[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw mula sa veranda. Babangon na sana ako nang maramdaman ko na may mabigat na nakadantay sa aking tiyan. Paglingon ko sa tabi ko, nakita ko si kuya na mahimbing na natutulog. Napabuntong-hininga na lang ako.
Pagtingin ko sa wall clock, alas-siyete na pala ng umaga. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin ng kamay niyang may gasa.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo dito sa kwarto ko. Hindi na pala ako nakapagpalit ng pambahay kahapon. Tch.
Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush, nagpunas ako sa face towel na nakasabit sa pinto ng banyo.
Paglabas ko, naabutan ko si kuyang natutulog pa rin nang mahimbing. Wala ba 'tong balak pumasok sa opisina niya? Tch.
Lumapit ako sa kinahihigaan niya..
"Kuya. Kuya." Niyuyugyog ko siya. "Kuya, gising na."
"Hmm." Inalis niya lang ang pagkakayugyog ko sa kanya at tinuloy ang pagtulog niya.
"Kuyaaaaa." Mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa balikat niya.
Kainis naman 'to si kuya. Bahala na nga siya diyan. Male-late pa ako dahil sa kanya eh. Tch.
Dumiretso ako sa cabinet ko para kumuha ng uniform na isusuot ko ngayon. At pagkatapos ay pumasok na sa banyo ko.
Pagkatapos kong maligo, nagpunas muna ako at dito na rin sa banyo nagsuot ng uniform. Iniwan ko na lang doon ang towel na ginamit ko.
Paglabas ko ng bathroom, gising na pala si kuya. Naabutan ko siyang kinakalikot ang cellphone niya habang may seryosong expression. Hindi niya napansin ang presensya ko kaya naglakad na lang ako palapit sa kanya.
"Kuya." Nag-angat siya ng tingin sa akin gamit ang walang emosyon niyang titig. Napairap naman ako dahil doon. "Papasok ka po ba sa opisina mo?"
Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. Napansin ko pa ang bahagyang paggalaw ng adam's apple niya habang nakatitig lang sa suot ko. Napakunot-noo naman ako. Bakit ba gan'to makatitig si kuya? Tch. Tiningnan ko ang suot kong uniform. Okay naman ah? Anong problema?
"Kuya!" Nabalik ang titig niya sa mukha ko. At hindi nakatakas sa mga mata ko ang ngisi niya. Pero binalewala ko na lang 'yun. "Ako na ang magluluto ng breakfast natin, tutal ayaw mo naman paglutuin si manang."
Napansin kong tututol pa sana siya pero hindi ko na siya hinintay sumagot bagkus dumiretso na ako palabas ng kwarto ko at iniwan na lang siya doon.
Yeah. Totoo ang sinabi ko. Lahat ng gawaing-bahay ay hinahayaan na ni kuya kay manang pwera lang sa pagluluto ng kakainin naming dalawa. Ewan ko ba sa kanya kung bakit. Eh sa katunayan, masarap naman magluto si manang. Maarte lang talaga si kuya.
Pagdating ko sa kitchen, naabutan ko si manang sa banyo na naglalaba.
"Manang, nag-almusal na po ba kayo? Kumain po muna kayo, mamaya na po 'yan."
"Tatapusin ko na lang muna 'to, iha. Tutal nakapagkape naman na ako."
"Sige po, manang."
Dumiretso na ako sa refrigerator para kumuha ng ingredients para sa kakainin namin ni kuya.
-
Pagkatapos kong magluto, umakyat na ako para tawagin si kuya sa kwarto ko. Pagpasok ko, wala siya. Nasa kwarto na 'ata niya.
Isasara ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa bathroom ko. Dito na siguro siya naligo.
Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ko ang pinto. Naglakad ako papalapit sa pinto ng bathroom para sabihan si kuya na nakahanda na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Brother's Obsession [EDITING]
Fiksi UmumWarning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your brother is obsessed with you? What if even though you're rejecting him many times, he still forces himself on you? Will you runaway from him? o...