BO - Chapter 29

13.8K 249 23
                                    

[PAOLO's P.O.V.]


Pagkababa ko ng jeep ay bumungad na sa akin ang malawak na syudad ng Tagaytay. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang iba't-ibang kainan dito at may mga nagtitinda rin ng iba't-ibang prutas.


Naramdaman ko na lang ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko.


Bakit ganon? Pakiramdam ko, narating ko na ang lugar na 'to dati? Unang beses ko lang naman na makarating dito. Hays. Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa naiisip at ipinagsawalang bahala na 'yun.


Dala-dala ang backpack sa likod ko ay lumapit ako sa isang ale na nagtitinda ng mga prutas.


"Ate, may kilala po ba kayong Dara na nakatira dito?" Nangunot naman ang noo niya sa tanong ko.


"Aba, iho. Eh marami kako ang Dara ang pangalan. Sino ba 'yang tinutukoy mo?" Napa-tch na lang ako sa sarili.


Nakalimutan ko 'yung apelyido niya. Paano na 'to? Paano ko siya mahahanap dito?


"'Di bale na ho, ate. Maraming salamat na lang po." At pagkatapos ay naglakad na muna ako papunta sa isang kainan. Kakain na muna ako dahil ginutom rin ako sa byahe papunta dito.


Pagkarating ko sa isang kainan, ay dumiretso na ako sa may babae na naka-itim at naka-hairnet. Pagkalapit ko ay umorder na ako ng makakain ko. Hindi naman ito sumagot at nakatulala lang na nakatingin sa akin habang nakangiti. Kinunutan ko siya ng noo.


"Uy, sabi ko, oorder ako. Narinig mo ba ako?" Parang nabalik naman siya sa huwisyo niya.


"A-ah. S-sige po, sir. Ano pong o-order nila?" Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko sa tanong niya. Wala nga siya sa sarili niya kanina.


Napatingin ako sa maliit na nameplate niya. Precious pala ang pangalan niya. Hindi bagay sa pagiging tulala niya kanina. Tch. Maganda siya, kaya lang tulala..


Napailing na lang ako at pinili na lang sagutin ang tanong niya, "Sabi ko, isang order ng sinigang na bangus at dalawang kanin. Samahan mo na rin ng isang maliit na softdrinks."


Sinulat niya ang order ko. "R-right away, sir."


Hindi na ako sumagot at naghanap na lang ng bakanteng lamesa. Agad naman akong nakakita ng bakante malapit dito sa kinatatayuan ko at pinili kong doon na lang umupo.


Pagkaupo ko ay napasandal na lang ako sa pader at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib ko. Napansin ko naman na halos lahat ng babae ay napapatingin sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang mailang. Tch ano bang problema nila? Bakit nila ako pinagtitinginan?


Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na lang ang atensyon ko sa pag-iisip kung paano ko mahahanap si Dara dito sa tagaytay. Hays. Ang lawak din naman kasi ng tagaytay. Saan kaya sila nakatira dito? Ang tanga ko rin naman kasi. Bakit ba nawala sa isip ko na alamin ang apelyido niya?


Nag-aaral kaya siya dito? Ano kaya kung magtanong-tanong ako kung saan ang mga eskwelahan dito? Para na rin kung sakaling nag-aaral man siya dito ay madali ko siyang mahanap.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon