Chapter 23

233 11 4
                                    

Dear Diary,
     I don't know why I'm acting like a selfish child. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Mas lalo kasing naging close si Avery at Cielo. Kinukulit pa rin naman ako ni Cielo, pero kasi parang may kakaiba sa kanilang dalawa, parang may something sila. Argh! Erase that thought, Penelope. Maybe I'm je-- there's no way!

Cielo's POV (2 years ago)

"Sa tingin mo ba gumagana yung plano natin?" bulong ko kay Avery habang nagtitimpla ako ng kape.

"You'll see in a moment." sabi nya sa akin sabay kindat. What? Ano na naman bang gagawin ng babaeng 'to? Pati si Ethan nagseselos na sa'kin dahil sa biglang closeness namin ni Avery.

"Cielo halika nga rito." masungit na tawag sa akin ni Penelope, nasa condo kasi nila ako. Pinapunta kasi ako ni Avery, halos araw-araw ata nandito na ako.

"Bakit?"

"Tumabi ka sa'kin." sabi ni Penelope tapos ay pinalo-palo yung sofa. Ano ako aso para maupo dun sa tabi nya.

"Isa!" pinanlakihan nya ako ng mata. Sabi ko nga uupo na ako sa tabi nya eh.

Nang makaupo ako sa tabi nya ay kinurot nya yung tagliran ko. Aray ha!

"Bakit ba?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"Ilang linggo ko ng sinasabi sayo na tigilan mo yung pinsan ko." walang emosyon nitong sabi. Ang sama ng tingin nya sa akin. Nakaisip naman ako ng kapilyuhan sa isip ko.

"Ayoko nga, pero kung--- pabitin kong sabi sa kanya.

"Pero kung ano?" napataas yung kilay nya sa akin.

"Pero kung papayag kang makipaglunch sa akin, sige titigilan ko si Avery." sabi ko sa kanya.

"Hindi ako makikipagdate sayo." irap nito sa akin tapos ay ibinaling ang tingin sa t.v.

"Wala naman akong sinabing date, siguro gusto mo akong kadate 'no? Aminin mo na kasi Penelope na nahuhulog ka na sa'kin." pang-aasar ko sa kanya tapos ay idinantay ko yung ulo ko sa balikat nya, mabilis naman nyang inalis yung ulo ko.

"Cielo alam ko na yung 'da moves mo, gasgas na gasgas na kasi." inirapan na naman nya ako, hindi ba sumasakit yung mata nya kakairap.

"Nagseselos ka lang kay Avery, huwag ka nang magselos Penelope. Sayo naman ako, ikaw lang naman yung may ayaw sa'kin." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"Mabuti alam mo." sabi nito.

"Oo alam ko naman talagang nagseselos ka, ang obvious mo kaya." sabi ko sa kanya sabay gulo ng buhok nya. Napaharap naman sya sa akin.

"Excuse me ha?! Ang assumera mo talaga, Cielo. Ibig kong sabihin mabuti at alam mong ayaw ko sayo." sabi nito sa akin tapos ay inayos yung buhok nya.

"Mahal din kita." bulong ko kay Penelope tapos ay bumalik na ako kay Avery sa kitchen.

Tiningnan ko naman sya, nakatingin lang sya sa akin ng walang kaemo-emosyon. Sungit talaga.

"Penelope, pabili akong patatas sa labas." utos ko sa kanya. Magluluto kasi ako para sa kanila ni Avery.

"Hindi ako utusan, Cielo. Si Avery na lang yung pabilin mo." irap nito sa akin.

"Okay sige, madali naman akong kausap. Alam ko naman na gusto mo lang akong masolo. Avery--- hindi pa tapos yung sasabihin ko ay padabog ng lumapit sa akin si Penelope.

"Akin na yung pera, bibili na'ko." napangiti naman ako sa kanya.

"Gusto mo samahan kita?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Asar na asar naman sya base sa itsura nya.

"Sige sumama ka." sabi nito tapos ay lumabas na ng condo nila ni Avery. Napatingin naman ako kay Avery na nakangiti sa akin ng nakakaloko.

Habang naglalakad kami ni Penelope, hindi mo maiwasang hindi sya kulitin.

"Gusto mo pala talaga kong masolo, hindi mo naman sinabi agad. Saan mo ba gustong magpunta?" sabi ko sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin at binilisan nya lang yung paglalakad nya.

"Ayokong maiwan ka lang dun kasama yung pinsan ko kasi---

"Nagseselos ka." dugtong ko sa sinabi nya. Napalingon naman sya sa akin.

"No I'm not."

"Yes, you are."

"No."

"Yes."

"No."

"Wag ka na kasing magselos, ikaw yung love ko." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Hindi talaga effective yung pagpapacute ko sa kanya. Hay Penelope, ako yung lalong napo-fall sa ginagawa ko.

Sabagay, sanay naman na akong mareject kaya nga kung irereject nya ako, okay lang naman 'di ba? Kausap ko sa sarili ko, napatango naman ako. Ang weird ko.

"Aray! Bakit mo ako kinurot?" inis kong tanong kay Penelope.

"Ano bang iniisip mo dyan, tinatanong kita kung anong bibilin natin, bakit ka tumatango sa akin?"

"Iniisip ko kasi yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Kaso yung itsura nya ngayon parang binagsakan ng langit at lupa." natatawa kong biro kay Penelope. Nagsusungit na naman kasi sya. Baliw din 'tong babaeng 'to minsan eh.

"Pwede ba Cielo, tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo." masungit na sabi nya sa akin.

"Bakit napo-fall ka na ba sa akin?" ngiting-ngiti kong tanong sa kanya. Inirapan pa nya ako bago sya sumagot.

"Hindi!"

"Sabi ko nga bibili lang tayo ng patatas, Sarah." inirapan naman nya ako. Wala talaga syang sense of humor kahit kelan.

"Cielo, ano bang namamagitan sa inyo ng pinsan ko?" out of the blue nyang tanong sa akin.

Actually wala namang namamagitan sa amin ni Avery, kahit na nalaman namin na ako pala yung hinahanap nya at sya pala yung hinanap ko noong gabi nang party. Hindi pa siguro alam ni Penelope na alam ko na ang lahat, kaya ayaw nya pa ring pirmahan yung contract.

"Penelope alam ko na ang lahat kung bakit ayaw mong pirmahan yung contract, dahil gusto nyong malaman ni Avery kung sino yung nakasayaw nya noong gabing yun."

Napatingin naman sya sa akin.

"At ako yun." sabi ko sa kanya. Napa-iwas naman sya ng tingin sa akin.

"Ma..mabuti naman kung ganoon." sagot nya sa akin at saka sya nag-iwas ng tingin.

"Masaya ako para sa inyo ng pinsan ko." dugtong pang sabi ni Penelope sa akin.

"Mahal mo talaga ako 'no?" pang-aasar ko sa kanya.

"At bakit na naman?" taas kilay nyang tanong.

"Wala, ramdam ko lang." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Alam mo Cielo, iuwi mo na nga lang ako." asar na sabi nito sa akin.

Kaya naman sinunod ko sya.

"Teka, saan mo ako dadalin? Sabi ko iuwi mo na ako." nagtatakang sabi nito. Hindi kasi eto yung way pauwi sa condo nila ni Avery, kung hindi pauwi sa condo ko.

"Oo nga iuuwi na kita sa akin. Sabi mo, iuwi na kita. Madali naman akong kausap." sabi ko sa kanya. Bigla naman nya akong hinampas sa braso.

"Cielo ano ba?! Hindi nakakatuwa ha." naiinis pa rin talaga sya sa akin.

"Penelope naman, kailangan bang paulit-ulit sabihin na seryoso ako sayo." sabi ko sa kanya. Napatahimik naman sya bigla.

"Ano ba Cielo, pinaglalaruan mo ba ako?!" inis na inis nyang sabi sa akin.

"Hindi kita pinaglalaruan, Penelope."

"Okay, so kung ikaw yung nasa masquerade ball na kasama ni Avery noong gabing yun. Ibig sabihin ikaw yung nagnakaw ng halik sa akin?" tanong nito sa akin.

"The one and only... wait what?!"

***

A/N: Thanks for reading.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon