[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]
"You should eat your breakfast now, love." Malambing niyang saad at pagkatapos ay ipinatong niya ang tray malapit sa hinihigaan ko.
Hindi ko siya pinansin at binaling lang ang atensyon ko sa labas. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sana talaga, hindi na lang ako nagtiwala at sumama sa kanya. Ngayon ay sising-sisi na ako dahil nakuha niya ang loob ko na nagbago na siya. Hindi ko akalaing mararanasan ko na naman ang bagay na ito, ang ikulong niya ako sa mundo niya.
"Dara, are you mad?" Hindi ulit ako sumagot. Gusto kong maramdaman niya na hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya sa akin. Hindi rin ako tumitingin sa direksyon niya. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.
Sino ba naman kasing hindi magagalit sa kanya? Gusto ko na lang mamatay. Ayaw ko na. Pagod na pagod na ako sa mga nararanasan ko. Sana naman, mahanap na kami nila daddy.
Hinang-hina na ako. At sa labis na panghihina ng kalooban ko, hindi ko na magawang bigyan siya ng matalim na titig. Gusto ko rin maluha pero kahit 'ata luha sa mga mata ko ay ayaw nang lumabas. Nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko pero hindi ko mailabas ang emosyong nasasaktan na ako. Ewan ko ba.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na pinulupot niya ang mga bisig niya sa akin hanggang sa humigpit na ang pagkakayakap niya sa akin. Wala pa rin akong maramdaman. Tila ba namamanhid na ako.
"F-forgive me, Dara for doing this to you. I-I just love you this much that I can't afford to l-lose you again." Bakas ang lungkot sa boses niya pero hindi pa rin ako nagsalita. Kaya narinig ko na naman ang buntong-hininga niya. "Okay. I'll just feed you, hmm?" Malambing na naman ulit ngayon ang boses niya.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin. Naramdaman ko na lang na pinihit niya na paharap ang mukha ko sa direksyon niya. Hinayaan ko lang siyang gawin ang kung anong gusto niya. Hindi ko na kasi siya malabanan dahil nawawalan na ako ng lakas at sukong-suko na talaga ako. Inaasahan ko na lang na may darating dito para alisin ako sa kulungang 'to.
-
[THIRD PERSON's P.O.V.]
"What?! What do you mean ipinadala ni uncle ang lahat ng motorboat sa iba niyang mga isla?!" Galit na galit si Dave dahil paglabas niya ng mansion at pagpunta sa daungan ng mga motorboat nila ay 'yun ang sinabi sa kanya ng katiwala sa mga sasakyang pandagat nila.
Inis siyang napasipa sa maputing buhangin. Hindi na niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya, may pumipigil sa lahat ng mga plano niya at gusto niyang malaman kung sino ang nasa likod ng pagpigil sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi kunin ang cellphone niya sa bulsa niya at nagdial ng numero habang inis na naglalakad pabalik ng mansion.
"Ano nang balita?" Tinawagan niya si Alwin para direktang itanong dito ang nangyari sa ipinag-uutos niya.
"Sir, mission accomplished." Napangisi siya sa narinig.
"That's good. Now, alamin mo kung sino ang pumipigil sa mga plano ko." Utos niya dito.
"Sir? Can you give me the full details para malaman ko kung anong ipapa-imbestiga ko?"
Nagbuntong-hininga siya bago sinagot ang tanong nito, "May tila pumipigil sa plano ko para sa amin ni Dara. And I want you to find out who's behind all of these."
"Okay po, sir."
"I want it as soon as possible." Hindi na niya hinintay na makasagot ito at binabaan na niya ito ng tawag.
At pagkatapos ay dumiretso na siya sa kwarto niya para ayusin naman ang lahat ng mga papeles niya na kinakailangan niyang mapapirmahan sa kasosyo niya.
-
BINABASA MO ANG
Brother's Obsession [EDITING]
Fiksi UmumWarning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your brother is obsessed with you? What if even though you're rejecting him many times, he still forces himself on you? Will you runaway from him? o...