Plan Fifteen - Make Heads Turn

3.7K 78 12
                                    

Plan Fifteen

Make Heads Turn

 

> Her Plan <

 

             “Ano ba ‘yang tinitignan mo d’yan?” narinig kong tanong ni Elle sa likuran ko na batid kong nakatingin din naman sa tinitignan ko.

          Kanina ko pa alam na sinadya ni Savier na dito dalhin ang Auntie at Uncle niya para ipakilala si Renee sa kanila dahil nalaman niyang dito ako nagta-trabaho. May pina-plano siyang hindi ko alam. May binabalak siya. Ewan kung ano.

               “Haler? Maryan, are you with us?”

               “Si. Sto solo problemi di rilevamento.

               “Alam mo ‘yang nakakalokang language mo, napapa-elibs ako. Sa tagal kong nagta-trabaho dito sa Sapori D’ Italia ngayon lang ako nakakita ng italyanang waitress na fluent sa italian.”

          I gave her a small smile and walk past the counter. I can see them through here. Renee is feeling uneasy with no practical reason.

          Hinanap ko ang mga kamay ni Savier. Nagpe-peke siya ng mga ngiti sa kaharap nilang dalawang mag-asawa na nasa mid-thirties ata. Ang kaliwa niyang kamay ay nakapatong sa lamesa. Ang kanan…

          I knew it.

          It’s under the table. Watch where the fingers glide fella. You’re on public display.

          Pero malamang hindi naman niya papansinin. It’s not as if he’s doing this for needs. He’s actually doing that for show offs and maybe for Renee to feel a little embarassed and irritated.

          He’s gross.

               “Yan, pakidala naman sa table five ‘to oh.”

          Tinignan ko ang laman ng tray. Bote ng Prosecco. Alak ‘yon na sine-serve as appetizers at high class Italian restaurants. I mean, rare ang ganyan sa Pinas. Tapos ang table five pa. Kina Savier. =___=

               “Kam, peram ng glasses.”

          Hinubad niya ang salamin niya at ibinigay sa akin. “Bakit?”

               “Nahulog contact lens ko di ako makakita.” Lie.

          Sinuot ko ‘yon at inayos ang buhok ko sa pagkakalugay. Nakatali kasi ako kanina. I stretched the black apron that I’m wearing down and pushed the cart towards Savier’s table.

               “Excuses, I need to go to the washroom.” Nakita kong mangiyak-ngiyak si Renee nang tumakbo siya papuntang CR.

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now