58. Sikat

409 8 1
                                    

Nang dahil sa isang gabi na pagkanta ko sa bar na yon ay nagkasunod-sunod na ang mga events na kinakantahan ko at paminsan-minsan din  ay kumakanta pa rin ako doon sa bar kung saan maraming humanga at natuwa sa boses ko.



Nagkaroon na din ako ng ilang guesting sa ilang tv shows sa Korea at may mga producers na din na lumalapit sakin para mag produce ng album ko. Pero wala pa akong tinatanggap na offer dahil mas priority ko pa rin ang pag aaral ko na ilang buwan nalang ay gagraduate na din ako.





Si lola Li Yen naman ay todo suporta sakin at proud na proud bilang lola nya. Maging si Papa at sila momshie at Joecel ay tuwang tuwa para sakin dahil sikat na sikat na daw ako.



Kaya naman dinagdagan pa ni lola Li Yen ang body guards ko dahil na din sa kahit saan lugar ako magpunta ay hindi maiwasan na hindi ako lapitan o pagkaguluhan ng mga tao. Maging sa school na pinapasukan namin ay maraming mga estudyante ang lumalapit sakin para magpapicture o makipag kaibigan na hindi ko naman binibigo at kung maari lang na pagbigyan ko silang lahat ay gagawin ko wag lang sumama ang mga loob nila sakin.



"Girl ok ka na ba? Malapit ka ng mag perform" tanong sakin ni Bae-kyung sa salitang Korean habang inaayos ang buhok ko.



Nasa isang sikat na tv show kami ngayon at inimbitahan ako ng kanilang management para mag perform ng opening number.



"Oo ok na ako" nakangiti at confidnet kong sabi dahil nasanay na din ako sa maraming tao 



Nang tawagin ng host ang aking pangalan ay nagsigawan ang mga naroroon lalo na ng lumabas na ako at sinimulang kantahin at sayawin ang isang sikat na kanta ng Kpop group na Girls Generation at ang title ay I Got Boy. 



Nagtayuan ang mga manonood sa studio at nakisabay ng pag indak sa aking pagsasayaw. Kapag ganito ang mga nanonood sakin pag nag peperform ako ay hindi ko sila binibigo dahil ibinibigay ko ang lahat ng best ko para lang mas mapasaya sila sa aking pagkanta at pagsasayaw.



Nang matapos ang aking kanta ay naghiyawan ang mga tao sa studio at gusto pang humirit ng kanta pero dahil ang usapan lamang namin ng management ay isang kanta lang ay malungkot na hindi ko sila napagbigyan. Kumaway nalang ako at lubos na nagpasalamat sa mga naroroon saka ako bumalik sa back stage.





"Grabe! Ang galing galing mo talaga girl! Kita mo yung mga tao sa studio halos akyatin ka na nila stage, hayyyy grabe na talaga to" tuwang tuwa na sabi ni Hyorin







"Let's go girls, baka dumami pa ang mga tao sa dadaanan natin kawawa na naman tayo nito pag kinuyog tayo ng mga fans ni Joeny" yaya ni Eunji saka bumaling kay Bae-kyung "Ikaw ang humarang sa mga magtatangkang lumapit kay Joeny ha" utos nya kay Bae-kyung sa pamamagitan ng salitang Hangul





"Ye! No problem" nakangiting tugon naman ni Bae-kyung na hindi mo maiisip na pusong babae dahil lalaking lalaki pa ring tingnan ito . 



Naglakad na kami patungo sa exit ng studio at gaya nga ng inaasahan marami ang nag aabang sa daraanan namin papunta sa parking kaya halos yakapin na ako ni Bae-kyung wag lang akong malapitan ng mga tao dahil yung iba basta basta nalang kumakapit at pag nanggigil ay mangangalmot





"Joeny! Joeny! Joeny!" hiyawan ng mga tao sa paligid at halos nagsisiksikan na para lang makalapit sakin, ako naman ay kinakawayan ang bawat madaanan namin hanggang sa magulat nalang ako ng biglang mapabitaw sa pagkakayakap sakin si Bae-kyung at nakita nalang namin na nagdudugo ang labi nito





"Sh!t! Anong nangyari?" agad ko syang nilapitan ganon din sila Hana na nagmadaling lumapit samin para harangan ang mga taong gusto pa rin makalapit sakin



"Girl sa sasakyan na natin tingnan yan dumarami lalo ang mga tao" wika ni Hana



Naglapitan na din ang mga guard at tinulugan kaming makadaan sa mga humaharang para makasakay na sa aming sasakyan.





"Anong nangyari? Bakit nagdudugo ang labi nyan?" tanong ni Hyorin habang nagmamadaling maisarado ang pinto ng sasakayan ng makasakay na kaming lahat





"Someone pulled me and punch me on my face" gigil na gigil na sabi ni Bae-kyung



Nagmadali naman akong lapatan ng first aid ang kanyang sugat katulong si Eunji 





"Sino naman ang gagong gagawa non? Bakit nya ginawa yon?" inis na sabi ni Hana 





"I dont know, baka naman isa sa mga fans ni Joeny na malaki ang pagkakagusto sakanya at nagselos ng makitang nakayakap sakanya si Bae-kyung?" sabi ni Hyorin habang napapangiwi dahil napapaigtad si Bae-kyung kapag dinadampian ko ng gamot ang kanyang putok na labi





"Grabe naman sila, ok lang naman maging adik na fans, pero yung mananakit sobra naman sila" iiling iling na wika ni Eunji



"I'm sorry Bae-kyung, ipapacheck natin sa cctv ng studio yung mga taong nandoon para makita natin kung sino ang nanapak sayo" wika ko sakanya sa salitang Hangul





"No, no,no it's ok. Ayoko ng maabala pa saka magiging issue lang ng press yon pag pinalawak pa natin" tanggi nya sa salitang Hangul pa rin





Napabuntong hininga ako

"Grabe naman kasi bakit kailangang manakit pa?" inis kong sabi saka ko sya tiningnan "Hindi mo ba nakita kung sino o anong itsura nong nanakit sayo?" 



Umling iling naman si Bae-kyung

"No, I didnt see his face pero matangkad sya at naka hood jacket" tugon nya saka umayos ng upo "Pabayaan nyo na, makakarma din yon. Para saan pa at naging manager mo ako kung papatulan ko yon" nakangiti nyang sabi sa salitang Korean  saka pinisil ang pisngi ko







Yeah right tama kayo ng nabasa, si Bae-kyung ang tumayong manager ko simula noong nagkasunod-sunod ang guesting ko. Sya din kasi ang unang pinagtanungan at tinawagan ng kanyang kaibigan na isa din palang producer at naamazed sa boses ko.





Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan at sabay-sabay na tumango.

"Basta mag doble ingat nalang tayo sa susunod kasi baka isa naman satin ang masapak, oh God my face, ayoko pang mabangasan, hindi birong cream at pagpapaganda ang ginagawa ko sa mukhang ito" wika ni Hyorin na syang nakapagpatawa saming lahat

Aaminin Ko Na!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon