Plan Twenty Eight - Someone To Get Jealous Of

3.2K 68 9
                                    

Plan Twenty Eight

Someone To Get Jealous Of

> Her Plan

"KYAAAAAAAAAAAAH!" >O

Ang sakit sa tenga. Kailan ba tatahimik ang mga tao dito sa Ashton? Kailangan bang lagi silang sumisigaw? Hindi ba sila marunong magbulungan? Putulan ko kaya sila ng vocal chords? -___-++

"Oh oh oh. Nag-uugat na naman 'yang noo mo." Puna ni Fifie sa akin. "Ano na namang ikinagagalit mo?"

"Ang ingay nila." (*

Dahil doon, tumingin sila sa umpukan ng mga babaeng malantod na kanina pa sigaw ng sigaw sa tree park. Hindi naman namin makita kung anong meron do'n.

**You received a message.

Binuksan ko ang cell phone ko.

From: Xena

Heather please let's talk.

Sinarado ko ulit 'yon at ibinulsa. Hindi naman na ako nagre-reply sa mga messages ni Xena ngayon. Baka makita kasi ni Savier. Dakilang seloso 'yon eh. Baka magpakamatay. xD

"Palagay ko yun yung transferee galing ADMU." Sabi ni Fifie.

"ADMU na pala ba't nag-transfer pa dito?" tanong naman ni Denden.

"Aba malay. Wahahaha kakaiba kasi ang freedom of speech dito sa Ashton. Grabe lang." xD

Tss. Kapag transfer student ka kelangan nang pagkaguluhan? Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae dito sa Ashton. Lahat na lang pinagkakaguluhan nila.

"Fifie, may gusto ka kay Xena di ba?"

Itsura niya -> (??___??)

"Natanong ko lang. Di ka kasi nag-react nung may issue kami."

"Kurash ko lang si Xena. = o = May Fafa ako noh." >u

K. Fine. -___-

Mga ilang minuto pa siguro nang mag-desisyon kaming tumayo na mula sa marble table. Anak ng puchu-puchu 'tong si Denden tsinika pa yung isang nakiki-epal du'n sa mga kumpol ng babae.

"Ano ba 'yun bruha? Ba't ang ingay?"

"Ay bading may wafung Fafa na transferee! Ang wafu talaga swear!" *O*

=___=?

"Maryan? Maryan Heather? Tama ba 'tong nakikita ko?"

Napatingin ako sa lalaking paulit-ulit na pinangangalandakan ang pangalan ko. As it turns out mukhang siya ang pinagkakaguluhan nung mga babae. Pamilyar sa'kin 'to eh. = o =a

"Da who is you?" =___=

"Ay. Wahahaha makakalimutin ka pala noh? Taga-Jensens ako. Ako rin yung nasa Sapori noong isang linggo. Ako nga pala si Derry."

Si kuya risotto pala. = u =

"Oh tapos?"

"Pwede mo'ko i-tour?" *____*

Eh? ( - _^)

"Sige na puhlease? *x* Ano kasi... *whispers* nakakatakot kasi 'tong mga babaeng 'to parang feeling ko sasakmalin nila ako kapag sa kanila ako nagpasama. Sige na, Maryan. Pareho naman tayo ng school na pinanggalingan eh. Sige na, sige naaaaa." *O*

May tililing ba 'to? =___=

"Payn." -___-

Iniwanan ko sina Sae, Fifie at Denden. Sinamahan ko si Derry. Ako nga 'tong wala ring masyadong alam sa pasikot-sikot dito eh. Basta ginala ko lang siya sa cafeteria, sa banyo, sa classrooms, tas sa faculty room. Bahala na siyang tumingin sa mga signages, tinatamad akong magsalita.

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now