7. Shellie May Bruegas (Ellie)

555 15 0
                                    

Pagkalabas ng gym ay inunahan ko ng maglakad si Joecel dahil alam kong lalandiin pa ito ni Chelsea at Jen kaya naman dire-diretso akong naglakad patungo sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ng magkapatid.



Bumagal lang ang paghakbang ko ng mamataan ko na naman si Sef sa labas ng kanyang sports car at may kahalikan.



Napailing nalang ako.

Wala na talagang pinipiling lugar ang kalandian ng isang to.



Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad patungo sa dalawa.




"Ehemm... Excuse me?" nakangiti kong pang iistorbo sa dalawa, makabawi man lang sa mga pananabotahe nilang magkapatid sa paglalandi ko. Hahahah.



Agad namang naghiwalay ang dalawang naghahalikan at parehong humarap sakin.

"Oh! Hi Ellie!" bati ko at nakipagbeso ako




"Joeny your here na pala, pwede na pala akong umuwi kung ganon, nandito na ang hinihintay ni lover boy" malanding sabi nito sabay tanim ng isang mabilis na halik sa labi ni Sef



"Yeah, thanks Ellie, kundi ka dumating baka kanina pa ako nainip sa kakahintay dito" malambing naman na sabi ni Sef at hinapit sa bewang si Ellie




Napataas naman ang kilay ko.

Nagpahintay ba ako? Hello!!!!




"Sus!!! Style mo Sef, if I know tuwang tuwa ka pa at dumating si Ellie nakalibre ka pa ng maraming halik" nakangisi kong sabi sabay peace sign sa dalawa


Natawa naman si Ellie at napailing iling si Sef.



"So pano alis na ako ha, naghihintay na din yun driver ko." paalam ni Ellie samin saka bumaling sakin "Birthday ni Yvone sa Sunday sama ka sakanila huh" nakangiting sabi nya sabay hawak at pisil sa kamay ko



"Ha? No, I mean.. nakakahiya naman na..."




"Shhhh... It's ok girl, close naman din kayo ni Ivy diba, I'm pretty sure na iimbitahan ka din ni Ivy para sa birthday party ng ate nya. Syempre hindi mawawala si Joecel doon and lalo na tong si Joesef dahil classmate namin si Yvone lahat kami invited" pangungumbinsi pa nya




Napatingin ako kay Sef pero nagkibit balikat lamang ito at masuyong hinalikan sa ulo si Ellie.




"S-sige bahala na, kakausapin ko muna si Joecel" alanganin kong sagot



"Ok girl sa Sunday pa naman eh, beach party yun Joeny kaya i-ready mo na ang pinaka sexy swim suit na pwede mong isuot" excited na dagdag ni Ellie saka binitiwan ang kamay ko at humarap kay Sef
"So pano babe alis na ako ha" malambing nitong sabi at nag iwas nalang ako ng tingin ng akmang maghahalikan na naman ang dalawa.

Hindi ba sila nagsasawa sa kakapapak ng labi ng bawat isa? (@_@)


Pagkaalis ni Ellie ay naiwan kaming nagtitinginan ni Sef hanggang sa sumandal ako sa kanyang sports car at tinanaw si Joecel na kausap pa rin si Chelsea at Jen




"So hows your dance practice?" maya-maya ay narinig kong tanong ni Sef



Humalukipkip ako at ngumiti bago nagsalita

"Ayos lang naman medyo pagod pero bawing bawi naman eh"



"Bawing bawi?" kinuha nya ang bag na nakasukbit sakin at basta nalang yon inihagis sa loob ng kanyang sasakyan




"Oo bawing bawi kasi nabuo na namin yun mga steps" nakangiting tugon ko sabay kunot ng noo "teka sayo ba ako sasakay? Bakit dyan mo inihagis ang gamit ko?"



Kitang kita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi hanggang sa ngumiti ito at pilyong tumingin sakin.

"Gusto mo bang sumakay sakin?" nanunudyo nyang tanong na ikinalaki ng mata ko.


Agad ko syang hinampas sa dibdib.

"Sira ulo ka talaga, namamanyak ka na naman nabitin ka ba sa kahalikan mo kanina at pati ako pinagtitripan mo?"



Matapos kong sabihin yon ay lalo lang syang natawa.

"Ang cute mo talaga kapag namumula" natatawa pa rin nyang sabi kaya naman napahawak ako ng wala sa oras sa pisngi ko



Namumula nga ba ako?



"Buwisit ka! Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo Sef! Nanggigigil na naman ako sayo!" gigil kong sabi na sa pagtataka ko ay lalo nyang ikinatawa



"Nanggigigil ka sakin? Eh ano pa kaya ako na mas nanggigigil sayo?" mapanudyo pa rin nyang sabi kaya naman lalong nag init ang pisngi ko



"Ewan ko sayo! Kung ano ano nalang pumapasok dyan sa utak mo!" nakairap kong sabi



Hindi sya umimik at ng tingnan ko sya ay nakatingin sya sakin at halata ang pagpipigil ng tawa.

"Oh? Ano na naman yan niluluto ng marumi mong utak?" mataray kong tanong sakanya at sa aking pagtataka ay bigla syang sumeryoso



"Joey.."





"Ano nga?" namataan ko na si Joecel na naglalakad na papunta sa pwesto namin.

Buti nalang at may kasama na ako!



"Kailan ka pa tinubuan ng boobs? Sa pagkakatanda ko ay flat yan diba, tapos nong huli kong nakita para na silang nakikipaghabulan sa medium na papaya" dire-diretsong sabi nya kaya naman pakiramdam ko ay umakyat lahat ng mga dugo ko sa aking mukha patungo sa ulo ko.



Napayakap ako sa dibdib ko habang ang isang kamay ko ay inundayan sya ng sunod sunod na hampas, tawa sya ng tawa habang iwas ng iwas sa mga hampas ko.

"Gago ka! Buwisit ka! Letse ka!!! Bumalik ka na sa sinapupunan ni momshie! Nakakainis ka!" pikon na pikon kong sabi samantalang sya ay maluha luha na sa kakatawa.




"Hey! Hey! Whats wrong with you guys?" takang tanong ni Joecel samin ng makalapit at niyakap ako para pigilan sa walang awat na pag hampas ko sa kanyang kapatid na manyak. "Joey stop, gusto mo na yatang patayin si kuya" awat ni Joecel sakin dahil nagpupumiglas ako sa mahigpit nyang pagkakayakap sakin




"Letse! Bitiwan mo nga ako! Bubugbugin ko talaga yan kuya mong takas sa mental!" pagpupumiglas ko





"Kuya? Ano bang nangyari?" nalilito ng tanong ni Joecel at kita ko na din na nagsisimula na din syang matawa




Kumalma naman sa kakatawa si Sef at hinawi ang kanyang buhok na tumabing na sa kanyang mukha.

"Nothing bro, tinanong ko lang naman sya tungkol sa kanyang.."




Agad kong pinutol ang sasabihin ni Sef. Hindi pwedeng malaman ni Joecel ang kahihiyan na tinamo ko noong isang gabi sa kanilang bahay. No! Mas dadagdag lang sya sa pang aasar sakin ng kanyang kapatid na gustong gusto ko ng ibaon sa ilalim ng lupa ngayon.

"Sa aking pagsasayaw, ang baduy ko daw sumayaw!" agad kong singit saka ko pinandilatan si Sef



Napangiti naman ito at kinagat ang ibabang labi.

Hays buti nalang at na-gets ng gago kung anong gusto kong ipahiwatig!



Binitiwan naman ako ni Joecel at tumingin sakin.

"Oo nga ang baduy nga ng mga steps nyo lalo na yun kapartner mong mukhang goons. Ang sweet nyo nga daw kanina eh" nakangising sabi ni Joecel


O kita nyo? Dadagdag talaga sya sa pang aasar sakin!

Tinaasan ko sya ng kilay at dinuro sa dibdib.

"Anong baduy?! Isa ka pa eh! Palibhasa wala kang alam sa pagsasayaw!"

Aaminin Ko Na!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon