[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]
Naalimpungatan ako dahil sa naaamoy ko. Parang amoy porkchop pero bakit parang amoy panis? Ano ba 'yun? Gising na 'yung diwa ko pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko.
"Wake up, sleepyhead. Breakfast is ready!" Narinig kong tinig ng isang baritonong boses at pagkatapos ay naramdaman kong may malambot na medyo basa ang lumapat sa noo ko.
Wala na akong nagawa kundi imulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ay ang malapit na mukha ni kuya sa mukha ko.
"Good morning, love." Nakangiting bati niya sa akin.
Bahagya ko nang binangon ang katawan ko mula sa pagkakahiga at paupong pumwesto sa kama. Gumanti ako ng ngiti sa kanya.
"Good mo--" Napatakip ako ng bibig at nagmamadaling tumayo mula sa kama at agad na tinakbo ang papunta sa CR.
Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni kuya pero hindi ko na inintindi.
Pagkapasok ko sa CR, agad akong humarap sa sink at doon ay nilalabas ko ang gustong lumabas, pero pagkaduwal ko ay nagtataka pa ako dahil bakit wala naman lumalabas? Niloloko lang ba ako ng katawan ko?
Habang nasa harap ako ng sink at medyo nakayuko, at hawak ang bandang leeg ko, naramdaman kong may humihimas sa likod ko na parang inaalo ako.
"What's happening to you, love?"
Naghinaw muna ako ng bibig at kamay at pinunasan ito sa may malapit na face towel, at saka ko hinarap si kuya. Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala gaya ng pagtatanong niya sa akin.
"I don't know, kuya. Nasusuka ako pero wala naman akong maisuka." Naguguluhan kong tugon sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero kitang-kita ko ang mabilis na pagragasa ng kasiyahan sa mukha niya, at pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit.
"Oh God, thank you, thank you, thank you!" Kuya chanted in a happily tone habang yakap pa rin ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kasaya? Na parang may nangyaring maganda?
"K-kuya, wait." Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at saka siya hinarap.
Bumungad sa akin ang masayang mukha niya.
"Are you okay, love? Do you want something to eat? Do you need anything? Just tell me and I'll surely give it to you."
Naliliyo ako sa sunud-sunod na tanong ni kuya. Napalunok ako bago magsalita.
"Kuya, ano bang nangyayari sa'yo? Kumalma ka nga! Para kang ewan dyan!"
Pagsusungit ko pa sa kanya. Nakakainis kasi eh. Para siyang may saltik kung makapagtanong. Pero imbis na sumagot, tinitigan niya lang ako na parang nabibigla sa mga sinasabi ko.
Three weeks na ang lumipas mula nang dalhin ako ni kuya dito. At hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa bwisit na islang 'to. At hindi pa rin ako sanay sa tawag niya sa akin, at ayaw ko rin naman masanay. Ugh!
"Lumayas ka nga sa harapan ko, at dadaan ako. Tss!" Hindi ko alam kung bakit kumukulo ngayon ang dugo ko sa kanya.
Dumiretso ako sa may veranda at doon ay nagmuni-muni. Nababagot na talaga ako dito. Wala na akong ibang makita kundi puro tubig sa dagat, mga puno ng niyog, at ang puting buhangin dito.
Sa first week namin dito, pagkasuklam ang nararamdaman ko kay kuya. At sa last two weeks, hindi ko alam kung bakit hinayaan ko nang gawin ang mga bagay na nais niyang gawin. Naisip ko kasing wala na akong magagawa pa. At ang tanging nasa isip ko lang nung mga oras na 'yun ay kunin ang loob niya para pagbigyan niya ang hihilingin ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya. 'Yun ay ang ibalik na ako sa bahay ng parents namin.
BINABASA MO ANG
Brother's Obsession [EDITING]
Genel KurguWarning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your brother is obsessed with you? What if even though you're rejecting him many times, he still forces himself on you? Will you runaway from him? o...