TMBPS1:

6.2K 117 0
                                    

Life of Andrea~

Mabilis na tumatakbo si Andrea papuntang maids quarter,ginabi kasi sya sa pagreresearch kaya ayon todo bilis syang gumagalaw baka malaman ng step family nya parusahan at pagalitan pa sya.Malapit na naman syang maggraduate sa kursong medicina kaya kunting tiis na lang.

Sa back door dumaan si Andrea papuntang kusina at ng makarating sya don.

"Ay! naku Andrea but ngayon kalang ha! mabuti nalang at hindi kapa tinatanong ng señora"-nag-aalalang tanong ni manang Mening kay Andrea,nahihiyang napangiti naman si Andrea at tinulungan ang mga kapwa kasambahay.

"Ako na po dyan manang,nagresearch pa po kasi ako kaya medyo ginabi po ako"-sabi ni Andrea habang naghihiwa ng repolyo

"Ah! ganon ba,tsa! sige ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mo dyan at marami tayong lulutuin ngayon"-Manang Mening,napakunot noo naman si Andrea at tumingin sa matanda

"Bakit naman po? may bisita na naman po ba sila"-tanong ni Adrea,nangasim naman ang mukha ng matanda.

"Eh! ano pa nga ba! Hay! naku yong kapatid mo kasing si Krisell ayon may bago na namang nobyo kaya todo handa si señora kasi darating ito at ang mga magulang ng kanyang nobyo,aba akalain mo ba namang pagkarinig na mayaman ang pamilya ng lalaki ayan nagpahanda kaagad ng dinner,kaya ito tayo ngayon naghahabol ng oras"-pahayag ng matanda napa ngiti at tawa naman ang dalaga sa tinuran nito,napakadaldal kasi.

"Ah! Ganon po ba! hayaan nyo na po baka ito na po ang huli"-nakangiting pahayag ng dalaga,napaikot nalang ng mata ang matanda na nakasimangot parin.

"Duda ko lang!"-sabi nito at sabay martsa papunta sa niluluto nito.Napailing nalang ang dalaga at unti-unti nawala ang ngiti sa labi ng maalala nya ang kahapon.

*********

Nagaayos ng hapunan ang mga selbidora ng bumaba ang kanilang señora at muntik na silang matawa sa itsura nito.Madaming kolorite ang mukha nito,halos suotin din nito ang lahat ng kanyang alahas at para syang pokpok kung manamit.Pero mas iisipin mo talagang may palabas sya sa karnibal.Sumunod na bumaba ang kanilang señorita Krisell na sexing sexing manamit at kanilang señorito Alfred na nakasimangot at halatang hindi sanay sa pormal na suot.

Humalik ang dalawa sa kanilang Ina

"Wow sexing sexing at ang ganda mo mommy ha!"-puri ni Krisell sa Ina,pigil tawa naman ang mga katulong samantalang si Andrea naman ay napangiti nalang na syang napansin ng kanyang señora.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha!?"-Donya Crisellda,nagulat naman si Andrea doon at nag-aalala naman ang iba sa kanya,baka kasi pagbuhatan sya nito ng kamay.

"Ah! Wala po señora,nagagandahan lang po ako sa inyo"-palihim na pinupukpuk ni Andrea ang sarili but hindi nya kasing mapigilang matawa sa mga ito.Tinaasan lamang sya ng kilay ng señora

"Mabuti naman at napansin mo,well back to you iha! salamat naman at napansin mo ang beauty ng Ina mo,aba hindi ako magpapatalbog sa magiging byenan mo noh! at baka may mahumaling pa sakin anak"-nakangising sambit ni Crisellda,napahagikhik naman ang mag-Ina

"Hay! Naku mommy tumigil ka nga dyan at baka hindi pa kami magkatuluyan ni Samuel nyan eh!"-biro ni Krisell sa Ina

"Eh! balita ko kasi anak napakamayaman ng pamilya non kaya baka masurot ko ang ama nya,hehe"-malanding saad ni Crisellda,napaikot ng mata naman ang anak nitong si Alfred,samantalang may namuong galit sa puso ni Andrea,pinapamukha kasi ng babaeng yon na isa sa mga nasurot nya ay ang kinikilalang yumaong ama.

Napatigil sa pagtatawanan ang Ina ng biglang may bumusina.

"Ay! naku mommy nandyan na sila"-at dali daling lumabas ang mag ina para salubungin ang mga ito,hila hila si Alfred na nakabusangot

Sa kalagitnaan ng kanilang hapunan ay hindi mapakali si Andrea sa kanyang kinatatayuan,nararamdaman nya kasi ang nakaw sulyap sa kanya ni Samuel na syang pinipilit na pinipigilan ni Krisell.Hindi mo kase maitatangging isang napakagandang dilag si Andrea kaya marami ang nagpapakita ng interest sa kanya ngunit sya lamang itong mailap sa mga lalaki.

Natapos din ang hapunan ng kanilang mga amo,sabay sabay na kumain ang mga kasambahay sa kanilang maliit na hapagkainan.

I'm the Lost Girlfriend of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon