Plan Sixteen - Stay Away

4.1K 79 11
                                    

Plan Sixteen

Stay Away

 

> Her Plan <

 

               “Wala na ang mga Marasigan dito. Ilang buwan nang hindi nagbabayad ng renta ang mga ‘yon kaya nung isang buwan ay napaalis ko na. Ano bang kailangan n’yo sa kanila?”

          The weirdest thing in this planet is the exact stuff. Bakit pag hindi nakakabayad ng renta pinapaalis na kaagad? Di ba pwedeng magbigay ng chance para makabayad? Di naman aalis ang bahay ah.

               “Hindi n’yo ho ba alam kung saan sila pwedeng magpunta?” Savier inquired as he would know by now na hindi ako sumasagot at nagtatanong kapag ganyan ang kausap.

               “Eh ano namang pakialam ko kung saan lilipat ang mag-anak na ‘yon?”

          -___-++

          Konti na lang babasagin ko na mukha nito.

               “Ate, nakalunok ka ng bubog?” =___=

          They both looked at me.

               “Bakit?”

               “Mukha kasing nagkaroon ng side effect sa mukha mo, nag-create ng sabog na bubog sa dami ng bukol.”

          Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nilakad ko na rin ang madilim na kalye ng village na ‘yon. Nang tumapat ako sa isang random house ay nag-doorbell ako. Walang sumagot ni sumilip.

          Ang creepy nitong lugar. Wala kami sa Underground district pero lahat ng bahay sarado tapos lahat din ng ilaw nakapatay. Ilaw lang halos ng poste ang nagbibigay liwanag sa madilim na subdivision na ‘yon.

               “Can’t you wait up? Paalala lang, may kasama ka.”

               “Nakaka-badtrip. Paanong nangyari na walang kumukuha ng katawan nung biktima sa morgue ng kahit na isa sa mga kamag-anak niya eh nailabas na sa media ang tungkol sa kaso? Ano sila, nasa labas ng planeta para hindi man lang makaabot sa kanila ang pagkamatay ng anak nila?”

               “There’s probably a reason.”

          Napahinto ako sa paglakad. I looked back. Bukod sa si Savier lang naman ang nakasunod sa akin, parang pakiramdam ko may mga aninong gumagala sa buong lugar bukod sa mga anino namin.

               “May problema?” kunot-noong tanong niya.

          I glanced around the houses. There were tall, medium sized and ordinary but still, dark. It’s night time, granted. Pero wala ba silang mga ilaw man lang sa mga kabahayan nila? Given na walang ilaw yung iba o nagpapatay ng ilaw kapag natutulog, bakit lahat sila gano’n?

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now