47. Graduation (Part 1)

461 10 0
                                    

Graduation day ni Sef.

Kami bilang member ng dance club ay may inihanda din dance number para sa program.

Ganon din ang club nila Joecel, may kakantahin din sila mamaya at meron syang  solo.

Actualy kinausap pa nga kami ng dean namin na baka daw pwedeng mag duet kami ni Joecel kasi napanood nila yung uploaded video namin sa internet na talaga nga namang humahakot ng mga likers.


Noong una ay tumanggi ako pero dahil sa matinding pangungumbinsi ni Joecel sakin ay napapapayag din ako at ang usapan na yon ay samin lamang apat ng dean at ng mag hohost sa program. Gusto kasi namin sorpesahin ang mga estudyante sa duet performance number namin ni Joecel.






"Congrats" nakangiting bati ko kay Kane, Ellie at Yvone.




"Thank you" masayang tugon ni Ellie




"Salamat" sagot naman ni Yvone saka nakipag beso sakin




Nakangiting tumitig naman sakin si Kane at inabot ang kamay ko.

"So pano, maiiwan na kayo dito?" nakangiting sabi nya saka pinisil ang aking palad




"Ehemmm... Graduation ngayon dear, baka gusto mong masapak na naman ng guwardyado sibil ng may ari ng kamay na hinahawakan mo" nakataas kilay namang singit ni Ellie kaya naman nagbitiw agad kami ni Kane at saka kami nagkatawanang apat "






"Suss El, pagbigyan mo na ang boyfriend mo, huling araw na natin ito dito sa school hayaan mong makahawak manlang ulit sya sa kamay ng kanyang crush" mapang asar na sabi ni Yvone 




"Baka gusto mo Yvone na ikaw ang sapakin ko?" nakaingos na sabi ni Ellie saka hinila si Kane




Natawa naman ako at saka tiningnan silang dalawa.

"Goodluck sanyo at sana after ten years kayo pa rin" nanunudyo kong sabi




Hinapit naman ni Kane sa bewang si Ellie at hinalikan sa noo

"Oo naman, kung gusto mo magpatagalan pa tayong apat nila Joesef eh" birong hamon ni Kane


"Oy ano yan? bakit napasama si Joesef sa usapan anong kayong apat?" nagdududang tanong ni Yvone samin.

Nagkatinginan kaming tatlo at walang nagtangkang sumagot hanggang sa magsalita ulit sya "Kala ko ba hiniwalayan mo na El si Joesef? At ikaw Kane bakit ka pumapayag na pagsabayin kayong dalawa nitong malanding kaibigan ko?" sabi ni Yvone saka sakin naman bumaling "and dont tell me na nagpapabola ka pa rin kay Kane? My God!"




Napakamot nalang ako sa aking kilay habang nagpalitan ng tingin si Kane at Ellie. Wala pa rin kasi kaming pinagsasabihan ng tungkol sa relasyon ni Sef, maliban kay Ellie at Kane.






"I'll tell you later Yvone, for now pumila na tayo at mukhang magsisimula na ang marching" sabi ni Ellie at sinenyasan akong lumayo na, tumango naman ako at mabilis na nagpaalam sakanila






"Balik na din ako sa back stage baka hinahanap na ako nila Laarni doon" paalam ko saka ako nagmadaling tumalikod para makalayo sa mapanuring tingin ni Yvone






"Where have you been? Hinahanap ka sakin ng mga ka-grupo mo" salubong sakin ni Sef 




"Ah binati ko lang sila Ellie, bakit nandito ka? Nagsisimula na silang pumila" 






Aaminin Ko Na!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon