61. Surprise!!!

433 7 0
                                    

Pagkatapos ng show ay nagpaalam agad ako kay Bea-kyung na uuwi na ako dahil naghihintay sakin si lola Li yen. Maging sya ay nagmadali na din umalis dahil may lakad pa daw sya.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong na ako ni lola Li yen at iginiya na patungo sa sasakyan.


"Sandali lang po lola magbibihis po muna ako, saan po ba tayo pupunta?" taka kong tanong dahil yung suot ko kanina nong nag perform ako ay yon pa rin ang suot ko hanggang ngayon. 

Black leather skirt na tinernuhan ko ng itim din na boots at ang pang itaas ko naman ay black leather jacket din na pinalooban ko lang ng itim na tube.

In short all in black ako ngayon! 




"Hayaan mo na yan hija, nagmamadali ako eh mali-late na tayo, saka kahit naman anong suotin mo ay maganda ka pa rin" nakangiting sabi ni lola at halos itulak na nya ako pasakay sa sasakyan.




Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Nag retouch nalang ako dahil nagiging oily na ang mukha ko.

"Saan ba tayo pupunta la?" tanong ko ulit sakanya


"Dyan lang apo, may meeting kasi ako ngayon at gusto kang makita ng personal ng ka-meeting ko, fan na fan mo daw kasi ang anak nya" nangingiting sabi ni lola


"Ah ganon po ba" nakangiti ko nalang tugon


Pagdating sa Hotel na sinabi ni lola na lugar kung saan sya may ka-meeting ay agad kaming sinalubong ng dalawang crew ng hotel at iginiya patungo sa pinaka penthouse.

Ang paliwanag sakin ni lola Li yen ay may ari daw kasi nitong hotel ang kanyang ka-meeting kaya sa penthouse kami didiretso.


Paglabas namin ng elevator ay pinigilan muna ako ni lola sa kamay inayos ang jacket na suot ko saka ako hinaplos sa pisngi.


"Let's go?" nakangiti nyang sabi


Tumango naman ako at sumunod sakanya.




Pagkapasok namin sa penthouse ay ganon nalang ang pagkagulat ko dahil maraming tao ang naroroon, mga naka dress ang mga ito at mga naka mask pa sa mukha. Lahat sila ay tumigil sa mga kanya-kanyang ginagawa at sabay-sabay na humarap samin.




"Happy birthday Joeny SURPRISE!!!!" masayang bati ng lahat kaya naman napatulala akong napatitig sakanila at ng mahimasmasan sa pagkakagulat ay agad kong niyakap si lola Li yen.




"Lola thank you" maiyak iyak kong pasalamat kay lola 




"Anak.."


Natigilan ako ng marinig ko sa aking likuran ang boses ni papa. Naka mask din ito na gaya ng iba at kaya ko lang sya nakilala dahil na din sa kanyang boses.




"Papa nandito ka!" masayang sabi ko at agad din syang niyakap




"Happy birthday anak" bati ni papa habang hinahaplos ako sa aking likod




"Kaya pala hindi ka nagpaparamdam simula kaninang umaga kasi sosorpresahin nyo ako ni lola" masayang masaya na sabi ko 




Tumawa naman si papa at bahagyang inilayo ako sakanya.




"Saglit lang hija may mga gusto pang bumati sayo" inilahad nya ang kanyang kamay at pagtingin ko sa bandang kanan ko ay nakatayo doon si momshie"


"Oh my God!" bulalas ko at patakbong niyakap si momshie "Momshie totoo ba to? Nandito ka din?" 


"Oo anak, actualy magkasama kami ng papsie mo, nag cr lang sya...oh ayan na pala sya" nakangiting turo ni momshie kay papsie




Aaminin Ko Na!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon