A/N: Yung mga POV ni Cielo ay yung past okay? Pero may mga flashback sya sa past. Baka malito kayo.
***
Dear Diary,
After that party, Cielo and I became more close. But there's something in her that I still don't like. She's too stubborn. Lagi nya akong kinukulit, lalo na sa mga bagay na pinaka-ayaw ko. Kung ano kasi yung ayaw ko, yun pa yung ginagawa nya.Cielo's POV (2 years ago)
"Penelope, come on wake up, you need to go to work." Panggigising ko kay Penelope. Maaga kasi akong pumunta rito sa condo nila ni Avery, para paglutuan sya ng breakfast. Pero ayaw nyang bumangon.
"Di ba nagjajogging ka, tuwing umaga? Bakit ngayon tamad na tamad kang bumangon dyan sa higaan mo?" Tanong ko kay Penelope habang hinihila ko yung kumot nya, nakikipaghilahan naman sya sa akin.
"Kasi nandito ka, sinisira mo yung schedule ko." Inis nyang sabi sa akin, at tinampal nya yung kamay kong nakahawak sa kumot nya.
"Dali na kasi bumangon ka na, pinagluto kita ng breakfast. Balita ko nagustuhan mo raw yung luto ko noon, di ba Avery?" Tumingin ako kay Avery na nakasandal sa pintuan. Natawa naman si Avery, kaya tiningnan sya ng masama ni Penelope. Umalis na tuloy si Avery.
"Wala akong sinasabi sa kanya, pinsan." Hiyaw ni Avery kay Penelope. Natawa naman ako ng bahagya, pero binawi ko rin kaagad, dahil sa babaeng nakatingin sa akin ng masama.
"Ah, eh sabi ko nga. Papasok na ako sa trabaho ko." Sabi ko kay Penelope, habang palabas ng kwarto nya.
"Wag mong kalimutang kainin yung niluto ko, malay mo-- hindi ako pinatapos ni Penelope sa pagsasalita ay sumabat na sya.
"Malay ko ba kung may gayuma yang niluto mo, na mapapa-oo akong pirmahan yung kontrata. Sige shooh, lumayas ka na rito." Pagtataboy sa akin ni Penelope.
Lumabas ako ng kwarto nya, pero hindi pa ako umalis. Iniintay ko sya, paglabas nya ng kwarto nya ay taka syang napatingin sa akin.
"Oh, bakit nandito ka pa? Lumayas ka na, sinisira mo yung araw ko." Walang emosyong sabi ni Penelope aa akin.
"Okay lang, at least yung sa akin buo." ngiti kong sagot sa kanya.
"Pwede ba umalis ka na, naiinis ako sa pagmumukha mo." inis na sabi sa akin ni Penelope. Napatingin naman ako kay Avery na abala sa pagkain.
"Sige, antayin na lang kita sa baba. Hatid kita papuntang work mo." sagot ko kay Penelope. Napataas naman yung kilay nya.
"Sandali nga, ano bang meron bakit ganyan ka?" tanong sa akin ni Penelope.
"Anong ganito ako?" balik kong tanong sa kanya. Inirapan naman nya ako.
"Nevermind." sagot nya sa akin.
"Cielo, bakit hindi mo kami sabayang kumain ni Penelope. Ikaw naman yung nagluto, at saka di ka pa nagbebreakfast, hindi ba?" pag-aaya sa akin ni Avery.
"Hindi pa, pero okay lang ako. Sanay naman akong hindi nagbebreakfast." sagot ko kay Avery.
Kumakain na si Penelope. Ramdam ko kasing ititigil nya yung pagkain nya kapag sumabay ako sa kanilang kumain. Di bale ng magutom ako, makain nya lang yung breakfast na niluto ko para sa kanya. Pwede naman kasi akong kumain sa office ni Ethan mamaya.
"Sumabay ka ng kumain sa amin ni Avery, nagpapaawa ka pa dyan. Oh!" masungit na sabi sa akin ni Penelope pero inabutan naman nya ako ng plato para makakain ako.
"Thanks." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Oo nga pala Cielo. Nakita mo ba sya nung party?" usisang tanong sa akin ni Avery.
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...