingkit ng mga mata ko





"Manahimik ka nalang dyan kesa kung ano ano pa ang sabihin mo" pagpapatahimik ko sakanya. Kung maaari lang ay iniiwasan ko na maopen yung mga bagay na nakapag papaalala sa kalasingan ko kagabi.



"Manahimik ka na nga lang daw bro, ayaw nyang mapag usapan na nalasing sya kagabi at natulog sa pad ko" tatawa tawa pero makahulugang sabi ni Sef




"Bakit? Ano ba kasi kuyang nangyari sa pad mo?" tanong naman agad ni Joecel kaya naman napapikit ako ng mariin.

Eto na nga ba ang iniiwasan ko!





"Wala naman" maikiling tugon ni Sef pero dahil makulit si Joecel hindi ito papayag na ganon lang ang makukuhang sagot sa kanyang kapatid




"Eh bakit ganyan kainit ang ulo ng isang yan kuya kung wala? Naku ha kuya may ginawa ka ba kay Joey na hindi ko alam?" muling tanong ni Joecel na halos ikahulog ko sa upuan

Agad kong pinandilatan si Sef sa rearview mirror ng mahuli kong nakatingin sya sakin.





"Ano naman ang gagawin ko sa isang lasing bro? Hindi masarap ka-sex ang walang malay walang thrill yon!" sabi ni Sef at sinundan yon ng isang halakhak



Namilog naman ang mga mata ko at sinabunutan ko sya sa sobrang inis ko.

"Sira ulo ka talaga! Kung ano ano nalang lumalabas dyan sa bastos mong bunganga buwisit ka!!" nanggigigil kong sabi habang pinang gigilan ko sa hila ang kanyang buhok





"Ouch!!! Ano ba?! Bitiwan mo nga ang buhok ko! Tigilan mo yan Joey baka mabangga tayo, aray!" sunod sunod nyang daing





"Hahahaha dude bitiwan mo na ang buhok ni kuya, baka maksidente tayo ano ka ba dude, masyado kang pikon!" awat ni Joecel at hinila ang kamay ko. "Hindi ka naman papatulan ni kuya eh mga large at extra large size ang type ni kuya mas gusto nya yung nalulunod sya dude, hindi yung gaya ng sayo...aray!" sya naman ngayon ang pinag initan ko. Binatukan ko ulit sya at kung pwede nga lang masipa ang kanyang mukha ginawa ko na kanina pa.


Ang kapal at yabang ng magkapatid na to!!! Nakakaubos ng dugo at pasensya!!!





"Isa pang pang aasar nyo mga gunggong kayo, itatapon ko talaga kayo sa labas ng sasakyan!" banta ko



Nanahimik naman agad ang dalawa pero pansin ko pa rin ang pagpapalitan nila ng tingin at pasimpleng pagtawa.




"Leche!!! Bilisan mo nga magmaneho Sef! Kailangan ko ng mag ice cream kesa lalong uminit ang ulo ko ng dahil sa inyong magkapatid na mga buwisit!" mataray kong sabi



Sumaludo naman si Sef at tumango sakin.

"Yes mam as you wish!" nakangising tugon nya sabay tapik sa balikat ni Joecel na ngingiti ngiti.




"Wag nyo ng pigilan ang mga tawa nyo, mga gago kayo, ilabas nyo na kesa naman utot ang lumabas sa mga bibig nyo!! Peste kayo!"

Pagkasabi ko non ay sabay ngang humalakhak sa kakatawa ang magkapatid.

Aaminin Ko Na!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon