BO - Chapter 5

27.7K 418 26
                                    

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Napigil ko ang aking hininga at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba habang nahihintakutang nakatingin pa rin sa kinaroroonan ni kuya na ngayon ay nag-iigting ang mga panga, base sa nakikita ko, mahigpit pa rin ang pagkakakuyom niya sa kanyang magkabilang kamao at nanlilisik pa rin ang mga mata nito na diretsong nakatutok sa kinaroroonan namin ni Luke. Napalunok ako dahil doon. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa sentido ko.

"Dara, are you really okay?" Nilingon ko si Luke na ngayon ay nag-aalala pa rin. Hindi siya pwedeng madamay dito.

Gaya ng sinabi ko, kahit anong mangyari, magalit na sa akin si kuya pero desidido na ako, hindi ko lalayuan si Luke. Poprotektahan ko siya kung kinakailangan.

Huminga ako nang malalim at mariing pumikit upang pakalmahin ang sarili ko.

Tumango ako sa kanya, "I.. I think we should get out of here." Wala siyang nagawa kundi mapabuntong hininga at tumango na lang.

Hindi ko na nilingon pa si kuya kahit ramdam na ramdam ko pa rin ang nanlilisik niyang mga mata. Mamaya ko na lang haharapin si kuya. Kahit alam kong galit na galit na siya, kailangan ko siyang harapin. At kinakabahan ako sa maaaring niyang gawin. Baka mapagbuhatan niya ako ng kamay. Pero handa kong tanggapin 'yun, huwag lang niyang sasaktan si Luke. Kakaiba pa naman magalit si kuya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kinakabahan na naman ako. Pero pilit kong winawaksi ang kabang nararamdaman ko. Hindi dapat ako magpadaig sa takot at kaba ko.

Nang matapos ko ayusin ang picnic mat, ay tumayo na kami ni Luke na hindi nililingon si kuya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sunod naming klase. Nararamdaman ko ang maya't mayang paglingon sa akin ni Luke habang naglalakad kami nang magkasabay. Ramdam ko rin ang paglingon ng mga estudyante sa gawi namin at ang pagsinghap nila. Pero hindi ko na 'yun pinansin pa. Diretso lang akong nakatingin sa daan habang naglalakad at iniisip ang maaaring mangyari gayong sinuway ko si kuya.

Iniisip ko kung paano ko haharapin si kuya. Hindi ko pa rin kasi maiwasang kabahan sa pwede niyang gawin.

Nandito na kami sa tapat ng classroom at wala pa 'yung mga blockmates namin, papasok na sana kami nang mapatigil ako sa paghakbang. Napalingon naman sa akin si Luke.

Naramdaman ko kasi ang pagvibrate muli ng phone ko sa bulsa ko. Nilabas ko ito at tiningnan. Napalunok ako nang magmessage si kuya. At nang mabasa ko ang message niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding takot.

Napahigpit ang paghawak ko sa cellphone ko habang titig na titig pa rin sa screen nito na naglalaman ngayon ng mensahe ni kuya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Luke sa balikat ko dahilan para mapapiksi ako. Nanginginig ako.

"Are you alright? Kanina ka pa ganyan. You look pale." Bakas sa boses niya ang pag-aalala pero hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya.

Ang tanging nasa isip ko ay ang mapanganib na mensahe ni kuya.

Hindi. Hindi! Hindi 'yun kayang gawin ni kuya. Hindi naman niya siguro magagawa 'yun diba?

Dahil sa pinaghalong kaba at takot na nararamdaman ko, tumakbo na ako palayo sa kinatatayuan ko. Rinig na rinig ko ang pagtawag sa akin ni Luke pero hindi ko na ito nilingon pa. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko na parang may humahabol sa akin na isang halimaw.

Hindi ko lubos maisip na makakayang gawin 'yun ni kuya para mapunta lang sa kanya ang buong atensyon ko. Hindi ko kayang paniwalaan na magagawa niya ang bagay na 'yun.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa hiningal na ako. Napatigil ako, at hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko na ngayon ay sobrang bilis na ng tibok, sunud-sunod rin ang paghingal ko. Nararamdaman ko rin ang pawis na tumutulo mula sa noo ko.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon