"Hey! Mukhang iniwan ka ng driver mo ah, may angkas na iba" nakangiting sabi ni Kane
"Hi Joeny" sabay na bati naman ni Leonard at Ivo
"Hi" nakangiting bati ko din sabay ngiti ng matamis kay Kane "Oo nga eh inuna ng driver ko yun lovelife nya" nakatawa kong sabi
"I see..." nakangiting sagot ni Kane sabay kamot sa kilay nito.
Sh!t bakit ang guwapo nyang tingnan?!
"Come on dude, sabihin mo na kay Joeny ang sasabihin mo" natatawang tinapik sya sa balikat ni Ivo
"Oo nga naman dude, ngayon ka pa natorpe!" pang aasar naman ni Leonard
"Shut up! Umuwi na nga kayo" napapahiyang taboy naman ni Kane sa dalawa sabay ngiti sakin
"Ano ba yun sasabihin mo?" nakangiting tanong ko naman sakanya
Tumikhim muna ito saka tumitig sakin ng diretso.
"Ihahatid na kita, wala ka naman driver ngayon diba?"
Parang hinalukay ang tyan ko sa aking narinig.
Shocks! Yun isa sa mga ultimate crush ko nagpiprisintang maging driver ko ngayon?!!! Papa God wag nyo naman po muna akong gigisingin!!!
Sasagot na sana ako ng biglang may magsalita na isang nilalang na palapit samin at kahit kelan hinding hindi ako magkakamali para kilalanin ang nagmamay-ari ng boses na yon!
"May driver sya ngayon mga bro, at ako yun! So, back off!" malumanay pero seryosong sabi ni Sef habang palapit samin
"Sef!" magpoprotesta pa sana ako pero agad nya akong inakbayan at pinisil sa balikat
"May usapan tayo kaninang umaga diba? Na sa akin ka sasabay ngayon pauwi at sa pagkakaalam ko sinabi sakin ni Joecel na doon ka didiretso ng uwi sa bahay namin dahil mali-late ng uwi si Papa" nakangiti nyang sabi
Yun ang isa pa sa kaibahan nila ni Joecel.
Si Joecel tito ang tawag sa papa ko. Pero itong si Sef papa din ang tawag sa papa ko!
Napalunok ako at napatingin kila Kane.
"P-pero pwede naman akong magpahatid kay Kane sa bahay nyo" mahina kong sabi at hindi ko alam kung narinig ba nilang lahat ang sinabi ko.
"Sige na mga bro, nextime nalang Kane uuwi na kami" wika ulit ni Sef na ikinalaki ng mga mata ko
"T-Teka Kane.."
"It's ok Joeny, masyadong mahigpit ang mga bantay mo hindi manlang makaporma" nangingiting sabi ni Kane sakin saka bumaling kay Sef "Dude wag masyadong protective, alis na kami"
Tumango lamang si Sef sa tatlo at iginiya na ako patungo sa kanyang sasakyan.
"I cant belive this!" bulalas ko agad ng makasakay kami pareho at sinimulan na nyang paandarin ang kanyang sasakyan
"What?" maang maangan naman nyang tanong sakin
"Ano ba?! Nakakainis na kayong magkapatid! Palagi nalang kayong umeeksena eh! Paano ako magkaka boyfriend kung palagi kayong nakabantay? My God!!!!" asar na asar kong sabi
"Bakit? Pinayagan ka na ba ni papa na magka boyfriend?" nangingiti nyang tanong sakin
Hindi ako makapaniwalang napatingin sakanya
"Walang ipinagbabawal si papa pagdating sa lovelife ko, kayo lang dyan ang mapapel eh! Nakakainis! Hindi ko maimagine ang sarili ko na maging natandang dalaga ng dahil lang sa inyong magkapatid!!"
"Ayaw lang naman namin na mapahamak ka lalo na kung ang gugustuhin mo eh gaya ni Kane, it's a big NO Joey, paglalaruan ka lang ni Kane"
"Look Sef! Hindi na ako bata! May sarili akong isip, nakapag debut na ako last year at ngayon malapit na akong mag nineteen!!! Nasa tamang edad na ako, my God!. Hindi naman ako tatanga tanga para maging tanga sa isang lalaki. Tigilan nyo na ngang magkapatid ang pakikielam sa lovelife ko!"
"May nakalaan na lalaki para sayo, kaya wag kang magmadali"
Inirapan ko sya ng matindi at saka tinaasan ng kilay.
"Excuse me? Hindi ako nagmamadali. Ang sakin lang gusto ko din naman maexperince kung paano kiligin at ligawan at magka boyfriend!
Nang bigla nalang tong tumawa sabay kagat sa kanyang labi.
Napalunok tuloy ako ng wala sa oras at imbes na kung ano ano ang pumasok na naman sa isip ko ay iniiwas ko nalang ang mata ko sakanya.
"Ano bang gusto mo sa isang lalaki Joey?"
Pagkuway tanong nya"Huh?" gulat kong reaksyon sabay sulyap sakanya
"I'm asking what do you.."
"Guwapo, mabait, matangkad, matalino, sweet, yung puno ng suprises at higit sa lahat..." ibinitin ko ang huling salita na nasa isip ko sabay tingin sakanya
"What?" kunot noo nyang tanong agad sakin
"Hindi babaero!" pagdidiin ko sabay ngisi
"Whoaaa! Mukhang mahirap yan gusto mo! Wala ng guwapo ngayon ang hindi babaero" natatawa nyang sabi
"Oo at isa ka na dun!" mabilis kong pambabara sakanya na lalo nyang ikinatawa
"Realy?" ngiting ngiti na tanong pa nya sakin
"Oo isa kang malaking patunay sa mga guwapong babaero!" nakanguso kong sabi
"Guwapo talaga ako?" tanong ulit nya at sa pagkakataong ito nagkatinginan kaming dalawa, kitang kita ko ang pangingislap ng kanyang mga mata.
"Eyes on the road! Baka mabangga tayo!" mataray kong sabi na sinunod naman nya pero yun ngiti nya hindi na maalis alis sa kanyang labi. "Para kang tanga!" wala sa sariling nasabi ko
"What?!"
"Para kang engot, ano bang nakakatuwa o nakaktawa sa mga sinabi ko at hindi na maalis yan ngiti mo, baliw ka na ba?!"
At ngayon naman ay bigla nalang syang humagalpak ng tawa.
"Hoy!" pinandilatan ko na sya
"No...nothing, I'm just happy na napapansin mo rin pala ang kaguwapuhan ko" nakangiti nyang sabi sabay kindat sakin
Boom!!!
Para namang nalunok ko ang dila ko. Napalunok ako ng sunod sunod at napakurap. Pakiramdam ko ay na brain freeze ako.
.
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...