BO - Chapter 49

6.6K 116 11
                                    

CHAPTER 49

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hours passed at hindi pa rin ako pinapansin ni Darko. Binalik na rin si Daryl sa private room na inokupa niya kanina. Hinihintay ko ang paggising niya habang hawak ko ang isang kamay niya.

Naging successful naman ang blood transfusion, at mag-aapat na oras na mula nang makabalik siya dito sa private room pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

I'm waiting for my son to wake up, and I'm also waiting for Darko to talk to me. Ang sabi niya kasi kanina ay mag-uusap kami. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Although kinakabahan ako sa pag-uusapan namin, pinili ko na ako na lang ang mag start ng conversation between us.

"Darko." I called his attention, at nag-angat naman siya ng tingin sa akin mula sa pagkakahawak niya sa isang kamay ni Daryl.

He's just staring at me at hindi kababakasan ng emosyon ang kanyang mga mata. Hindi ko tuloy malaman kung ano bang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na 'to.

"Let's talk." I sighed.

"Yes. Let's talk, Dara." He coldly said. At tuluyan na siyang humarap sa akin habang nasa pagitan namin si Daryl na hindi pa rin nagigising.

"Until when are you planning to keep him as a secret from me?" Diin niya sa word na him. Dama ko ang pinipigilan niyang galit pagkatanong niya nun. At kita ko rin ang pagkuyom niya sa isang kamay niya.

"W-wala naman akong planong itago siya sa'yo." Tanging saad ko.

"Wala?!" Nagsalubong ang dalawang kilay niyang makapal, habang nagtatagis ang mga bagang. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka naglakad palapit sa may bintana.

Napabuntong-hininga ako at napakagat sa labi. Tumayo na rin ako at saka naglakad papalapit sa kanya.

"D-Darko, please. Huwag ka nam--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang humarap sa akin at pinutol ang sinasabi ko.

"Kung hindi ko pa nalaman ang kalagayan niya, kung hindi pa sila umuwi dito, wala kang planong sabihin sa akin, diba?!" Napayuko ako. At napatulo na lang ang luha mula sa mga mata ko. "Tell me, Dara. Kung hindi nagkasakit ang anak natin, wala ka rin planong makilala ko siya, tama ba?!" Ramdam ko ang galit niya.

Napaangat ang paningin ko sa kanya, "No. That's not true! I tried to tell you about him but you didn't believe me. Nung time na sinabi ko sa'yo na kailangan natin mag-usap in private, hindi ka pumayag. Kasi mas pinili mong sumama kay Mackie kaysa kausapin ako. At nung nagkaroon naman ng pagkakataon at sinabi ko na sa'yo, hindi mo naman ako pinaniwalaan." Hinawakan ko siya sa isang braso niya, but he just smirked at inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Why you didn't give me a chance to meet him?! To be with him from the day he was born?! Three years, Dara! Three years! You had fcuking three years! Chance mo para ipakilala siya sa akin. Pero pinagkait mo sa akin na makasama siya, makasama ka. Kayong dalawa. Samantalang ang ibang lalaki, hinayaan mong makasama kayo!" Naririnig ko na rin ang sunud-sunod niyang paghinga ng malalim. "Buti pa 'yung lalaking 'yun," He sighed again while he's holding back his tears. "nakita niya kung paano lumaki ang anak ko. Buti pa siya, nakasama ka niyang gabayan ang anak natin. At sobrang sakit ng ginawa mo," Napaupo siya sa sofa na malapit sa bintana at napahilamos sa mukha. Nagsunod-sunod na rin ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. "Hindi mo lang alam kung anong pinagdaanan ko simula nang umalis ka. I was so devastated, I had a mental illness. And now, sa nalaman ko, I felt that you betrayed me." Halos pabulong niyang sinabi ang huling salita.

Napaupo na rin ako sa tabi niya at hindi pa rin tumitigil sa pagdaloy ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "I-I'm sorry. " I sobbed.

Akala ko, aalisin niya ang kamay kong nakahawak sa kanya pero hinawakan lang din niya ang kamay ko at saka ako hinila palapit sa kanya. At agad akong niyakap nang mahigpit na siyang kinagulat ko.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon