A/N: pov ni Cielo after party. Thanks :)
***
Cielo's POV (2 years ago)
"What are you doing here?" tanong sa akin ni Penelope, pagkabukas nya ng pinto sa condo nila. Sumilip ako sa likuran nya pero hinarangan nya iyon.
"What do you want, Cielo?" tanong nito sa akin.
"Cielo, ikaw pala yan, tara na?" sabi sa akin ni Avery tapos ay kumapit sa braso ko.
"Insan, aalis lang kami ni Cielo, bye." paalam ni Avery kay Penelope, pero hindi sya pinansin ni Penelope dahil sa akin sya nakatingin ng masama at inirapan ako, tapos nun ay isinara na nya yung pintuan ng condo.
"So Cielo, what's the real score between you and my cousin?" tanong ni Avery sa akin.
"Wala eh, pusong bato ata yun." pabiro kong sabi kay Avery.
"Hindi pusong bato yun, pusong diamond yun. Sobrang tigas." tawa naman sya nang tawa kaya napatawa rin ako sa kanya.
"Avery, actually we need to talk about something." seryoso kong sabi kay Avery.
"Wow ang serious mo naman, Cielo." sabi nya sa akin habang nasa sasakyan kami. Kakain kasi ulit kami sa labas ni Avery.
"I am serious, dahil alam kong may reason talaga kayo ni Penelope kung bakit ayaw nyang pirmahan yung contract." diretso kong sabi sa kanya.
"I know, kung ano man yung reason nyo ay hindi naman masama, dahil alam kong mabait kayo."
"Pero pwede bang maging honest ka na sa akin, Avery. Ano ba talaga yung dahilan bakit ayaw pang pirmahan ni Penelope yung contract?" tanong mo kay Avery habang papasok kami sa restaurant.
Inassist kami ng waiter kung saan kami uupo, tapos ay naupo na kami. Habang tumitingin ako ng menu ay nagsimula ng magkwento si Avery.
"It's all about sa masquerade ball, Cielo."
"Natatandaan mo noong una kayong nagkita ni Penelope at sinabuyan ka nya ng tubig sa mukha?" napatango ako kay Avery, can't forget that one though.
"Hindi ba dapat ang ka-meet mo noong gabing yun ay yung sinet-up na ka-date ng magulang ni Ethan, ako yun, hindi si Penelope. But I got scared kasi uhm nevermind.. kaya si Penelope yung pinapasok ko sa loob noon, pero noong nakita ka nya. Hindi sya makapaniwala na lesbian ang makaka-date ko, kaya bigla ka nyang sinabuyan ng tubig sa mukha noon sa sobrang pagkabigla. Akala kasi namin na si Ethan at ikaw ay iisang tao lang, kaya nasabi nya yung about doon sa contract. Hindi kita nakita noon, dahil hindi naman ako bumaba ng sasakyan."
"Sa totoo nyan ay ayaw na ni Penelope na ituloy yung contract signing sa company ni Ethan, dahil akala nga nya ikaw si Ethan at lesbian ka. Yeah, she's kinda homophobic, I'm sorry, Cielo." malungkot na sabi ni Avery sa akin.
"It's okay, she's straight we both know that. Tuloy mo."
"Kaya noong sumunod na nagkita tayo nila Ethan, I'm confused kung sino sa inyo si Mendrez, ang tunay na may-ari ng company. Dahil sya yung taong hinahanap ko, dahil sa masquerade ball."
"Dahil sa unang pagkikita natin at dalawa kayong naka-meet ko that time, hindi ko talaga alam kung sino yung may-ari ng company, sino yung nasa masquerade ball at kung sino yung ka-date ko talaga. Hindi naman nasabi ni Penelope sa'kin kung anong itsura mo or what, basta na lang kami umalis noon dahil badtrip sya. Isa pa, hindi ko alam ang pangalan ninyo, ang alam ko lang ang apelido nyong Mendrez, hindi ko naman akalain na magka-apelido pala kayo." dagdag pang paliwanag ni Avery.
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...