CHAPTER 30
[THIRD PERSON's P.O.V.]
Kasalukuyang kumakain ng tanghalian si Dave kasama ang tito Miguel niya nang may lumapit na katulong dito dala ang wireless telephone.
"Sir, tawag po para sa inyo." At inabot naman ng tito niya ang telepono mula dito. At saka ito nag-excuse para sagutin ang tawag.
Hindi niya alam kung bakit pero bumangon ang kuryosidad sa katawan niya. Para bang may nagsasabi sa kanya na kailangan niyang marinig kung sino ang kausap nito.
Kaya naman, tumayo siya sa kinauupuan niya at sinundan kung saang kwarto pumasok ang tito niya. Ang mga katulong naman na nakapaligid sa dining area ay walang magawa kundi panoorin lang ang paglakad niya papunta sa direksyon na tinungo ng tito niya.
Pagdating niya sa pinasukang kwarto nito ay bahagya namang nakaawang ang pinto. Marahil ay nawala sa isipan ng kanyang tito na isara ang pinto. Kaya naman, mula sa labas ng kwarto ay naririnig niya ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya.
"Is it about your son and daughter, Liam?" Narinig niya ang pangalan ng daddy ni Dara kaya mas lalo niyang pinag-igi ang pakikinig.
Nagkasya na lang siya sa pakikinig sa mga sinasabi ng tito niya, dahil hindi rin naman niya maririnig ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
"Let's just talk about that in somewhere Private. Meet me at my office in Batangas on Wednesday." Pagkatapos nitong magsalita ay narinig na niya ang mga yabag nito papalapit sa pinto kaya naman agad siyang pumasok sa pinaka-malapit na kwarto upang hindi nito mahuli ang pakikinig niya.
Hindi niya alam pero namuo sa isip niya ang planong sundan ito sa Batangas. Malakas ang kutob niya na may kinalaman dito si Dara at si Darko.
-
Dumating ang araw ng pag-alis ng kanyang tito Miguel papunta sa Batangas. Hindi na ito nagpaalam sa kanya at nagpunta na ito sa sasakyan nitong naghihintay sa garahe na nasa likod-bahay nila.
Pagkalabas nito ay siya namang sara niya sa magazine na kunwaring tinitingnan niya. Hindi na siya nag-abalang magbihis pa. Nagsuot na lang siya ng sumbrero at itim na shades, at walang sali-salita sa mga katulong na tinungo ang garahe. At saka siya sumakay sa sasakyan niyang maghahatid sa kanya para sundan ang tito niya.
Nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan papunta sa kalsada at laking pasasalamat niya dahil hindi pa nakakalayo ang sinasakyan ng kanyang tito. Medyo nilayo niya ang agwat ng kanilang mga sasakyan upang hindi nito mahalata ang pagsunod niya. Habang nasa sasakyan ay tinawagan na niya ang tauhan niyang naka-locate sa Cavite para ipa-ready dito ang tutuluyan niya sa Batangas, at para na rin ipa-ready ang ginagamit niyang sasakyan kapag may lihim siyang pupuntahan. Sasakyan na kahit ang tito Miguel niya ay walang ideya na mayroon siya.
-
Matapos ang halos anim na oras na byahe, nakarating ang limousine ng tito niya at ang sinasakyan niya sa Cavite. Wala pa ring kaalam-alam ang kanyang tito na sinusundan niya ito.
Mula sa kalayuan kung nasaan siya, nakita niya ang paglabas ng uncle niya sa itim na limousine nito at ang pagpasok nito sa isang restaurant. Agad din naman siyang sumibad ng sakay sa pulang sasakyan niya na hinanda ng tauhan niya. Tinanguan na lang niya ang tauhan niyang nagbantay doon at saka na ito umalis dala ang sasakyang ginamit niya. Habang siya naman ay hinihintay ang pagbalik ng tito Miguel niya sa sasakyan nito.
Makalipas ang halos sampung minuto, nakabalik na ang kanyang tito Miguel sa sasakyan nito na nasa 'di kalayuan lang ng sasakyang gamit niya ngayon. Hindi siya napansin nito dahil tinted ang sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Brother's Obsession [EDITING]
General FictionWarning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your brother is obsessed with you? What if even though you're rejecting him many times, he still forces himself on you? Will you runaway from him? o...