All I really want is to hold you tight~
Be with you day and night~
Sometimes I run, (sometimes) sometimes I hide~
Sometimes I'm scared of you
But all I really want is to hold you tight~
Treat you right, be with you day and night~Pagtatapos ko sa pinaka huling kanta ng Britney Spears medley na ginawa ko.
Kahit pagod na pagod at naghahabol ako ng hangin dahil sa anim na magkakasunod na kinanta at sinayaw ko ay ayos lang sakin ang importante ibinigay ko lahat ng best ko para mapagtagumpayan ang pinakahuling show at performance sa singing career ko.
Isa na din itong pamamaalam at pasasalmat sa lahat ng mga fans kong sumuporta sakin mula noong nagsisimula palang ako hanggang sa mapag desisyunan ko ng mag quit para makapag focus ako sa bagong buhay na aking haharapin kasama ang fiance ko na walang iba kundi si Engineer Joesef Villamor.
Nang umuwi ako ng Pilipinas para piliin na makasama si Sef ay alam ko ng ganito ang kahihinatnan ng lahat, hindi ko pwedeng parehong piliin ang pagiging celebrity ko at ang pagbuo ng pamilya sa piling ng pinakamamahal kong fiance.
Kailangan kong pumili at sigurado ako sa aking desisyon na igive up ang aking kasikatan. Mas mahal ko at mas mahalaga pa sa buhay ko si Sef at gusto kong kapag naging asawa na nya ako ay naka focus lamang ako sa magiging pamilya namin na gaya ni momshie.
Apat na araw pagkatapos ng graduation ni Joecel ay magkasabay kaming bumalik ni Sef dito sa Korea para paghandaan itong naging concert ko ngayon.
Kahit sila Eunji ay hindi makapaniwala sa biglaang pagdedesisyon ko, lalo na si Bae-kyung na masyado ng kinakarir ang pagiging manager ko. Pero ganon pa man ay naintindihan nila ang aking naging desisyon at sinuportahan naman nila ako dahil ang mahalaga ay mas pinili ko kung saan ako mas magiging masaya.
Masayang namaalam ako at nagpasalamat sa mga audience na ang iba ay masayang masaya at nag hihiyawan dahil muli ko silang napasaya sa aking pag peperform habang ang iba naman ay halata ang mga lungkot sa kanilang mga reaksyon dahil hindi na nila ako mapapanood na kumanta at sumayaw.
Pagdating ko sa back stage ay hindi ko na din napigilan ang emosyon ko. Naiyak na din ako, at agad naman akong sinalubong ni Sef at ng mga kaibigan ko para aluin.
"Nagsisisi ka ba? Gusto mo bang ituloy ang career mo? I can understand if you will..."
"No. Hindi ako nagsisisi Sef, masaya lang ako dahil nakita ko sa mga tao kung gaano ko sila napasaya sa ilang taon na pagkanta at pagsasayaw ko, nakita ko kung gaano nila ako ginusto at minahal at babaunin ko yun pagbalik natin sa Pilipinas bilang isang napakasayang ala-ala ko dito sa Korea" tumutulo ang mga luhang sabi ko
Masuyo naman syang ngumiti at pinahid ang aking mga luha.
"Thank you Joey, Thank you for loving me and for choosing me kahit na hindi naman kita pinapapili pero ginawa mo para sating dalawa"
Tumango tango naman ako at hinaplos ang kanyang pisngi.
"I love you" madamdamin kong sabi sakanya
Umakto syang hahalikan ako sa labi pero agad na tumikhim ng sabay-sabay ang mga kaibigan ko.
"We're here!" sabay-sabay nilang sabi habang mga nakangisi
Kunot noong sinamaan sila ng tingin ni Sef.
Pero bago pa man ito makapagsalita na naman ng kung ano-ano ay kinurot ko na ito sa tagiliran.
"Dude" tawag pansin sakin ni Joecel ng makita nya akong nakadungaw sa labas at tinatanaw ang malaking bahagi ng Seoul. "Nag iisa ka, nasan ang magaling kong kapatid?" tanong nya saka ako inakbayan
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...