Plan Twenty Six - Confrontation

3.4K 76 12
                                    

A/N: Sorry for the long wait, got a helluva trouble, my wrist broke so I can't type let alone update. This is via mobile though. Enjoy. :p

***

Plan Twenty Six

Confrontation

> Her Plan

Isinukbit ko ang backpack ko ng maayos bago lumabas ng kwarto. Bumababa na rin si Savier na dala ang itim niyang maleta. Hindi kami nag-iimikan. Basta kinuha lang niya ang maleta ko at hinawakan ang kamay ko.

Nasa pintuan na kami ng mansyon nang makasalubong namin sina Renee at Xena na papasok naman. Tumigil si Savier at iniabot kay Xena ang keychains na sobrang dami ng susi.

"And'yan na lahat. Damit lang ang kinuha ko."

Nakita kong nagtagis ang mga bagang ni Xena as he glared at Savier who's calm but quiet.

"Leave Maryan, Savier. You can go."

Tumingin si Savier sa mga mata ng kaibigan niya. "I won't. Ibinabalik ko na sa'yo ang lahat ng 'to. I won't give Maryan away."

Xena laughed bitterly which echoed in the wide halls. "Sa tingin mo gano'n lang kadali 'yon? Pagkatapos mong pagsawaan ang lahat ibabalik mo sa akin ang ibinasura mo? Gago ka ba? Tingin mo gusto ko pa 'to? Baka dati pwede pa. But I want Heather more than I wanted what's yours."

Umiling lang si Savier at hinatak ako paalis ngunit naramdaman ko ang kamay ni Xena sa isa kong kamay na malaya mula sa hawak ni Savier at iyon ang nakapigil sa amin. Savier looked back at kalmadong tinanggal ang pagkakahawak ni Xena sa kamay ko.

"Please, Xena. I'm trying to be calm. Don't push me so far."

"Woah. Push you? Oh jeez, Savier am I pushing you?" Xena taunted.

Savier looked at me deeply na parang humihingi ng advance patawad dahil alam niyang hindi rin magtatagal at hindi na niya mako-kontrol ang kanyang galit.

Sabi ko pa naman kagabi walang mangyayaring gulo. Na walang away. For the sake of Ren witnessing it, ayokong mag-away sila ni magsigawan o kaya ay magsapakan. Masakit sa tenga pati sa mata. Pero tila sadyang malalim na ang mga sugat na nakabaon sa kanilang puso kaya hindi na mapipigilan pa ang naka-ambang gulo sa kanilang pagitan.

"Just let us go. I'm giving everything back to you but I'm not going to give Maryan away."

That hit the tub for Xena. Sinapak niya si Savier kaya napaatras siya. Nagulat si Renee kaya agad siyang umawat sa dating kasintahan. I stood afar watching what's next. Wala akong ginawa simply because I don't know where to stand and what to do. Savier looked almost like a lost puppy standing and staring pleadingly at Xena's eyes.

"H'wag mo'kong gaguhin, Savier." Xena spat out in gritted teeth, one sign that he's about to errupt. "Tama nang inagaw mo sa akin ang lahat! Tama nang pinatay mo ang tatay ko para makamkam lahat ng pag-aari namin! Tama nang pati si Renee inagaw mo! That's enough and I won't tolerate everything you will do ever again. Heather is mine and mine alone. You can't do anything about it anymore."

Napalunok ako. If I was the one who made Xena ticks like this, can I do something to stop this?

"Maryan isn't yours! She's never yours, Xena!"

"NEITHER YOURS!"

They glared at each other, both shaking with such anger and frustration.

Xena inch away from Renee's hold para lamang kunin ang kung anong malapit na maaari niyang maabot. Hinagis niya ang vase kay Savier. Mabuti na lamang at sa lapag umabot iyon kung hindi ay natamaan siguro si Savier dahil ni hindi man lang siya umalis sa kinatatayuan niya.

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now