Avery's POV
"Cousin, akala ko ba yung condo unit na yun kay Mendrez? Bakit yung kapatid ni Mendrez na babae yung nandoon at hindi si Mendrez." Tanong ko kay Penelope.
"Ewan ko nga rin, pero yung number ng telepono na tinawagan mo sigurado akong kay Mendrez yun." Sabi nya sa akin, si Mendrez na nakameet ko sa park yung tinutukoy nya. Pero bakit hindi naman si Mendrez yung nandoon kung hindi yung kapatid nya.
"Cousin may kakaiba sa dalawang yun." Sabi ko kay Penelope.
"Napansin mo rin?" Napatango ako sa kanya.
"Kasi hindi ba, pareho tayong tumawag sa kanila na makipagkita nang five am. Tumawag ako sa telepono ni Mendrez which is yung sa condo na pinuntahan ko. Sabi ko pa na sa soccer field kami magkita. At sinabi mo sa kapatid ni Mendrez na babae na sa park kayo magkita. Pero kaming dalawa pa rin yung nagkita sa park at kayong dalawa pa rin yung nagkita sa soccer field." Parang ang weird.
Sigurado ako noong gabing yun na si Mendrez talaga yung nakausap ko, at hindi yung brother or sister whatever nya. Sabi ko sa soccer field kami magkita. Kung sya yung nakausap ko, bakit sa park sya pumunta. Pero ang sabi naman nya sa akin nagpapasundo lang daw sa kanya yung kapatid nya. Ibig sabihin ba nun, na sa kapatid nya talaga yung condo unit pero sya lang yung nakasagot ng tawag? Ang gulo, hindi ko sila maintindihan.
"Cousin sinong tao sa condo unit ng kapatid ni Mendrez noong pumunta ka?" Tanong ko kay Penelope habang abala syang nakatingin sa laptop nya. Tumingin sya sa akin at isinara nya yung laptop.
"Ewan ko kung sino yun, kasambahay ata or katiwala ng condo unit. Kasi nang tinanong ko kung dun ba nakatira si Mendrez. Tumango lang yung babae tapos ay pinagsaraduan na ako ng pinto. Ni hindi nga ako tinanong ng kasambahay kung anong kailangan ko kay Mendrez." Sabi sa akin ni Penelope.
"Pero sigurado ka rin na noong tumawag ka sa telephone number dun sa condo unit ni Mendrez, sigurado kang yung Mendrez na binuhusan mo ng tubig sa mukha yung sumagot hindi ba?" Dagdag ko pang tanong sa pinsan ko. Naguguluhan na kasi ako sa kanila. Hindi namin alam sa kanila kung sino talaga yung nasa party noong gabi na yun. Kailangan naming malaman yun.
"Oo sigurado ako, cousin babae yung boses eh." Paninigurado sa akin ni Penelope.
"Anong sabi sayo ni Mendrez na sinabuyan mo ng tubig sa mukha nang magkita kayo sa soccer field?" Tanong ko sa kanya.
"Nagulat ako kasi nakita ko sya doon, kasi dapat di ba si Mr. Mendrez yung makikita ko sa harapan ko pero hindi. Kasi gusto kong mameet yung si Mr. Mendrez dahil hindi ko pa sya nakikita." Paliwanag nito sa akin.
"Lumapit sa akin si Mendrez na sinabuyan ko ng tubig sa mukha, tapos naupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinapansin, inaantay ko syang magsalita. Pakiramdam ko kasi may tinatago sila sa atin." Dagdag pang kwento ni Penelope.
"Ilang minuto kaming walang imikan, hanggang sa ring nang ring yung cellphone nya pero hindi nya pinapansin." Kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Sabi ko sa kanya na sagutin nya yung phone nya baka importante. Kaya sinagot nya yung tawag, tapos tinanong ko pa sa kanya anong ginagawa nya dun sa soccer field, pero hindi na nya nasagot yung tanong ko dahil ang sabi nya lang sa akin. Something came up, I need to go. Kaya umalis na sya." Paliwanag sa akin ni Penelope.
"Akala ko kasi magsasalita sya kapag tumahimik ako and she will ask some questions but she didn't, kaya hindi ko alam kung sinadya nilang mag-usap ng kapatid nya para magpalit sila ng pupuntahan para sa meeting place natin. O nagkabaliktad lang yung binigay sa aking information ng tauhan ko. I don't know cousin. But one thing is for sure." Sabi ni Penelope.
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...