Plan Eighteen - To Your Ex's House

3.6K 84 19
                                    

Plan Eighteen

To Your Ex’s House

 

> His Plan <

 

          Pagkababa ko ng sasakyan, kita ko na kaagad ang hindi kagandahang bahay sa parang probinsyang subdivision na ‘yon. Puro ligaw na damo kasi yung nasa tabing bakanteng lote tapos parang hindi rin dinadaanan ng sasakyan. Buti nga’t may convenience store sa dulo ng subdivision kung hindi aakalain ko talagang wala na ako sa syudad.

          Kung tutuusin, malaki ang bahay. May frontyard though hindi kalawakan, mula naman sa labas ay kita rin ang haba ng diretsong corridor ng kahoy na bahay.

          Ang problema lang talaga ay sobrang luma na nito at sira-sira.

               “Anong klaseng utak ba meron ang babaeng ‘yon at dito pa niya naisipang tumira?” -___-

          I took my phone out of my pocket. Idinayal ko ang number niya. Matagal-tagal rin bago niya sinagot. Mukhang pinag-isipan pa.

               “Wrong number ka? Baba mo na.”

          =____=+

               “Nasa’n ka?”

               “Hindi ako si Renee. Wrong number ka ata.”

          -___-++

               “Maryan Heather, nasa’n ka?”

               “Ah. Nasa bahay bakit?”

               “Lumabas ka.”

          Hindi na siya umimik. Mga ilang segundo lang, nakita ko na siyang nakatayo sa may pahabang corridor na sinasabi ko kanina. As usual, wala na naman siyang reaksyon. Ni hindi nagulat o nainis.

          Blangko.

               “Wala naman akong nakikitang masamang hangin. Ba’t ka andito?” =___=

          Masamang hangin? Aba’t! Sumusobra na ‘tong babaeng ‘to ah. Siya na ‘tong dinadalaw sa panget at bulok at luma at inaanay niyang bahay siya pa ‘tong may ganang mang-asar?

               “Hindi ka man lang ba magpapatuloy?”

          (=___=)? – Maryan staring at the gate na nakatumba.

          ( = o = ) – then stared at me outside who’s waiting for her answer.

               “Wala naman nang gate bakit hindi ka pa pumasok?” -___-

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now