Dear Diary,
Kasalanan ko 'to eh, kasalanan ko kung bakit nasa hospital ngayon si Cielo. Bakit kasi hindi ko maamin sa sarili ko at sa kanya. Bakit hindi ko kayang aminin? Ang laki kong duwag. Hanggang dito ba naman hindi ko rin kayang aminin. Hay...Cielo's POV (2 years ago)
Nagising na lamang ako na nasa ospital na ako. Hindi ko alam kung anong nangyari.
"Penelope!"
Napabalikwas ako nang maalala yung nangyari kanina. Iniwan na ba talaga ako ni Penelope. Luminga-linga ako sa paligid, wala akong kasama sa kwarto. Teka nga bakit nakadextrose ako?
Tumayo ako para lumakad palabas papunta sa nurse station, para tanungin kung anong nangyari sa akin.
"At saan ka naman pupunta?" nagulat ako sa nagbukas ng pintuan, si Penelope. Mabilis akong lumapit papunta sa kanya at yumakap sa kanya.
"Pen, akala ko iniwan mo na ako."
"Sana nga iniwan na lang kita nung nahimatay ka sa airport." masungit na sabi nito sa akin.
"Oh bumili akong pagkain natin, papunta na rin dito sila Ethan at Avery. Kumain ka muna." naupo ako bitbit yung biniling pagkain sa akin ni Penelope.
"Sorry."
Nakayuko kong sabi sa kanya. Hindi ko sya matinggan ng diretso sa mata.
"Tumingin ka nga sa akin." hinawakan ako ni Penelope sa baba para umangat yung tingin ko sa kanya.
"Sabi ng doctor over fatigue daw yan. Huwag ka kasing masyadong nagpapagod, ano ba kasing pinaggagagawa mo."
"Wala naman akong ginagawa, tsaka yung mga ginagawa ko para sayo talaga yun. Hindi para pirmahan mo yung contract. Oo masaya akong pipirmahan mo yung contract, pero mas masaya akong gawin yung mga ginagawa ko para sayo." napatitig ako sa mata nya, nakatingin lang din sya sa akin.
"Ops! Sorry nakaabala ata kami sa inyo." sabi ni Ethan kasama si Avery na agad lumapit kay Penelope.
"Bakit aalis ka ng wala man lang paalam sa akin? Bakit iiwan mo akong mag-isa rito?" galit yung tono ng boses ni Avery.
"I'm sorry, cous." ang tanging nasabi lang ni Penelope kay Avery.
"Sige na pinapatawad na kita. Hindi rin naman kami magtatagal ni Ethan, aasikasuhin namin yung company. Ikaw na munang bahala kay Cielo." may halong awtoridad sa boses ni Avery, ngayon ko lang sya nakitang ganito. Siguro talagang nagtampo sya kay Penelope.
"Alagaan mo si Cielo."
"Brother ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ethan. Tumango lang naman ako sa kanya tapos ay ngumiti.
"Sigurado ka? Yung ulo mo sumakit ba?"
"Huwag ka ng mag-alala, okay lang ako." hindi ko na lang sinabi sa kanya na sumakit yung ulo ko, baka mas lalo pa syang mag-alala sa akin.
"Sige mauuna na kami, dumalaw lang kami sandali ni Avery. Bye guys!" at wala pa silang isang minuto rito umalis na agad sila.
"Oh anong tinutunganga mo dyan, kumain ka na kaya, lalamig yang binili kong pagkain."
"Sabay na tayo, hindi pa rin ata kumakain." pag-aaya ko sa kanya.
"Pen, sorry dahil sa akin hindi ka tuloy nakaalis."
"Wag mo ng isipin yun, kumain ka na muna at magpahinga. Nakakainis ka talaga." irap nito sa akin.
"Akala ko iiwan mo rin ako. Salamat hindi mo ako iniwan."
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...