TMBPS23:

2.3K 27 5
                                    




Close~

"Master"-ungol ni Andrea, na syang nakakuha ng atensyon ni Calvin. Napatingin sya sa natutulog na dalaga, pinagmasdan nya lamang ito at napabuntong hininga, hindi parin mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Nabalik na lamang sya sa realidad ng
tumunog ang kanyang telepono.

"Everything is done master"-saad ng kausap.

"Good!"-tanging sagot nito at binaba ang tawag, napabutong hininga na lamang sya at nagawi uli ang tingin sa katapat na upuan, kung saan natutulog parin ang dalaga.

Lumapit sya dito at pinagmasdan ang mukha ng dalaga, hinawi nya ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito at masuyong hinaplos ang mukha ng dalaga. Hindi nya maintindihan kung ano ang nararamdaman nya tuwing nakikita ang dalaga, tuwing bigla bigla nitong gambalain ang kanyang isipan. Titigil na sana sya sa pag haplos ng mukha ng dalaga ng masagi ng kanyang daliri ang mga labi nito. Hindi namalayan ni Calvin na unti unting lumiliit ang distansya ng kania,ng mukha, nasa labi lamang ni Andrea ang nasa kanyang isipan. Gusto nyang matikman uli ang matamis na labi ng dalaga, gusto nyang maramdaman uli na magkalapat ang kanilang labi, ang kania,ng katawan... At maging pareho ang bilis ng pagtibok ng kanilang puso.

Maglalapat na sana ang kanilang mga labi kung hindi lamang dumating ang isa nyang tauhan para ipaalam na magbo-board na ang eroplanong kanilang sinasakyan. Nakaramdam sya ng panghihinayang para sa naudlot na paglapat ng kanilang labi at pagkainis sa kanyang tauhan, ngunit hinayaan na lamang nya ito at binalaan ang tauhan na wag sasabihin sa iba ang nakita nito, tumalima naman ang kanyang tauhan.

....

Nagising si Andrea na sumasakit ang ulo, bigla syang natakot ng makitang nasa isa sang kwarto. Nag-umpisang manginig ang katawan nya, maraming bagay bagay ang nagpapagulo sa isip nya.

"Si master"-nasambit ng nanginginig nyang mga labi. Bigla syang umiyak.

"Panaginip lang, master..."-iyak nya.

"Panaginip pala *sob* master nasan ka na!"-iyak nya sa isipan.

Niyakap nya ang kanyang mga tuhod at umiyak ng umiyak.

Samantalang napakunot noo si Calvin ng may narinig syang umiiyak ng mapadaan sa kwarto ng dalaga, agad naman syang pumasok at nakita ang dalaga na takot na takot habang yakap yakap ang mga tuhod nito.

Agad syang lumapit dito at ng mahawakan ang dalaga, ay bigla na lamang sya nitong naitulak at sigaw ng sigaw habang umiiyak.

"Layuan nyo ko"-impit nyang sigaw. Biglang may sumiklab na galit sa dibdib ni Calvin sa nakita, sinubukan nyang yakapin ang dalaga at tawagin pero nanlalaban ito.

Kaya may pwersa nya itong niyakap na syang hindi na nalabanan ng dalaga. Hinahagkan nya ang noo nito habang pinapakalma ito.

"Shhh! It's okay sweetheart, it's okay shhh!"-paulit ulit na sambit ni Calvin sa dalaga.

Bigla namang kumalma si Andrea, pamilyar sa kanya ang init at presensya ng taong nakayakap sa kanya. Naglakas loob syang tignan ang taong yumayakap sa kanya at bigla na naman namuo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Habang patuloy parin si Calvin sa pagpapakalma sa dalaga.

"M-master!"-madamdaming sambit ng dalaga, napatingin naman si Calvin sa mukha ng dalaga at nagtama ang mga mata nila. Niluwagan naman ni Calvin ang pagkakayakap sa dalaga.

"Yes it's me!"-malambing nyang saad dito.

"Master"-iyak ng dalaga at niyakap si Calvin ng mahigpit na sya naman sinuklian ang binata. Iyak ng iyak si Andrea.

"Shhh! It's okay now, I'm here now Andrea and I won't let anyone hurt you ever again"-Calvin.

"Master! Kunin mo na po ako sa kanila, ayoko po dito master!"-hysterical na ani ng dalaga.

I'm the Lost Girlfriend of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon