CHAPTER 39
[THIRD PERSON's P.O.V.]
"Who are you?!"
Pagkatanong niya nun sa babaeng dumating ay kinunutan siya nito ng noo.
"Ikaw talaga, Darko. It's been four years only, you forgot me already? Tch." At saka ito nagtaas ng kilay na tila ba hindi makapaniwala na nakalimutan niya ito agad.
"I have no time to talk to you. So please get out. Aalis pa ako." At saka niya ito tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad papunta sa kwarto nila ni Dara.
Pero napatigil siya nang marinig ang sinabi nito.
"Hay nako. You're still the same Darko. Aish!" At saka ito napakamot sa kilay. "Kahit kailan talaga, napakasungit mo."
Nagtataka na siyang tumingin sa babaeng 'to. Sa mga narinig ay napagtanto niyang kilala nga siya nito.
Pero kahit pa anong ganda ang nakikita niya dito, ay wala pa rin siyang pakialam. Tanging si Dara lang ang pagnanasaan niya.
"What did you cook? Ang bango. Pakain ako ah." At saka na ito naglakad papunta sa kusina nila ni Dara.
"Teka nga!" Pinigil niya ito sa braso dahilan para kunot-noong mapalingon ito sa kanya. "Tell me first, who are you? Bakit mo ako kilala? Stalker ba kita?" Nagdududa niyang tanong dito.
"Aba naman, stalker ka diyan! Hoy. For your information, ako lang naman si Fein, ang maganda niyong pinsan ni Dara."
Kunot-noo niya itong tiningnan. "Fein? Tch. 'Yung anak nila tito Leonard." At saka niya ito inirapan. Si tito Myko ay kapatid ng dad nila. "Then how did you find out that I'm here?" Tanong niya at saka siya umupo sa single sofa.
"I went to visit tita Rian, duh? At sinabi niyang may problema nga daw at umalis na rin sila ni Dara para pumunta na sa ibang bansa. Kaya pinapunta nila ko dito para pabantayan ka."
Nang marinig ang sinabi ng pinsan ay tila nabuhayan siya ng loob. Kaya walang pag-aatubiling lumapit siya ulit dito at hinawakan ito sa braso.
"Sabihin mo sa akin, alam mo ba kung saan sila pupunta?!" Ma-awtoridad niyang tanong dito.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Fein na tila ba pinapakalma ang sarili.
"I don't know either. Wala naman silang sinabi kung saan. Basta pinapunta lang ako dito ni tita para pabantayan ka." Mahinahon nitong saad sa kanya. Siya naman ay nanghihinang napabalik ng upo sa sofa.
Umasa kasi siya na baka sakaling alam ni Fein kung saan dinala ang mahal niyang si Dara. Naisip niya na ilang araw, buwan o taon kaya ang gugugulin niya para makita ang dalaga? Alam niyang sa mga oras na 'yun ay hindi ito sa New York dadalhin. Marahil ay hindi siya hayaang makita ulit si Dara.
Pero hindi siya dapat sumuko. Kung kinakailangan niyang libutin ang buong mundo hanggang sa makita si Dara, gagawin niya.
"Bakit ba pinoproblema mo kung saan sila pumunta? Babalik din naman siguro agad sila dito." Narinig niyang tanong ng pinsan nila.
Pero binalewala niya ang tanong nito. Bagkus, tiningnan niya lang ito nang walang emosyon, at saka siya nagbitaw ng tanong. "Bakit pala ikaw ang pinapunta dito ni mom? She can send manang, instead of you. Manggugulo ka lang dito eh." Seryoso niya 'yun sinabi.
Tiningnan naman siya ni Fein nang masama at pinameywangan. "Aba, pasalamat ka nga at may mag-aasikaso sa'yo dito eh. Tch. But don't worry, cous. I already told them na rin naman na hindi ako pwede. Since Aizekiel asked me already to marry him. Kahapon nga lang siya nagpropose eh. And I'm planning to go to his condo unit later just to surprise him."
BINABASA MO ANG
Brother's Obsession [EDITING]
General FictionWarning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your brother is obsessed with you? What if even though you're rejecting him many times, he still forces himself on you? Will you runaway from him? o...