Ethan's POV
Magsi-six am na pero yung babaeng hinihintay ko rito sa park hindi ko alam kung narito na o wala pa talaga sya. Ni hindi ko nga alam yung pangalan ni miss whoever you are na tinutukoy ni Cielo. Hindi ko rin alam kung anong itsura nya. Basta ang sabi lang ni Cielo, maganda sya, matangos yung ilong, mahaba yung buhok, may dimples ay ewan ko. Yung dream girl nya ata yung dinidescribe nya. Antok pa yata sya kanina. Ang aga naman kasi naming gumising na dalawa. Basta mag-aantay ako dito sa park at kapag nakilala ako ni miss whoever you are, ibig sabihin mayroon ngang nagsesetup sa amin ni Cielo.
May babaeng kanina pa tingin nang tingin sa relo nya, hindi kaya sya na yung inaantay ko at ako yung inaantay nya, I mean si Cielo. Tiningnan kong mabuti yung babae mula ulo hanggang paa, kung sya na nga mismo yung tinutukoy ni Ceilo base sa pagkakadescribe nya. At mukhang sya na nga yung babaeng iyon. Hindi ko alam kung lalapitan ko yung babae or what, pero sabi kasi ni Cielo.
"Ethan kapag nakita mo si miss whoever you are, lumapit ka sa kanya at tingnan mo kung makikilala ka nya. Obserbahan mong mabuti yung magiging reaksyon nya at sabihin mo sa akin."
"Uhm miss, pwedeng magtanong?" Sabi ko sa babaeng 'yon nang makalapit ako sa kanya, pero hindi nya ako pinapansin. Mukhang badtrip sya. Hindi kaya, nagkamali ako nang babaeng nilapitan? Pero malakas ang kutob ko na yung babaeng nasa harapan ko ngayon ay yung babaeng tinutukoy ni Cielo.
"Miss." Muling kong tawag sa kanya, pero hindi nya talaga ako pinapansin. Kaya naman pala, may nakapasak na earphone sa tenga nya. Malamang hindi nya naririnig yung sinasabi ko.
Tinanggal ko yung earphone sa tenga nya, bigla naman itong napalayo sa akin na tila gulat na gulat sa ginawa ko.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong nito sa akin.
"Miss magtatanong lang sana ako sa lugar na 'to, hindi kasi ako pamilyar." Sabi ko sa kanya at bahagya akong ngumiti para hindi sya ma-awkward sa akin.
"Bakit hindi mo tawagan yung mga kakilala mo, bakit kailangang sa akin ka pa magtanong?" Iritang sabi sa akin nang babae.
Malamang sa malamang eto na nga yung babaeng tinutukoy ni Cielo sa akin, na nagsaboy ng tubig sa mukha nya, dahil ang sungit ng babaeng 'to. Kaya naman pala inis na inis si Cielo.
"Wala kasi akong load." Pagdadahilan ko pa, pero parang matalino rin yung babae, dahil tila nag-isip muna sya bago nagsalita.
"Alam mo Mr. kung gusto mong makuha number ko... Never!" Sabi nito sabay lakad palayo sa akin. Sakto namang tumatawag sa akin si Cielo.
"Hello, brother anong balita?" Tanong ko sa kanya.
"Nandito na ako sa soccer field na pinag-usapan nyo, pero si miss whoever you are yung nandito." Sabi nya sa akin na ikinagulat ko.
So mali ako? Ibig sabihin yung kausap ko kanina ay hindi si miss whoever you are na tinutukoy ni Cielo. Okay, siguro nga mali ako dahil napakacommon naman kasi ng pagkakadescribe nya sa babaeng yun. Tsaka hindi naman ganoon kaganda yung itsura nung babae kanina. Sadyang engot lang ako at napagkamalan kong sya yung tinutukoy ni Cielo.
"Mendrez!" Napalingon naman ako sa taong tumawag sa apelido ko.
"Avery?" Nagtataka kong tawag sa pangalan nya. Anong ginagawa nya rito? Bakit sya yung nandito?
"Anong ginagawa mo rito?" Sabay naming tanong sa isat isa habang naglalakad syang palapit sa akin. Bahagya naman akong natawa, ganoon din sya.
"Ladies first." Sabi ko sa kanya. Hinawakan nya yung balikat ko at pinalo-palo nya, kaya naman napatingin ako doon. Agad naman nya itong inalis.
"Ah kasi, galing ako sa soccer field na napag-usapan natin, ang tagal mong dumating kaya umalis na ako." Sabi naman nito sa akin, pero parang duda ako sa sagot nya.
Dahil, ano namang gagawin nya dito sa park, hindi ba? Bakit pa sya mag-aabalang pumunta rito sa park samantalang malayo ito mula sa soccer field. It doesn't make any sense, does it?
"Ikaw anong ginagawa mo rito?" Takang tanong sa akin ni Avery.
"Ah, nagpapasundo kasi sa akin si Mendrez, akala ko nga naligaw ako kasi wala naman sya rito. Kakatawag lang nya, paalis na rin ako." Sabi ko sa kanya. Napatango na lang sya sa akin. Sinadya kong hindi banggitin yung pangalan ni Cielo. Mahirap na, baka mamaya may iba silang binabalak. Hindi namin alam.
"Ah bakit pala, Mendrez ang tawag mo sa kanya, hindi sa pangalan nya?" Takang tanong naman sa akin ni Avery. Bingo! Gusto nga nyang malaman kung anong first names namin ni Cielo. Ito yung plano namin ni Cielo, ang malaman ang totoo, kung alam nya talaga kung sino sa amin ang tunay na may-ari ng Mendrez Corporation. Pero hindi nya nga ata talaga alam kung sino sa aming dalawa ang tunay na Mendrez, na may-ari ng Mendrez Corporation.
"I don't call my brother by her first name." Oo na, brother ang tawag ko kay Cielo kahit na magkaibigan lang kami at babae sya. Hindi naman kasi sya ibang tao para sa akin. She's like my older brother, kasi lagi syang naka-alalay sa akin, kaya brother ang tawag ko sa kanya. Magkasundo rin kami sa lahat ng bagay. At pareho kaming mag-isip. That's the reason kung bakit brother ang tawag ko sa kanya. Parang magkapatid na kasi yung bond naming dalawa.
"Oh I see." Ang tanging sagot lamang ni Avery sa akin at pilit na ngumiti. Anong meron? I can feel that there's some disappointment in her smile. Or maybe I'm just imagining it. Whatever.
"Do you want me to drive you home?" Alok ko kay Avery pero tanging iling lamang ang sagot nya sa akin. Kaya umalis na rin ako.
Habang nagdadrive ako ay tinatawagan ko si Cielo, pero hindi nya sinasagot yung cellphone nya. Ano na naman bang ginagawa nya. Don't tell me, kasama pa nya si miss whoever you are. Lately napapansin ko puro si miss whoever you are na yung bukambibig nya. Tinawagan ko ulit sya at buti naman sinagot na nya.
"Brother?" Sagot nito sa akin.
"I have something to tell you." Sabi ko sa kanya narinig ko naman na parang kinakausap pa sya ni miss whoever you are.
"Something came up, I need to go." Narinig kong sabi ni Cielo.
"Brother, I'm on my way now to your condo unit." Sabi nya sa akin. Wala naman kaming ibang pupuntahan kung hindi yung condo ko. Doon kami mag-uusap.
Matapos ang kalahating oras na pagdadrive, nakarating na rin ako sa condo. Pagpasok ko sa condo ay naroon na sya nakaupo sa couch.
"So, anong balita?" Bungad na tanong sa akin ni Cielo, kinuha ko yung soda na nakalapag sa table at ininom ko muna 'yon. Naupo ako sa tabi nya.
"Avery girl was there." Panimula kong kwento sa kanya, kinwento ko ulit lahat sa kanya ng nangyari.
"So those girls don't even know our first names, huh. And they want to know who we really are." Pahayag ni Cielo.
"Yap, that's right. Good thing na yung company ko Mendrez Corp. ang pangalan. At yung sayo ibang tao ang namamahala." May sarili ring company si Cielo, pero she's busy mentoring me. Like I said before, happy go lucky ako, but at the same time workaholic ako. She's just working in my company to assist me on everything. If I am successful she's way more successful than I am. Though, she's just busy dating my girls, plus she's gaining monthly salary from dating those girls.
"It's also a good thing that our identities are private and secure. Maybe that's the real reason kung bakit gusto nilang malaman kung anong first names natin." Sabi ko kay Cielo.
"Pwedeng isa yan sa factor, pero the question is why. Bakit pa nila gustong malaman yung totoong identity natin? Kung pwede naman silang pumirma sa contract hindi ba? It's a win-win for the both of you." Sabi ni Cielo, tama nga sya. Bakit nga kaya? Kailangan naming malaman kung ano ang motibo ng dalawang babaeng yun.
And who's my real business partner? Is it Avery or miss whoever you are.
***
A/N: thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...