CHAPTER 3
[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]
Vacant time at dito ako dumiretso sa likod ng campus pool area kung saan tahimik at walang ibang tao. Kitang-kita mula dito sa pwesto ko ang labas ng campus kahit na medyo malayo ito. Walang ibang nagagawi dito dahil siguro may kanya-kanya silang hangout place.
Nilabas ko ang picnic mat na lagi kong dala dito sa school at nilatag na malapit sa puno ng narra kung saan ako laging nakapwesto.
Pagkaupo ko, nilabas ko na ang lunchbox ko na ginawa ni kuya kanina. Yes. Si kuya lagi ang nagluluto 'pag ako ang kakain. Hindi niya hinahayaan na may ibang magluto para sa akin. Gusto niya, siya lang.
Pero dito sa school lalo na at culinary ang kinukuha kong course. Syempre hindi maiiwasan na makatikim ako ng pagkain na hindi siya ang nagluto.
Pagbukas ko, caldereta pala ang niluto niyang ulam. My favorite. Natatakam na tuloy ako.
Kahit na sinabi ko sa kanya kanina na ako na lang ang magluluto dahil marunong naman ako since 'yun ang major ko, eh hindi siya pumayag. Nagagalit lang siya.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba gustung-gusto niya na siya lang ang magluto para sa akin. I tried to ask him pero nagalit lang siya nang tanungin ko sa kanya 'yon. Kaya naman hindi ko na sinubukan ulit magtanong at hinayaan na lang siya. Tutal, 'yun lang naman ang gusto niyang gawin sa akin eh, ang ipagluto ako.
Kaya hindi na rin kumuha ang parents namin ng mga maids and chefs dahil hindi naman din tumatagal dahil kay kuya. Hindi naman din magawang magalit nila daddy kay kuya dahil ang laki ng naitutulong ni kuya para sa kompanya.
Hindi alam nila daddy kung paano ako tratuhin ni kuya, kung gaano ka-overprotective sa akin si kuya. Dahil halos doon na sila tumira sa states and once in a blue moon lang sila kung umuwi dito. Pero kahit ganon, hindi ko nagawang magtampo sa kanila, dahil wala naman akong nakakapang galit sa puso ko para sa kanila.
Hindi rin naman kasi sila nawawalan ng oras na tumawag sa amin through skype. Once a month naman silang nakakatawag at kinukumusta kami.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin masabi sa kanila ang mga kinikilos ni kuya. But these past few days, since they went back to states, I never had a chance to talk to them. I sighed at that thought. Hindi ko alam kung kailan ulit sila makakatawag.
I missed my parents. Wala akong pakealam kahit sinabi man ni kuya na hindi ko dapat iniisip ang ibang tao, even our own parents. Duh. He can control me but he can't control my mind. Tch.
Winaksi ko na lang sa isip ko 'yung mga isiping 'yun at pinagpatuloy ko na lang kainin ang lunch ko. Kahit papaano, napapangiti ako ni kuya sa pamamagitan ng mga luto niya. Ang sarap talaga niya magluto.
Habang kumakain ako, naramdaman ko bigla ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. Binaba ko muna ang lunchbox sa picnic mat at pinatong ang spoon and fork sa box bago ako uminom muna ng tubig sa tumbler ko.
At saka ko kinuha ang phone ko para sagotin ang tawag.
Pagtingin ko sa screen, agad na kumabog ang puso ko at napalunok ako sa kabang nararamdaman. Feeling ko, namamawis ang mga palad ko.
Ugh. Bakit siya napatawag?
I slide to answer, saka ito tinapat sa tenga ko nang may nanginginig na kamay.
"H-hello?" I stuttered. Tch.
"(What took you so long to answer your phone?! Damn it!)" Narinig ko ang madiin na boses ni kuya. Napapikit ako dahil doon. Galit na naman siya. Ayaw niya pa naman pinaghihintay.
BINABASA MO ANG
Brother's Obsession [EDITING]
General FictionWarning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your brother is obsessed with you? What if even though you're rejecting him many times, he still forces himself on you? Will you runaway from him? o...