Penelope's POV
Three months na ang lumipas, simula nang mailabas nila ako sa ospital. Medyo mahina pa rin ako, hindi pa ako ganoong makalakad. Eto siguro yung resulta ng pagkakacomatose ko. Mahirap pero kailangang kayanin ko. Alam kong makakarecover ako sa mga nangyari.
"Penelope, kumain ka muna." Sabi sa akin ni Avery, na may dalang pagkain.
"Asan si Cielo?" Tanong ko kay Avery napayuko naman sya. Bigla akong kinabahan, ibinaba ni Avery sa gilid ko yung dala nyang pagkain.
"Pinsan, magpalakas ka muna. Kailangan mong makarecover." Ang tanging sabi nito sa akin.
Bakit ayaw nyang sabihin sa akin, kung nasaan si Cielo? Bakit ayaw nyang ipaalam sa akin? Anong nangyari kay Cielo?!
Pilit kong inaalala yung nangyari, kung bakit ako nacomatose pero hindi ko matandaan. Argh! Sumasakit na naman yung ulo ko.
"Pinsan, may masakit ba sayo? Pinsan sandali tatawag ako ng doktor." Tarantang sabi ni Avery sa akin.
Tinapon ko naman yung pagkain na nakatabi sa akin. Damn! Cielo asan ka na ba?! Anong nangyari?! Wala akong maalala, kahit na konti. Napaiyak na lang ako sa inis.
Nakita ko sa table malapit sa higaan ko yung journal ko. Kinuha ko iyon, gusto kong basahin 'to. Baka sakaling may maalala ako sa nangyari.
Dear diary,
Nakakainis talaga si Cielo, kahit kailan. Naiinis ako kay Cielo, dahil sa mga pakulo nya sa party. Aaminin ko, noong una naguguluhan ako kung anong gusto nya sa akin. Kung gusto ba nyang mapa-oo ako sa kontrata o ano. Pero habang tumatagal, habang nakikilala ko sya. Habang naiinis ako sa kanya. Doon ko narerealize yung mga bagay na sinabi nya noon sa akin.
Yeah, I hate parties, cakes and flowers. Most of all I hate her existence but when she surprised me again dun sa party. May kakaiba akong naramdaman, na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko.-flashback-
"Saan? Hindi kita makita." Kausap ko kay Cielo. Naiinis na ako, pero parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero naiiyak talaga ako. Hindi ko makita si Cielo! Gusto ko syang makita! Asan na ba kasi sya! Nakakainis na kasi.
Habang umiiyak ako, hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa inis, o dahil hindi ko makita si Cielo. Gusto ko syang makita ngayon, gusto ko syang sungitan. Gusto kong sabihin sa kanya na, I still hate parties and cakes and flowers. And most of all I hate her so much.
Nagulat naman ako ng may yumakap sa likod ko. Ipinatong nya yung baba nya sa balikat ko.
"I know you hate me because-- hindi ko na sya pinatapos pa sa sasabihin nya dahil bigla ko syang sinampal.
"I fucking hate you, Cielo." Umiiyak kong sabi sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin tapos ay yumakap sya ng mahigpit sa akin.
"Sabi ko, I hate you." Inis kong sabi sa kanya habang kumakawala sa yakap nya.
"I knew it, you're the most beautiful girl tonight." Masayang sabi nya nang matapos nyang yumakap sa akin.
"Yeah right, wala naman kasing ibang tao rito. Kung di ikaw at ako lang." Sabi ko habang nagpupunas ng luha.
Natawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko.
"Kahit na ikaw at ako lang. O kahit na sino pang nasa loob nito, you're still the most beautiful girl." Ngiti nitong sabi sa akin.
Napangiti na rin ako dahil sa kanya. Yumakap ako sa kanya.
"Thank you." Bulong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit, pero masaya akong nakita ko si Cielo ngayong gabi. Masaya akong magkasama kami. Biglang kumabog yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, natatakot ba ako, kaya ako kinakabahan? Tumingin ako kay Cielo, ngumiti sya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Akala ko ba iniintay mo sya." Sabi ko kay Cielo, napakunot noo naman sya, wari mo nag-iisip at nagtataka sa sinabi ko.
