Masaya kaming nagkukuwentuhan nila Eunji sa isang table ng lumapit si papa at may kasunod syang dalawang crew ng hotel.
"Anak," tawag sakin ni papa
"Pa, bakit po?"
Hinawakan ni papa ang aking kamay at nakangiting tumingin sa mga kaibigan ko.
"Pwede ko ba munang hiramin ang dalaga ko?" nakangiting paalam ni papa sakanila
Agad namag tumango sila Eunji
"Sure tito"
Iginiya ako ni papa sa isang tabi at kasunod pa din ang dalawang crew
"Bakit pa? May sasabihin ka po bang importante?" nakangiti kong sabi pero napalunok ako ng ngumiti si papa at marahan na hinaplos ang pisngi ko
"Ako wala akong importanteng sasabihin sayo anak, pero yung may ari ng hotel na ito ay gusto kang makausap at palagay ko ay sya ang may importanteng sasabihin sayo" nakangiting sabi ni papa
"Ah, ako din naman papa gusto ko din po syang makausap para makapagpasalamat, nasaan po ba sya, kanina ko pa nga po sya hinihintay na magpakita eh" excited na sabi ko at saka ako lumingon lingon
"Sasamahan ka nila anak, sila ang maghahatid sayo sa may ari ng hotel na to" tugon ni papa saka pinisil ang kamay ko "I love you anak, and all I want is the best for you"
Nailing naman ako sa sinabi ni papa pero na-touch ako ng sobra
"May linya ka pa talagang ganyan pa? Kakausapin ko lang naman ang may ari hahahah" natatawa kong sabi
"Sige na anak sumama ka na sakanila at baka mainip ang isang yon" nakangiting taboy sakin ni papa kaya naman mabilis na akong sumunod sa dalawa. "I want you to be happy anak" pahabol pa ni papa
Sa buong pagtataka ko ay sa roof top ako inihatid ng dalawang crew. Nang makalabas ako sa rooftop ay iniwan na nila ako.
Ang arte ng may-ari ha, talagang sa rooftop pa talaga trip makipag usap sakin!
Marahan akong naglakad at ng makarating sa may railings ay marahan akong dumungaw sa ibaba at halos mapalunok ako dahil sa sobrang ganda ng view na nakikita ko. Napakaganda ng Seoul.
Umihip ang hangin at napatingala ako sa kalangitan.
Napakaraming bituin.
Malungkot na napayuko ako at muling tumingin sa syudad ng Seoul, bigla kong naalala ang kaisa isang lalaking minahal ko.
Parang ganito din ang view noong nagpunta kami sa Antipolo. Tanaw ang lahat ng nasa ibaba at ang buong syudad ng Manila.
Isa yon sa napakasayang gabi ng aking buhay na hindi ko akalain na mapupunta lang pala sa isang bangungot.
Humakbang ako paatras at saka humarap at natigilan nalang ako ng makita ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa kabilang side ng rooftop at nakatalikod sya sakin.
Pero pamilyar sakin ang kanyang tindig at kung hindi ako nagkakamali ay sya din ang nakita ko kanina noong nagbibigay ako ng mensahe sa lahat ng mga bisita.
Humakbang ako palapit sakanya at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay palakas ng palakas ang tibok ng aking puso.
"W-who are you?" lakas loob kong tanong sakanya
BINABASA MO ANG
Aaminin Ko Na!!! (Completed)
RomanceLumaki kaming magkasama ng best friend ko.. Sabay kaming ipinanganak, Sabay kaming lumaki, Sabay kaming nag-aral, Magkasama din kami sa lahat ng kalokohan At sa lahat ng kalokohan na yun kapag nasasangkot kami sa mga bagay na aming ikapapahamak.. T...