"Come on kuya... come on!" bubulong bulong na sabi ni Joecel na syang pinag gigitnaan namin ni Ivy habang nanonood kami ng first game nila Sef.
Nasa kabilang side ko naman sila Bonie na halos maubos na yata ang kuko ng leader namin sa dance club dahil sa sobrang pagka-tense sa laban ni Sef, wala na tong ginawa kundi ang ngatngatin ang kanyang mga kuko.
Kasalukuyan na lumalaban si Sef at sa pagtataka ko ay mukhang hindi maganda ang first game nya ngayon dahil pumapangatlo lamang sya sa laban.
Hindi ko maintindihan dahil sa pagkakakilala ko kay Sef ay hindi sya ganitong kalamya lumaban at maglangoy. Para kasing walang kabuhay-buhay ang kanyang bawat galaw ngayon.
At kanina bago sya sumalang ay nilapitan pa namin sya ni Joecel pero tahimik lamang sya at tinanguan lamang kami.
Mukhang wala sya sa mood.
Dahil kung nasa mood si Sef ngayon kahit ipusta ko pa ang buong kayamanan namin ng pamilya ko ay panigurado akong mananalo sya sa laban dahil halata namang hindi ganon kagaling ang dalawang nangunguna sakanya.
"Go Joesef!!! Bilisan mo pa!" hindi na napigilan sumigaw ni Bonie at ginaya na ang ibang mga nanonood para i-cheer ang kani-kanilang representative.
Pero dahil iba si Sef at napakalakas ng karisma sa mga babae ay mas marami ang kanyang cheerer na halos mawasak na ang mga lalamunan sa kakasigaw ng kanyang pangalan.
"What the..." hindi na naituloy ni Joecel ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang syang tumayo at tahimik na pinapanood ang kapatid
Isang ikot nalang at matatapos na ang first game pero hanggang sa makaikot sila ay pumapangatlo pa rin si Sef.
Pati ako ay napatayo. Nagsimula ng mamawis ang mga palad ko.
"What is happening to kuya, Joey? Bakit ganyan sya ngayon maglangoy? Daig pa nya ang nakikipag unahan sa toddler!" over sa react na bulalas ni Joecel sakin dahil may nauna na sa finish line.
Napailing ako at wala sa loob na tiningnan si Sef na ngayon ay kararating lang sa pinakadulo ng pool.
Anong nangyari sayo Sef? Piping tanong ko sa sarili
Naunahan nya ang pumapangalawa kanina kaya nasa second place sya ngayon sa first game.
"Oh no! Anong nangyari sa asawa ko? Bakit sya nagpatalo?" maiyak iyak na sabi ni Bonie
Umahon na sa pool si Sef at kahit second place lang sya ay nagkagulo pa rin sa pag cheer ang mga kababaihan.
Ok lang yan Joesef may next game pa naman sa Friday!!
Kahit pangalawa ka lang sa swimming Joesef, nangunguna ka naman sa puso ko!
Joesef ikaw pa rin ang best para samin!!!
Ilan lamang yan sa mga hiyaw ng nanonood.
"Vy puntahan ko muna si kuya ha" paalam ni Joecel kay Ivy
"Sige" tugon ni Ivy at napalingon sakin ng agad akong kumilos.
Nagmamadali akong sumunod kay Joecel.
"Wait sama ako" hiyaw ko sakanya dahil para syang nakikipagkarera sa bilis na makarating at makalapit kay Sef
"Kuya ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Joecel kay Sef ng makalapit na ito sakanya
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...