"Sinong sya?" Takang tanong sa akin ni Cielo. Inirapan ko sya. Alam naman kasi nya kung sinong tinutukoy ko. Yung pinag-uusapan nila noon ni Ethan.
"Alam mo kung anong tinutukoy ko." Walang emosyon kong sabi kay Cielo. Hinalikan naman nya ako sa noo ko. What was that for? Bakit nya ako hinalikan sa noo? Sino may sabi sa kanyang halikan ako? Damn her!
"Bakit mo ako hinalikan?" Inis kong tanong kay Cielo.
"Ay dapat ba hindi? Akala ko kasi nagseselos ka." Natatawang sabi ni Cielo, habang nagkakamot ng batok. Sinikmuraan ko naman sya.
"Ouch!" Daing nya, medyo napalakas ata yung suntok ko.
"Walang nagseselos dito, nagtatanong meron." Sabi ko sa kanya.
"Nag-aassume lang." Sagot naman ni Cielo sa akin.
"So ano nga? Iniintay mo ba yung taong yun o hindi?" Tanong ko kay Cielo. Pero ngumiti lang sya.
"We can talk about that some other time." Sabi nito sa akin.
"But for tonight, will you be my dance partner?" Lahad ni Cielo sa kamay nya, kinuha ko naman ito.
Tumugtog ang isang romantic song, kasabay ng pagsayaw naming dalawa.
"I still hate you, Cielo." Sabi ko kay Cielo habang nakadantay ako sa balikat nya. Bahagya naman syang natawa, and we just enjoyed the night.
-end of flashback-
"Penelope, papunta na yung doktor mo dito." Pag-aalalang sabi sa akin ni Avery.
"I'm okay now, cousin. I'm sorry." Sabi ko kay Avery habang nakayakap sa kanya.
Hindi ko mapigilang umiyak sa pinsan ko.
"Where is she? Bakit wala sya dito? Saan sya nagpunta? Anong nangyari sa amin?" Sunod-sunod kong tanong sa pinsan ko.
"Pinsan tahan ka na, andito naman ako, kami ni Ethan. We still don't know, kung anong nangyari sa inyo two years ago. Ang alam lang namin naaksidente kayo. And the rest, hindi na namin alam." Paliwanag ng pinsan ko, I don't get it. Anong nangyari? Paano kami maaaksidente? And how come na wala rito si Cielo.
"Cielo is she.. Is she... Hindi ko maituloy yung itatanong ko kay Avery dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang malaman kung anong katotohanan ang nangyari kay Cielo. Unti-unti na namang namuo sa mga mata ko ang luha, luha na hindi ko na napigilan kung hindi paagusin hanggang sa dumating yung doktor ko.
"Avery, don't worry. Ako ng bahala sa kanya." Sabi ng doktor kay Avery, tumingin naman sa akin si Avery at tumango, bago sya kumalas ng yakap sa akin.
I saw Ethan, nakatayo sya sa pintuan. He looked worn out. I know he's doing everything he can, for Cielo.
"Ethan." Mahina kong tawag sa pangalan nya. Tumingin lang sya sa akin. Wala yatang lumalabas ng boses sa pagsasalita ko, kaya tinawag ko ulit sya.
"Ethan." This time, medyo malakas na yung pagkakatawag ko sa kanya.
Nakita ko naman syang lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, habang abala yung doktor ko na chinecheck ako.
"Penelope, you need to rest." Sabi ni Ethan sa akin, he looked at Avery. Tumango naman si Avery sa kanya.
"I need to go to work, Penelope. Magpalakas ka." Sabi ni Ethan sa akin, at umalis na.
"Penelope, don't worry too much." Sabi naman sa akin ni Avery.
Tiningnan ko yung journal ko, at binasa ko ulit. Hindi ko napigilang umiyak sa nabasa ko.
***
A/N: thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...