Plan Twenty Seven - Power Of Two

3.4K 74 9
                                    

Plan Twenty Seven

Power Of Two

> Her Plan

"Do you think it's safe to go to school today, Sunshine?" narinig kong tanong ni Savier mula sa banyo. Well he's brushing his teeth while I prepare for breakfast.

Err simpleng itlog tsaka pancit canton na binili ko sa labas. Pareho kaming walang pera para kumain pa sa mamahaling resto. = o =

"Why not?"

"Nah, I've got a better idea. Let's ditch half of the time."

Nakalabas na siya nang lumingon ako. Nakasabit sa balikat niya ang bathroom towel at nalalaglag naman ang butil ng tubig mula sa leeg niya pababa sa abs. Ampupu. =___=a

"Bakit tayo magdi-ditch?" wow parang napaka-bait ko namang estudyante eh. xD

"Pipili tayo ng bahay na malilipatan. Aayusin na natin para wala na tayong problema sa mga susunod na araw."

"Eh? Saan ka naman kukuha ng pambili? Di ba nakuha ni Xena lahat pati account mo? Tsk. Kung alam ko lang nagnakaw sana ako nung mga mamahaling vase sa mansion." = o =a

He chuckled pagkatapos ay naupo na sa harap ng hapag-kainan. "Pwede naman akong kumuha ng loan. May trabaho pa naman ako, hindi naman ako pababayaan ng ZAFT. Kinuha nila ako hindi dahil sa yaman. Dahil magaling ako. Kaya kahit mag-back to zero ako, makakagawa ako ng paraan."

Ow. Buti pa siya. ("_ _)

"Bakit nga ba hindi ako naging maparaan gaya mo? Tsk."

"Bakit?" nag-uumpisa na siyang kumain.

"Nung na-track ako ng buset na bounty hunter na 'yon pati ng ZAFT, napunta sa charity lahat ng nasa account ko. Ni hindi ko man lang napigilan o kaya ninakaw ko na lang sana." -___-++

"Sinong bounty hunter ba 'yun?"

"Aba malay. Basta ang alam ko Pilipino yun. Hindi ko lang talaga matanggap na nakaisa siya sa'kin." -___-++ nag-iinit na naman ang dugo ko. Grr. Argh!

"Oh eh tama na 'yang paghihimutok mo d'yan, kumain ka na."

Ano pa nga ba?

Pagkatapos naming mag-almusal naghugas ako ng pinag-kainan. Buti nga hindi kami kumain sa plastik. Akalain mong may mga plato pa siya dito sa unit niya.

Naupo siya sa sofa dala ang laptop niya. May kinakalikot siya do'n. Habang nasa kusina ako, kinuha ko ang phone ko saka kinontak si Gino.

"Maryan."

"Hoy. Di ba dapat sumu-sweldo na'ko? Aba't nakakailang buwis buhay na'ko sa kasong 'yan ah. Luto na utak ko kaka-solve n'yang case na 'yan."

"Hindi mo pa na-aaccomplish."

"Ay ayaw mo'kong bayaran? -__- Osya sige gawin mo 'yang misyon na 'yan ng mag-isa mo. Parang makakalayo ka kung hindi ako ang humahawak n'yan ah."

"Tsk. Magkano ba kailangan mo?"

So we settled the amount. Nagpagawa pati ako ng account. Nung ma-end ko yung call nakita kong nakatingin sa akin si Savier. Narinig kaya niya? "Ba't mo kailangan ng pera?"

"Masama na bang mangailangan ng sweldo ngayon?" = o =

Pinagpag niya ang bakanteng space sa tabi niya. "Upo ka dito."

Masunurin ako kaya lumapit ako at naupo doon. Sumiksik ako sa dibdib niya at yumakap. Nakita ko sa screen ng laptop na nasa harapan namin yung brochures ng mga bahay at yung iba't-ibang designs no'n.

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now