Plan Thirty - So Close Yet So Far

3.2K 82 7
                                    

So I'm gonna be finishing this tonight. There are twelve chapters remaining, ipo-post ko sya every fifteen minutes. Mag-vote pa rin kayo please? And don't forget to comment. It'll be super appreciated.

Hey Ate Marns! Lels, late masyado yung dedic eh nuh? XD But here na yung ina-ask mong dedic. Mwahhugggsss! \(*0*)/

Guys, please, tell me what you think about the story. Ang daming reads and votes tas ang maximum lang na comments na nakukuha ko eh two to three. Seryoso? Papatayin nung killer ang mga silent reader. - 0 - XDDv Enjoy reading though.

***

Plan Thirty

So Close Yet So Far

 

> Her Plan <

 

          Tensyon. Parang isang scene sa movie na umiikot ang kamera sa apat na bidang nakaupo sa magkaharap na couch. Peste. Nagsiurong ba ang dila nilang dalawa at mga mata na lang ang kaya nilang paganahin?

               “May baraha kayo, Heather? Can you get a deck? Yung walang mark ah. You know what I mean.” sabi ni Xena na nakatingin pa rin kay Savier.

          Umalis ako sa tabi ni Savier na sinundan naman ni Renee na katabi ni Xena. Nagpunta ako sa kwarto namin. Naghalungkat ako sa cabinet ko ng normal na cards na hindi ginagamit sa weapon at yung wala ring daya.

               “Ano bang iniisip n’yang si Xena?”

               “Ewan ko rin. Okay na kami kahapon eh. Nagulat nga ako kasi pinuntahan pa niya ako sa bahay para lang kausapin. Tapos kaninang umaga sabi niya gusto niya kayong kausapin. Kaya nagpunta kami dito.”

          Sabay nagpapakuha ng baraha? -___-

          Bumaba kami sa sala. This time hindi na ako tumabi kay Savier dahil ako ang kailangang magbalasa. Du’n ako sa south part ng paikot na set nakaupo. Nag-scatter ako ng cards. Kinuha nila.

          Nagtitinginan kami ni Renee. Tahimik yung dalawa at pinag-aaralan ang mga baraha nila. Ilang minuto din ang katahimikan na iyon.

          =____=

          Clock is ticking. Silence overwhelmed our house.

          That ended when Savier’s cards made the tapping noise because of the landing at the table. Nakita kong itiniklop niya ang baraha niya at inihagis sa mesa.

               “No, I can’t do it.”

          Nagkatinginan kami ni Xena. Kinuha ko ang hinagis ni Savier na baraha at iniayos iyon sa pagkakaayos niya. Nagtaka ako. Bakit niya ibinaba?

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now