Nagtagal din ng ilang oras si Joecel sa bahay para makipagkulitan at inisin lang ako.
Umalis lang sya ng makatanggap ng tawag kay Ivy, at laking pasasalamat ko naman dahil matatahimik din ang buong kabahayan dahil sa kaingayan at pambubulabog nya.
Bumalik ako sa aking kuwarto at napabuntong hininga ng makitang alas tres na ng hapon. Ilang oras nalang at malalaman na ng pamilya namin ang tungkol sa relasyon namin ni Sef.
Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama at dinampot ang cellphone ko. Napanguso nalang ako ng makita na wala manlang kahit isang text o missed call si Sef. Ang last na message pa nya ay kaninang umaga para sabihin na umalis sila ni momshie.
Sinubukan kong magtext sakanya
To Sef
Musta? Wala manlang paramdam? (T_T)
Naghintay ako ng ilang sandali para sa kanyang reply pero wala.
Muli akong nagtext sakanya.
To Sef
Mukhang binili nyo na ni momshie ang buong mall ah, hindi ka na nakaalalang magtxt manlang sakin huhuhu missed na kita :(
Ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang sa magsimula na akong mainis. Wala pa rin kasi syang reply.
Sinubukan kong idial ang kanyang phone pero cannot be reached ito.
Binitiwan ko nalang ang cellphone ko at payakap na dumamba sa isa kong unan.
Lowbat siguro (>_<)
Napabalikwas ako ng bangon ng makitang madilim na ang buong paligid.
Pagtingin ko sa orasan ay mag alasais y media na ng gabi!
Napasarap at napahimbing ang tulog ko dahil na din siguro sa pagod ko kanina sa paglilinis ng aking silid.
Nandyan na kaya si Papa? Bakit hindi manlang nya ako ginising? Alam naman nya na may dinner sa kabila ngayon.
Napatingin ako sa cellphone ko na basta ko nalang binitiwan kanina. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung may message si Sef, pero gaya kanina kahit isa ay wala pa rin.
(>_<)
Nagsimula ng uminit ang ulo ko and at the same time ay kabahan.
Hindi kaya may nangyari sakanila ni momshie?
Dinial ko ulit ang phone ni Sef pero hindi ko pa rin ito macontact.
Si Joecel ang naisipan kong tawagan at nakaka dalawang ring palang ay sinagot naman agad nya ang aking tawag.
"Dude! Himala at tinawagan mo ako, minsan lang mangyari to ah" mapang asar agad nyang bungad
"Nakauwi ka na ba?" tanong ko agad at hindi pinansin ang kanyang pang aasar
"Huh? Hindi pa ako umuuwi, bakit?" taka nyang tanong
At ako naman ang nagtaka sa sagot nya
"Hindi ka pa umuuwi? Eh diba may dinner tayo ngayon dahil aalis na si Papsie bukas?"
Bigla namang tumawa si Joecel na ikinainis ko
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Ang sabi nga ng matatanda, inisin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising!
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...