Nang maihatid ako ni Kane sa bahay ay mag aalas-otso na ng gabi. Pagkatapos kasi namin na kumain sa Chinese resto na pinuntahan namin ay nag ikot-ikot pa kami, road trip sa kung saan-saan hanggang sa mapagpasyahan namin na umuwi na.
Hindi ko na inintindi pa sila Sef dahil nauna na kaming umalis sakanila.
"Thanks for the ride and for the dinner" nakangiti kong sabi ng pababa na ako ng sasakyan ni Kane
"Welcome, at sa uulitin" tugon naman ni Kane at sinundan pa nya yon ng pagkindat
"Yeah of course, masarap nga doon talagang mauulit pa tayong kumain doon...basta ba libre mo ulit eh" natatawa kong biro
Agad naman syang tumango.
"Sure! Sure kahit pa araw arawin natin kumain doon ayos lang sakin"
"Hahahaha loko ka, mauubos ang allowance mo nyan sa kakalibre sakin pag ganoon" natatawa ko pa rin sabi saka ko binuksan ang pinto ng kotse. "So pano baba na ako ha, ingat ka"
"Whoa! Talagang hindi mo na ako hinintay na ipagbukas ka pa ng pinto huh!" iiling iling pero nakangiting sabi nya
"Tsss! Maliit na bagay! Di na uso yun ngayon! Lumang da moves na yon!" pagbibiro ko saka ako bumaba ng sasakyan at isinara ang pinto.
Ibinaba naman nya agad ang windshield.
"Bye! See you on Sunday sa party" wika nya
Tumango naman ako at matamis na ngumiti sakanya saka kumaway.
"Ok see you. Ingat ka"
Matapos ng eksenang yon ay pinaandar na nya ang sasakyan. Humakbang naman ako papasok na sana sa gate namin ng may marinig akong tikhim at pag tingin ko sa right side ay nakita ko si Sef na nakatayo sa labas ng kanilang gate at nakapamulsa habang nakatitig sakin.
"K-Kanina ka pa dyan?"
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagka utal ko.
"Kanina pa ako nakauwi, ikaw bakit ngayon ka lang?" tugon nya na malayo sa tanong ko
Napalunok naman ako at sinalubong ang kanyang mapanuring tingin.
"Nag road trip pa kami saka medyo traffic kaya inabot na kami ng dilim"
Ikiniling nya ang kanyang ulo saka ngumiti ng tipid sakin.
"Ok, nag enjoy ka ba sa first date mo?"
Napakurap ako at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang nahirapan akong huminga ng normal..
Syete!!! Anyare sakin? Bakit ba ako nate-tense eh wala naman akong ginagawang masama. Saka hello! Kumain lang kami at nag ikot ikot!!! Ganito ba talaga pag nakaranas ng first date tapos may mga lalaking nakapaligid sayo na todo sa pagbabantay at pag aalaga sayo?!
"A-ayos naman, nabusog ako heheheh" wala sa sariling napakamot ako sa aking ulo at nag iwas ng tingin.
Tumango naman sya sakin saka sya kumilos para pumasok na sakanilang gate.
"Pasok ka na, good night" tipid nyang sabi
"Sige.." papasok na din sana ako ng may maalala ako "Ah ano.. Sef" bigla ay tawag ko sakanya
Kunot ang noo na tumingin sya sakin
"Oh?"
"Nandyan na ba si Joecel?"
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...