Chapter 21

232 13 0
                                    

A/N: Sa past na POV ito ni Cielo, nung di pa sila naaaksidente na may flash back pa nya. Baka malito kayo. Btw enjoy.

***

Cielo's POV (2 years ago)

-flash back-

"Ayan mas bagay pala sayo yung bulaklak, kesa nakalagay sa tuxedo ko." Sabi ko sa babaeng kasayaw ko ngayon. Lasing sya, I know. Halata naman sa kilos at lakad nya, well pati na rin yung pananalita nya.

"What makes you think that, mas bagay sa akin 'tong bulaklak. Design 'to sa damit mo, kaya ayan ibabalik ko na sayo." Akmang kukuhanin nya yung bulaklak na inipit ko sa tenga nya pero pinigilan ko sya.

"Like I said, it suits you." Sabi ko sa kanya, ngitian ko sya pero tumahimik na lang sya at hindi nagsalita.

"Nahihilo ako." Sabi nya sa akin. Kaya naman inalalayan ko syang lumakad papunta sa upuan.

"Ayoko sa mataong lugar, dalin mo ako kahit saan, wag lang dito." Ang sabi nya sa akin kaya naman inalalayan ko syang maglakad hanggang sa may garden.

-end of flash back-

"So si Avery pala yung lasing noong gabing yun sa party, akala ko si Penelope." takang sabi sa akin ni Ethan. Napatango naman ako sa kanya.

"Wow, pero bakit hindi mo sya nakilala nung unang nagkita tayo nung kameet natin sya?" takang tanong sa akin ni Ethan.

"Brother, alam mo naman hindi ako matandain sa itsura di ba?"

"Yeah right." napakamot naman sya ng ulo.

"Paano mo nalaman 'to lahat?" tanong sa akin ni Ethan.

"Well, una palang naman alam na nating may kakaiba sa kanila, right?"

"Right."

"At una palang naman, alam na nating dalawa na si Penelope yung may-ari ng company hindi si Avery." sabi ko kay Ethan.

"Oo, dahil ikaw nagsabi nun sa akin. Teka paano mo ba nalaman na si Penelope yung may-ari ng company at hindi si Avery."

"Nalaman ko yun, nang inaya kong lumabas si Avery, natatandaan mo? Nagkita kami sa isang fancy restaurant. Nagtanong ako sa kanya at about kay Penelope at about sa kanya. But nadulas sya at nasabi nyang "And do you really think you can convince her to sign that contract, even though you're not the owner of that company?" kung talagang sya yung may-ari ng company, ang sasabihin nya dapat 'do you really think you can convince me' or kung talagang nag-iingat sya, para hindi natin malaman kung sinong may-ari ng company. Ang sasabihin nya ay 'do you really think you can convince us?' makes sense right?"

"Wow, ang talino mo talaga brother. Small details lang yun ng usapan nyo. And you noticed that, kung ako yun hindi ko mahahalata yun. Wow." amaze na amaze naman si Ethan.

Hindi naman sya dapat maamaze, dahil yun talaga ang plano ko. Bukod sa malaman kung ano pang dahilan nila kung bakit ayaw nilang pirmahan yung contract.

"And? Did you figure it out, kung ano ang totoong motives nila?" tanong ni Ethan sa akin, napatango naman ako sa kanya.

"I'll tell you, brother kapag nagconfess ka na ng feelings mo kay Avery." asar ko sa kanya.

"What?!" gulat na sabi nito sa akin.

"Wala naman akong feelings sa makulit na babaeng yun. Bakit ako magko-confess?" tanong nito sa akin.

"Yeah right." sabi ko sa kanya, kaya naman binato nya ako ng unan sa mukha. Aray ha.

"O bakit?" nang-aasar kong tanong sa kanya.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon