BO - Chapter 31

11.2K 164 22
                                    

CHAPTER 31


[PAOLO's P.O.V.]

Papalubog na ang araw pero hindi ko pa rin alam kung paano ko mahahanap si Dara. Nandito ako sa isang karinderya sa Tagaytay at kasalukuyang kumakain ng meryenda.

Matapos kong kumain at bayaran ang kinain ko ay tumayo na ako.

Palabas na sana ako sa karinderya ng mapansin kong may pay phone pala dito. Naalala ko bigla ang calling card na inabot sa akin kanina nung lalaking pinagtanungan ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet para ilabas ang calling card nung lalaki.

Lumapit ako sa bantay ng karinderya. "Miss, makikitawag po sana." Tumango lang ito kaya nagsimula na akong mag dial sa telepono.

"Hello?" Babae ang sumagot. Sa tantya ko ay nasa mid 30s na ito base na rin sa boses.

"Ah.. Hello po. Pwede po ba kay sir.." Tiningnan ko ang pangalan sa calling card. "..Angelo Dela Rosa?" Napansin ko din ang company name na nakalagay sa calling card. DM Fashion and Clothing Line Company. Napakuno't-noo ako dahil parang pamilyar sa akin ang pangalan ng kumpanya.

"Ah teka lang. At tatawagin ko." Sandali itong nawala sa kabilang linya.

"Hello, sino 'to?" Kapagkuwan ay narinig ko na lang ang boses ng isang lalaki.

"Ah. Hello po. Si sir Angelo Dela Rosa po ba ito?"

"Yes. Ako nga. Sino 'to?"

"Ako po si Paolo. Ako po 'yung nakausap niyo kanina at inabutan ng calling card."

-

Nandito na ako sa bahay ng kapatid ni sir Angelo, si ate Teresa. Sinundo ako ni sir Angelo sa karinderyang kinainan ko. At halos kalahating oras ang byahe bago kami nakarating dito sa bahay ni ate Teresa. Nalaman kong mas matanda ng dalawang taon si ate Teresa kay sir Angelo. Mabubuti silang tao at ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin dito.

Medyo malaki ang bahay ni ate Teresa. Dalawang palapag ito at may tatlong kwarto rin sa taas. Byuda na si ate Teresa at ang mga anak naman nito ay nagtatrabaho na sa ibang bansa.

Inalok nila akong kumain ng hapunan pero sinabi kong busog pa ako.

Binigyan na rin nila ako ng matutulugan kaya tumuloy na ako sa kwarto para makapag pahinga.

-

[THIRD PERSON's P.O.V.]

Kasalukuyang kausap ni Mira at Celso ang isa sa mga investors nila nang mag ring ang cellphone ni Celso.

Napatingin siya sa kanyang cellphone at nakitang ang assistant niya ang tumatawag.

"Excuse me. I'll just answer this call." Tumango naman ang mga nasa mesa at saka siya tumayo. Sinundan na lang siya ng tingin ni Mira bago nito ibaling muli ang paningin sa mga kausap.

Siya naman ay sinagot na ang tawag. "Yes hello."

"Hello sir. Kasama ko na po ang anak niyo. Nandito siya ngayon sa bahay ng kapatid ko."

Napahugot siya ng malalim na hininga matapos marinig ang magandang ibinalita nito sa kanya.

"Oh great! Thanks Angelo. I will tell this to my wife and we will go there tomorrow."

Inend niya na ang call at saka bumalik na sa meeting.

-

[PAOLO's P.O.V.]

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa may naririnig akong mga nag-uusap sa baba ng bahay. Parang may mga dumating na bisita sila ate Teresa.

Bumangon na ako sa higaan at inayos ito. At saka ako dumiretso sa banyo dito para makapag hilamos at mag sipilyo.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon