Chapter 2

460 20 0
                                    

Cielo's POV

What on earth is happening? Don't tell me napapayag ko na agad si miss whoever you are na makipagmeet kay Ethan. Sinasama ako ni Ethan sa meeting place nila ni miss whoever you are, pero ayoko. Dahil inis pa rin ako sa babaeng iyon. Baka mamaya ako naman yung magsaboy ng tubig sa mukha nya. Pero dahil hindi naman titigil si Ethan sa kakapilit sa akin, ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya.

As usual, 7:00 pm ulit yung usapan nilang time na magkikita. Pero 8:00 pm na wala pa rin si miss whoever you are. Naiinip na ako, pero si Ethan parang hindi mapakali sa upuan nya. Hindi naman sya mukhang naiinip. Don't tell me kinakabahan sya. Ano ba naman talaga 'tong lalaking 'to. Paano nya makoconvince si miss whoever you are kung ganyan sya. Parang hindi sya yung may-ari ng Mendrez Corporation.

Narinig naming tumunog yung bell sa pintuan kaya naman pareho kaming napalingon dito. Pero nagbaba rin ako ng tingin dahil hindi naman si miss whoever you are yung babaeng pumasok, ibang babae.

Pero nagulat ako nang tumayo si Ethan at inayos yung upuan na nasa tapat namin. Sinalubong nya yung babae at pinaupo nya sa upuan. What on earth is happening? Teka nga, naguguluhan ako. Sino ba itong babaeng 'to na nasa harapan namin. Tsaka hindi naman sya yung babaeng si miss whoever you are. Hindi sya yung nagsaboy sa mukha ko ng tubig. Bakit sya yung nakaupo sa harapan namin ngayon, paano kung dumating si miss whoever you are at makitang may kausap kaming iba.

Hinila ko si Ethan palapit sa akin at binulungan ko sya.

"Ethan, hindi sya-- hindi pa ako tapos magsalita ay sumabat na sya agad. Pero pabulong pa rin yung usapan namin.

"Not now, Cielo. Nakakahiya kay Avery." Sabi nito sa akin tapos ay bumaling na sa babaeng nasa harapan namin ngayon.

Avery? Who the hell is Avery? Bakit sya yung kausap namin at hindi si miss whoever you are? Ang gulo. Hindi ko naiintindihan yung nangyayari. Narinig ko namang tumikhim si Ethan kaya nakuha nya yung atensyon ko at napatingin ako kay Avery. Hindi ito ngumiti sa akin. The hell is wrong with this woman?

"Uhm pasensya ka na Mendrez, nalate ako sa usapan nating oras." Paumahin ni Avery. Hindi ko naman alam kung ako yung kinakausap nya o si Ethan, dahil parehong Mendrez yung apelido naming dalawa tapos papalit-palit pa sya ng tingin sa aming dalawa. Pero dahil naguguluhan pa rin ako nakinig na lang ako sa sasabihin ni Ethan.

"Ah yun ba, wala iyon." Ang tanging sabi lang nito. Napataas naman ng kilay yung babae. Okay?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nandito ako ngayon para personal na sabihin sa iyo, Mendrez." Huminto si Avery sa kanyang pagsasalita at tumingin sa akin sandali pero muling ibinalik ang tingin kay Ethan.

"Gusto ko lang sabihin ng personal na, I don't want to be your business partner." Sabi nito at akmang tatayo na sa kanyang upuan pero narinig kong nagsalita si Ethan kaya napahinto yung babae.

"What do you mean by that Ms. Avery? I don't get it at all." Nagtatakang tanong ni Ethan kay Avery, pero tumayo na ito at saka tuluyang umalis.

Jeez, we've been rejected for two times. And I don't have any idea who that girl was. But one thing is for sure, she's not the one that I met the other night. Who are these girls anyway? Who is the real business partner of Ethan? I need to talk to miss whoever you are, to clarify some things. Someone is definitely fooling us, that's for sure.

"Ethan let's go." Parang nanlulumo namang tumayo si Ethan. I know he would do everything just to get what he wants but something is odd. Bakit ang tamlay nya na nireject sya nung Avery na yun?

"Ethan!" Tawag ko sa kanya kaya naman bigla syang natauhan. At naglakad na kami papuntang sasakyan.

"Cielo, I've been rejected by that girl. How's that even possible? I'm Mr. Ethan Mendrez and I'm gonna make her say yes. Ethan is Ethan, Cielo." Seryosong sabi sa akin ni Ethan. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Eto kasi yung normal self nya. Mapride at palaban.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon