Plan Thirty Eight - King To Ace

3K 66 8
                                    

Plan Thirty Eight

King to Ace

 

          Dear Spice,

          This is one thing I’ve found out about humanity. That you become inhuman when you’re hurt. That you become heartless when you’re wounded. That you become sinful when you’re wronged. That you become a demon when subjugated.

          He who has felt the deepest grief is he who will inflict the same grief. Revenge is a confession of pain. And when you’re in pain, you avenge your heart. That’s where the story begins.

          …With the same as where the story will always end.

> Her Plan <

 

             “Heto ang tuwalya, bakit ka ba nagpabasa sa ulanan? Magagalit si Fifie sa akin n’yan kapag nagkasakit ka. Baka sabihin no’n pinabayaan kita porke ako ang tinawagang maghanap sa’yo. Kailangan ko nga pala siyang tawagan. Hala. Baka nakailang missed calls na ‘yon.” tarantang paikot-ikot si Derry sa medyo malaki niyang unit.

          Ang unit niya ay parang kay Mina lang pero unlike Mina’s, mas tago ang lugar na ipinagtaka ko. Mayaman siya hindi ba? Bakit wala siya sa mga Suburbia homes or luxury buildings? Bakit siya nasa isang sira-sirang building na parang panahon pa yata ng kopong-kopong itinayo.

          At eto pa. Nang pagtuntong ko palang dito, may unusual at pamilyar na amoy akong nalanghap. Posible kayang sa gusali lang iyon? Amoy ng gusali dahil matagal nang hindi nare-renovate?

               “Sinong tumawag sa’yo, Derry?”

               “Tinawagan ako ni Fifie para tumulong na hanapin ka. Tumawag daw kasi sa kanya si Savier. Nawawala ka raw kasi.”

          Tumahimik na lang ako.

          Pinapahanap niya ako? Ba’t niya ako hahanapin? Nabitin siya? Tss. Laki niyang kalokohan. I was this close at stabbing him earlier while he’s gorgeously slumbering. But obviously, may pumigil sa akin. I even cried habang nagsi-sink in sa utak ko kanina kung anong binalak kong gawin.

          I planned on killing the very man I love the most. I planned on killing Savier. I planned on ending his life.

          Pathetic. I’m pathetic.

               “Wala ka man lang bang beer dito?”

               “Eh? Maglalasing ka?”

          Tumingin ako sa kanya. “Dinala mo’ko dito ng walang gagawin. Ano pa bang gusto mong hanapin ko bukod sa beer? I’ve had enough of sex earlier. I’m done with that.” =___=

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now