"Ayan mas bagay pala sayo yung bulaklak, kesa nakalagay sa tuxedo ko." Sabi ko sa babaeng kasayaw ko ngayon. Lasing sya, I know. Halata naman sa kilos at lakad nya, well pati na rin yung pananalita nya.
"What makes you think that, mas bagay sa akin 'tong bulaklak. Design 'to sa damit mo, kaya ayan ibabalik ko na sayo." Akmang kukuhanin nya yung bulaklak na inipit ko sa tenga nya pero pinigilan ko sya.
"Like I said, it suits you." Sabi ko sa kanya, ngitian ko sya pero tumahimik na lang sya at hindi nagsalita.
"Nahihilo ako." Sabi nya sa akin. Kaya naman inalalayan ko syang lumakad papunta sa upuan.
"Ayoko sa mataong lugar, dalin mo ako kahit saan, wag lang dito." Ang sabi nya sa akin kaya naman inalalayan ko syang maglakad hanggang sa may garden.
Ethan's POV
"Bakit ba kasi ginawa mo yun? Maybe she's not the type of girl, na mahilig sa mga romantic or whatever ideas na yan." Sabi ko kay Cielo, para kasi syang nalugi nang bumalik sya dito sa office.
"I was trying to make her say yes, para pirmahan nya yung contract." Paliwanag naman nya sa akin. Natawa ako sa sinabi nya, kaya napatingin sya sa akin.
"Anong nakakatawa, Mendrez?" Medyo inis nyang sabi sa akin.
"Seems like you're trying to court her, Cielo. Not to convince her to sign that contract." She looked at me with confusion.
"You know what, you're not helping." Sabi nya sa akin habang pabalik-balik ng lakad sa opisina ko.
"She knows that we're not actually related by blood. She knows that I'm not the owner of your company. She knows everything. And I'm trying my best to convince her, I planned this for one week. One week, Ethan. One week, you hear me? Then what happened. Hinampas nya sa akin yung bulaklak. Damn! She's so unbelievable." Cielo's ranting too much. She's frustrated because of what? Hindi nya mapapirma si Penelope sa contract or she's just angry because she got rejected again, by the same girl.
"Easy brother, you're stressing yourself out." Ang tanging nasabi ko lang sa kanya.
Napaupo naman sya sa couch sa opisina ko, tapos ay napahilamos sya sa kanyang mukha dahil sa inis. She looks frustrated. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Well except dun sa..
"Ethan, I think wala naman silang masamang dahilan o gagawin, pero bakit ayaw pa nilang pirmahan yung contract." Pahayag ni Cielo sa akin.
Nagtataka nga rin ako bakit pinapatagal pa nilang pirmahan yung kontrata, mag-iisang buwan na. Wala naman silang napapala sa amin? For what reason? Ano pa bang kailangan nilang patunay, para lang maipakita namin sa kanila na mapagkakatiwalaan itong company ko.
"Maybe Penelope's expecting something from you brother. Sinabi mo sa kanyang mapapa-oo mo syang pirmahan yung contract, hindi ba? Tapos hindi ka nagparamdam sa kanya ng isang linggo para pagplanuhan yung party kagabi. Then umalis ka ng umaga na hindi nagpaalam sa kanya, tapos magpapakita ka sa harapan ng condo building nila na may dala kang bulaklak. Ano ka nanliligaw?" Sabi ko sa kanya. Para naman talaga kasi syang nanliligaw sa ginagawa nya. Isang linggo syang hindi mapakali sa kakaisip sa plano nya, tapos rejected sya, kaya alam kong naiinis sya.
"Ganoon naman talaga para mapapayag mo yung babae, hindi ba? Para mo syang liligawan, susuyuin, pero bakit imbis na matuwa sya, nagagalit pa sya?" Takang tanong nito sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, tapos ay sumandal ako sa table ko sa office.
"Kasi, bago mo sya i-surprise or bigyan ng bulaklak. Dapat inaalam mo muna kung anong gusto nya sa ayaw nya. Hindi basta-basta bigay ka lang nang bigay sa tao." Page-explain ko naman sa kanya. Hindi man ako marunong manligaw katulad ni Cielo, pero alam ko pa rin naman yung mga common na ginagawa ng manliligaw.
"Teka nga, hindi ka naman ganyan sa ibang business partners natin. Bakit kay Penelope nagkakaganyan ka?" Tanong ko sa kanya. Tumingin lang sya sa akin.
"Because you can handle them by yourself. This girl, this girl is too much for you to handle. You got that? She's mine and mine alone. And like what I'm always saying, I'm gonna make her say yes. So stop your nonsense brain, thinking that I'm courting her, because I'm not. And that Avery girl, she's all yours. I bet you can handle her, she's kinda nice and beautiful like you said." Cielo's teasing me about Avery.
"I'm not going to court her, dumbass." Natatawang sagot ko kay Cielo, sabay bato sa kanya ng ballpen na hawak ko. Nakailag naman sya, kaya hindi sya tinamaan.
"Oh yeah? And do you really think that I'm courting, Penelope para lang pirma..han yung... -- napahinto naman sya sa pagsasalita. Bakit kaya? Parang may iniisip sya.
"You're not going to court her, huh? Wala naman akong sinasabing ganun." Nakakaloko yung tingin nya sa akin.
Humahanap na ako ng bagay na ibabato sa kanya ng bigla syang sumeryoso.
"Now that I've think about it." Panimulang sabi ni Cielo.
"Who's the real owner of Asford Corporation?" Sabay naming sabi ni Cielo.
"Magpinsan lang sila, hindi sila magkapatid." Sabi naman ni Cielo.
"So ibig sabihin, isa sa kanila ang dapat pumirma, hindi natin alam kung Avery 'yon o si Penelope." Dagdag ko pang sabi.
"Pero noong unang nakita natin si Avery, sinabi agad sa atin ni Avery na hindi nya pipirmahan yung contract." Sagot ko naman kay Cielo.
"Pero si Penelope yung unang nakameet ko, at sinabi nya rin sa akin na hindi nya pipirmahan yung kontrata. At hindi sya magpapakasal sa akin." Sabi naman ni Cielo.
"Pero dati yun, noong hindi pa nya alam na ako yung may-ari ng Mendrez Corporation. Ngayong alam na nyang ako yung may-ari, at alam nyang magkaibigan lang tayo. Alam nya ring ikaw yung gumagawa ng paraan para mapapirma sya sa kontrata." Dagdag ko pang sabi.
"Pero paano kung si Avery yung may-ari ng Asford Corporation at hindi si Penelope? Ibig sabihin kahit na magkasosyo sila sa negosyo, isa pa rin sa kanila yung pipirma. Ang tanong, sino?" Sabi ni Cielo kaya naman napaisip din ako kung sino nga ba talaga sa kanila.
"Alam kong alam na nilang dalawa na ikaw yung may-ari ng Mendrez Corporation. Hindi lang si Penelope ang nakakaalam, pati na rin si Avery. Pero tayo, hindi natin alam sa kanila kung sino talaga yung dapat pumirma ng kontrata." Sabi ko kay Cielo, napatango naman ito sa akin.
"Kaya nga, tulad ng sinabi ko. You can handle Avery, right?" Sabi sa akin ni Cielo pero hindi ko sya maintindihan.
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.
"Do I have to court her or something?" Dagdag ko pang tanong kay Cielo. Natawa naman sya. What? May mali ba akong sinabi? Dapat ba gawin ko rin yung katulad ng ginagawa nya para lang mapapirma ko si Avery, that isn't my thing.
"Nope, hindi mo sya liligawan. Well, kung gusto mo why not, hindi ba? She's nice and beautiful naman, di ba?" Crap! She's teasing me again.
"Cut the bullshit out Cielo." Naiinis kong sabi sa kanya.
Seryoso kasi yung usapan tapos idadaan nya sa pang-aasar. Baliw na kaibigan talaga 'to.
"What I'm saying is, do you still remember what you said back then?". Paalala sa akin ni Cielo. Ngumiti sya sa akin habang nag-iisip ako.
"I'm gonna make her say yes". Sabi ko kay Cielo na nakangiti sa akin bago sya lumabas ng opisina ko.
***
A/N: thanks for reading
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...