Problems~
"Anong wala na,hindi yan pwepwede! maraming perang iniwan ang yumao kong asawa at patuloy parin ang aming pamamahala sa aming negosyo kaya papaanong nangyari ni singko ay wala ng laman ang bank account naming magina"-bulyaw ni Crisellda sa kausap.
"Madam sabihin na nga nating napakaraming naiwan na pera ang asawa nyo at kayo parin ang nagpapalakad ng negosyo na naiwan nya.Ngunit may dumating na napakalaking problema sa kompanya na halos 3 taon ng hindi nareresolba-"-hindi pa natatapos ng attorney ang sinasabi ng biglang sumingit ang babae
"Anong hindi pa nareresolba!? Diba natapos na ang problemang yon 2 months ago,so paano magkakaproblema ang kompanya"-galit na galit na ang babae,napabuntong hininga ang abogado at inilabas ang mga dokyumentong may mga perma ng babae
"Naayos nga po yon madam ngunit nakasaad sa penirmahan mong papeles na pumayag kang ipagbili ang 20% na share mo sa kompanya upang makapondar ng bago mong bahay na pinapagawa.At ang naiwan na lang saiyo ay 20 pursyento...binili narin ng nakabili ng 20% share mo ang iba pang share which leads that person to be the new owner and the CEO of the company"-napaupo nalang ang babae sa sinabi ng abogado nila at napahilamos ng mukha.
"At ang pagkaubos naman ng perang iniwan sa inyo ay dahil sa paggastos nyo sa inyong mga luho.Idagdag mo pa na naitakas ng isa sa mga empleyado mo noon ang perang dapat ilaan sa negosyong gusto mong buksan...Madam may natira pa naman po sa inyo eh! yong bahay na tinitirhan nyo ngayon pati mga kotseng ginagamit nyo ngayon...and if possible may makukuha naman kayong pera sa kompanya if you sell your 20% share in the company,whichever it is,its still your decision."-natahimik ang babae,napabuntong hininga sya.
"How much..how much would I get if I sell the share left for me"-kalmado nyang sabi
"Well! it depends of how much you want to sell it"-attorney
"20 million is it possible"-babae
"Well it is"
"Well then find a buyer"-babae
"Okay! expect a buyer tomorrow,I'll be going then"-sinarado na ng attorney ang briefcase nya at agad na lumabas.
Hindi nila alam na narinig pala ni Andrea ang pinaguusapan nila,pinigilan nyang maiyak,importante sa kinalala nyang ama ang kompanyang yon dahil binuhos ng ama buong buhay para mapalago lang ito.Nang narinig nyang lalabas na ang abogado sa loob ng opisina ng madrasta ay agad syang nagtago at pinigilang wag humikbi.
.....
2 buwan na ang nakakalipas,nakalabas na ng ospital si Alfred.Naalegro narin ang kaso nya,na nagpadagdag ng problema sa babae noong nakaraang buwan.Nalaman kasing nasa impluwensya ng pinagbabawal na gamot ang binata habang nagdri-drive,pati narin illegal ang drug race na sinalihan nito.
Nasa sala si Alfred ngayon ng mayinabut ang katulong nila sa kanya.Isang kahon na nakabalot sa gift rapper.Tinignan nya kung maynakalagay bang sulat pero wala.Nag buksan nya ito,agad syang napatakbo sa lababo at sumuka,dali-dali naman syang dinaluhan ng mga kasama sa bahay.May isang katulong na tinignan kung ano ang laman ng box at napasigaw na lamang ito.Agad namang lumapit ang iba maging si Andrea.Walang may lakas na loob na lumapit dito pwera kay Andrea.
Dahan dahang kinuha ni Andrea ang kahon.Manapikit na lamang sya sa baho at sa laman nito.Isang ulo ng manikin na kamukha ni Alfred at mukhang inaagnas na,may mga butas ito at nakatanim na kutsilyo.Hinawakan nya ang buhok at inangat ito,napapikit naman ang iba ang iba ay nasusuka narin.Ibinaba ni Andrea ang ulo at tinignan ang ibang laman nito,may 3 bala ng baril,litrato ni Alfred na pinagbubutas at isang sulat.
"Die~"-nasambit ni Andrea,natakot naman ang iba.
Nong gabing iyon nalaman ni Crisellda at Krisell ang nangyari,tatawag pa sana sila ng police pero pinigilan sila ni Alfred.Wala na silang magagawa kundi ang tumakas.Kinabukasan sinabi ni Crisellda umalis na bukas na bukas ang mga kasambahay at sinabing ipagbibili na ang bahay.Isa lang ang nasa isip ni Crisellda ay itakas ang anak sa ibang bansa.Tinutulan ni Andrea ang sinabi ng madrasta na naging dahilan ng
"Hindi po pwewede iyan,ito na lamang ang ala-ala nina mommy at daddy tapos ipagbibili nyo nalang,hindi na nga po ako nagreklamo ng ipagbili nyo ang kompanya pero wag naman po ito,wag po ang bahay"-nagalit si Crisellda sa itinuran ni Andrea,lumapit sya dito at binigyan ng isang napakalakas na sampal ang dalaga.
Gusto mang tulungan ng ibang makatayo si Andrea ngunit binalaan sila ni Crisellda
"Subukan nyong tulungan sya at hindi nyo makukuha ang sweldo nyo"-galit na bulyaw ni Crisellda
"Pakiusap wag ang bahay,ito nalang ang naiwan nina daddy"-nakiusap parin si Andrea habang nasa lapag sya at sapo ang pisngi
"Hoy! manahimik ka dyan ha! para sabihin ko sayo ampon ka lang kaya wag kang magdrama.....at kayo magbalot balot na kayo,dapat bukas ng umaga wala na kayo dito"-at tumalikod na si Crisellda.
Kinagabihan madami na ang nakaalis ng bahay,naibigay narin kasi ang kanilang mga sweldo.Mayroon pa namang natitira at nagdesisyong bukas ng madaling araw nalang aalis dahil wala ng sakayan ngayon patungo sa mga probinsya nila.Kabilang na don si Andrea,wala naman syang mapupuntahan eh! nag-alok na din si Aling Mening sa kanya na isama na lamang sya sa kanilang probinsya pero tinanggihan iyon ni Andrea at sinabing maghahanap nalamang sya ng trabaho para maipagpatuloy ang pagaaral tutal scholar naman syang buo at kasama naman nya si Alyannah ang naging bestfriend nya simula ng mamatay ang daddy nyo.Tumawag kasi ito kanina at nalaman ang sitwasyon ni Andrea so she offers her a place to stay.
BINABASA MO ANG
I'm the Lost Girlfriend of the Mafia Boss
RomansaDahil sa isang pagkakamaling aking nagawa ay nawala sya. Pilit ko syang nilimot at nagpatuloy sa pagngarap Kinalimutan ko ang lalaking sumalo sakin mula sa pagkalugmok Ang lalaking tanggap ako kahit sino man ako at kayang magpakatanga para sa akin. ...