BO - Chapter 48

6.5K 117 10
                                    

CHAPTER 48


[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. When I opened my eyes, bumungad sa akin ang nakangiting mukha niya at saka niya ako dinampian ng madiin na halik sa noo na siyang kinangiti ko rin.

Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama habang nakapatong ang ulo ko sa braso niya at nakatakip sa amin ang puting kumot.

"I love you." Malambing niyang saad sa akin while he was caressing my cheeks.

Nginitian ko na lang siya at saka napatingin sa may bintana. Doon ko napansin na umaga na pala.

"I love you more, Dara, so much that I'm willing to give up everything just to be with you." He uttered.

Lalong lumawak ang ngiti ko matapos marinig ang sinabi niya.

"Anyway, we're going somewhere." Biglang sabi niya.

My eyebrows furrowed, "Saan tayo pupunta?"

"Basta."

-

Matapos ko maligo at magbihis, sumunod na ako sa kanya sa sasakyang gagamitin namin papunta sa hindi ko alam kung saan.

Pagsara ko ng pintuan. Lumapit na ako sa kanya. Napansin ko naman na may kausap siya sa phone habang nakatalikod sa gawi ko.

"Nandyan na ba siya? .. Okay, ikaw muna ang bahala sa kanya. We'll be there in 3 hours." Napakunot-noo ako. Sino 'yung kausap niya? At saka, anong 3 hours? Malayo ba ang pupuntahan namin?

Nang mapansin kong tapos na siyang makipag-usap sa cellphone ay lumapit na ako sa kanya. "Darko." Napalingon siya sa akin na parang gulat na gulat. Kaya mas lalo akong naghinala sa mga kinikilos niya. "Let's go na." Sabi ko na lang. Hihintayin ko na lang na siya ang magsabi sa akin ng tungkol sa phone call na 'yun.

He heaved out a deep sighed before he opened the door of a passenger seat. Sumakay na ako at siya naman ay umikot na papunta sa driver side door. Binuksan niya ito at sumakay na rin siya.

Minutes passed at parang wala siyang balak magsalita, wala 'ata siyang balak sabihin sa akin ang tungkol sa mga narinig ko. I sighed. Kaya napatingin siya sa gawi ko sabay balik ulit ng tingin sa daan.

"Take a nap first, love. Malayo-layo pa ang pupuntahan natin."

Napakunot-noo ako. "Saan ba talaga tayo pupunta?"

Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi niya. "It's a surprise, okay? Sleep first."

Wala akong nagawa kundi umidlip na lang just like what he said. Sinandal ko ang ulo ko sa head rest at pinikit na ang mga mata ko.

-

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may malambot na dumampi sa labi ko. I opened my eyes at ang una kong nakita ay ang mga mata niyang kulay dark blue na nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

He woke me up with a kiss. I felt his smile through his kisses. And he deepened the kiss. Kaya naman gumanti na rin ako ng halik sa kanya. Ang sweet naman talaga manggising nito. That's why I can't help but to smile.

We are now kissing each other passionately. Lumipas pa ang ilang minuto bago niya nilubayan ang mga labi ko.

Our faces are inches away from each other. And he caressed my left cheek using his right hand. And he uttered, "I love you."

I smiled back at him. At nilibot ko ang paningin ko sa paligid kung nasaan na kami. Napansin ko ang kulay asul na dagat, at ang liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw. May isang two-storey house na napapaligiran ng iba't-ibang puno. Napakuno't-noo ako at napatingin ulit sa kanya.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon