BO - Chapter 16

24.2K 358 51
                                    

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw mula sa veranda. Pagdilat ko ng mga mata ko, naabutan kong wala si kuya sa tabi ko. Saan kaya 'yun nagpunta?

Napahawak ako sa may bandang noo ko nang maramdaman kong may nakapatong dito. At paghawak ko, doon ko lang napansin na may bimpo pala sa may noo ko. Napakunot-noo ako at napatingin sa may bedside table. At nakita kong may basin na nakapatong doon na naglalaman ng tubig.

May sakit ako? At..

Inalagaan ako ni kuya?

Napangiti ako dahil doon. Kahit pala may sa demonyo ang kuya ko, concern pa rin pala siya sa kalagayan ko.

Kaya minsan, napapaisip ako kung bakit niya ginagawa sa akin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng magkapatid.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Sa mga posibleng mangyari dahil sa ginagawa niya.

Paano kung may mabuo nga katulad ng gusto niya?

Pero sana talaga, walang mabuo. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling meron nga.

Ayaw ko nang isipin pa ang bagay na 'yun.

Ang dapat kong isipin ay kung paano ako makakatyempo na makatakas mula sa kapit sa akin ni kuya.

Kahit na sabihing nasarapan ang katawan ko sa ginawa niya, hindi pa rin ito matanggap ng isip at puso ko dahil isang pagkakamali ang ginagawa niya. Napakalaking pagkakamali.

Napabuntong hininga na lang ako at kinapa ang leeg at noo ko. Medyo mainit ako. Mukhang sinat na lang ito.

Umu-okay na ang pakiramdam ko, hindi katulad kanina na nanghihina talaga ang katawan ko.

Salamat sa pag-aalaga ni kuya.

Pero hindi pa rin nun mababago ang isip ko na takasan siya dahil ayaw kong makulong sa pagkakamaling ito.

Nagkasala na kami at ayaw ko nang dagdagan pa ang pagkakasala at pagkakamali namin.

Dahil mali ito.

Sa mga oras na ito, habang wala pa si kuya sa paningin ko at hindi ko pa nararamdaman ang presensya niya, bumangon na ako sa pagkakahiga.

Eto na siguro ang time para isagawa ang plano ko.

Sa pagbangon ko, doon ko lang napansin ang tray na may mga pagkain at juice na nakapatong sa mesa na malapit sa pinto. 'Yun 'ata ang pinrepare ni kuya.

Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa pala ako nakakakain mula pa kahapon ng umaga.

Sinuot ko muna ang mga saplot ko na nakapatong sa kama. Talagang pinaghandaan ni kuya ang pagdala niya sa akin dito sa isla dahil maging ang mga damit ko ay nandito na. Tch.

Matapos kong magbihis, tumayo na ako bago naglakad papunta sa mesa kung saan nakapatong ang tray na may mga pagkain.

Binuhat ko ang tray papunta sa kama at doon na kumain. May gamot na naman na nandoon, but this time, alam ko na kung anong klaseng gamot 'yun. Bioflu. Pagkatapos kong kumain, ininom ko na rin ang gamot para makasiguro na gumaling na ako mula sa pagkakaroon na lang ng sinat.

At pagkatapos ay hindi na ako nag-atubiling kumilos bago pa ako abutan ni kuya.

Iniwan ko na lang ang tray sa ibabaw ng kama at naglakad na ako nang mabilis palabas ng kinaroroonan ko papunta sa isla.

Wala na akong pakialam kung may sinat pa ako dahil baka kung ipagpapaliban ko ang pagtakas ngayon, hindi na ako magkaroon pa ng pagkakataon.

Paglabas ko, wala akong nakitang bakas ni kuya. Nagtataka na talaga ako. Saan kaya siya nagpunta?

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon