Plan Thirty Five - Unexpected

3K 68 14
                                    

Plan Thirty Five

Unexpected

 

> Her Plan <

 

        Baka naman kasi natambakan siya ng trabaho sa ZAFT? Posible naman yun eh. Pero sabi niya eh. Ah ewan. Hahambalusin ko na lang siya mamaya kapag nakauwi ako.

          Napatigil ako sa dire-diretsong pagpasok sa loob nang makita ko si Savier sa may sofa ng living room. Si hanger nakapatong sa kanya. Oh. Kaya naman pala eh. May live show. = o =

          Saglit na kumuyom ang palad ko.

          Pero dahil ayokong maistorbo pa sila sa sarap ng ginagawa nila, nag-decide akong tumalikod na at mag-martsa paakyat sa kwarto.

               “Hey, Maryan.” Huminto ako. “Split na tayo.

               “Yun lang ba? Hindi mo na kailangang magsayang ng laway. Kita naman ng mga mata ko. Hindi ako bulag.” Then I continued walking.

> His Plan <

 

               “Yun lang ba? Hindi mo na kailangang magsayang ng laway. Kita naman ng mga mata ko. Hindi ako bulag.”

 

          Can’t she react more than that? Can’t she even get mad? Can’t she cry? Can’t she even ask why? Can’t she show me she’s hurting? Bakit wala lang sa kanya? Ako lang ba ang masasaktan?

               “Get out.”

               “Huh? But Savier—”

               “I said get out!”

          She get off me immediately and ran out of the house. Hindi na ako nag-abalang isarado pa ang nabuksan nang butones ng damit ko as I walked up to the room to check on her.

          Nadatnan ko siyang naghahakot ng gamit. Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko. Is she gonna leave the house?

          I gulped to clear my throat. “You don’t have to leave.”

          She gazed up to look at me. Her eyes were blank. So cold. Parang kahapon lang nakangiti siya. Parang kagabi lang tumatawa siya. Parang kaninang umaga lang puno ng buhay ang mga mata niya.

               “Why would I? Ba’t ko padadaliin ang buhay mo? Lilipat lang ako sa kabilang kwarto. Paano kung gusto kong mag-uwi ng lalaki? Sa’n ko patutuluyin? Alangang dito?” = o =

          Para akong sinaksak ng kutsilyo nang marinig ko ‘yon. Just the mere thought tears me apart. Hindi ko kakayanin kapag may ibang lalaki siyang katabi. Gusto ko ako lang. Ako lang dapat.

Sinful VengeanceWhere stories live. Discover now