Chapter 19

338 18 3
                                    

Penelope's POV

"Penelope kumain ka na kahit na konti lang, please." pagpipilit sa akin ng aking pinsan. Pero ayoko talagang kumain dahil wala akong gana.

"Iniwan ba nya ako? Anong nangyari sa amin? Bakit hindi ko masyadong maalala, pero wala naman akong amnesia." naiinis kong sabi kay Avery. Lumapit sya sa akin para pagaanin yung loob ko.

"Siguro epekto pa yan ng matagal mong pagka-comatose. You still need rest para makarecover." paliwanag naman nito sa akin.

"Ilang buwan na akong nagpapahinga, pinsan. Pero ganito pa rin." naiiyak kong sabi kay Avery. Nasaan na ba kasi si Cielo? Bakit hindi man lang sya dumalaw sa akin nang makalabas ako ng ospital. Nakakainis sya. Ano ba kasing nangyari sa amin.

"Avery wala ka bang kahit anong natatandaan bago kami maaksidente si Cielo?" takang tanong ko sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko pinsan, pumunta dito noon si Cielo, masayang-masaya kang sinundo dahil magde-date daw kayo. Yun lang pinsan, tapos ay napasugod na lamang kami sa ospital kung saan kayo isunugod. Pero pagdating namin sa osptial ay wala na roon si Cielo, na-admit sya kung saang ospital ka na-admit pero hindi na namin sya naabutan pa. Hanggang ngayon hindi namin alam kung nasaan sya pinsan." malungkot na paliwanag sa akin ni Avery.

Halos maiyak naman ako sa nalaman ko. Dahil ibig sabihin walang nakakaalam kung nasaan si Cielo ngayon, at hindi rin namin alam kung buhay pa sya.

"Penelope, magpakatatag ka. Lahat ng paraan ginagawa na namin ni Ethan." sabi naman nito sa akin.

"Eto yung diary mo, basahin mo para gumaan yung pakiramdam mo." abot ni Avery sa akin ng aking diary. Napatingin ako roon habang bumuntong hininga. Eto yung mga memories namin ni Cielo. Hindi ko akalain na mangyayari sa amin ni Cielo 'to. Nasaan ka na ba Cielo?

Dear Diary,
    Hindi ko alam kung bakit pero parang ilang araw ng bothered si Cielo, laging syang tahimik kapag magkasama kami. Hindi sya katulad ng usual self nya na laging makulit. Ano kayang bumabagabag sa kanya?

***

Ano kayang nangyari kay Cielo ng mga araw na iyon. Wala akong maalala. Wala naman ng ibang nakasulat sa diary ko noong araw na iyon. Siguro noong mga panahong yun, pinagbubwisitan ko si Cielo. Siguro sinusungitan ko sya, katulad ng lagi kong ginagawa sa kanya.

Nakakainis ka naman, Penelope. Kung kelan sasagutin mo na si Cielo ng araw na yun. Tsaka pa kayo naaksidente. Bigla kong kausap sa sarili ko. Nalungkot naman ako at napabuntong hininga. Marami akong katanungan, pero alam kong isa sa makakasagot nito ay si Ethan.

Tumayo ako para kuhanin yung cellphone ko. Tinawagan ko naman si Ethan, naka-ilang ring bago nya sagutin ang cellphone nya.

"Ethan, gusto sana kitang makausap. Magkita tayo sa mall." sabi ko sa kanya, hindi ko na sya inantay sumagot, ibinaba ko na kaagad yung tawag.

Alam kong doble yung paghihirap ni Ethan, dahil sa nangyari. Nawawala na yung kaibigan nya pati na rin yung kapatid nyang tinuturing. At sya pa yung nagma-manage ng business namin. Dahil napirmahan ko na noon yung contract namin. Alam kong malaki yung responsibilidad nya, dahil libong tao ang nakaasa sa company namin.

"Avery, magkikita kami ni Ethan." paalam ko kay Avery na abalang nakatutok sa laptop nya.

"Sige pinsan, mag-iingat kayo. Lalo na ikaw, hindi ka pa masyadong magaling." ani nito.

Halos kalahating minuto rin ang lumipas bago ako makarating sa mall. Naroon naman na si Ethan. Pumasok kami sa isang coffee shop, para doon makapag-usap.

"Ethan, pwede ko bang malaman kung ano ang lahat ng nalalaman mo."

Napabuntong hininga naman sya, bago nagsalita.

"She loves you from the very start, Penelope." seryosong sabi ni Ethan. Hindi ko sya maintindihan, naguguluhan ako. Anong ibig nyang sabihin?

"What do you mean by that? Noong araw na nagkita kami, at sinabuyan ko sya ng tubig, mahal na nya ako? Paano yun? Pwede ba yun?" naguguluhan ko pa ring tanong kay Ethan. Pero umiling sya at bahagyang napangiti.

"Hindi. Yung araw na naki-upo ka sa table nya sa coffee shop. Dito mismo kung saan tayo nakaupo ngayon." paliwanag naman ni Ethan, pilit kong inaalala yung sinabi ni Ethan. Nameet ko na pala si Cielo before. Pero paano?

-flash back-

Nasa mall ako ngayon, iniintay ko yung pinsan ko. Magkikita kasi kami ngayon dito sa mall sa isang sikat na coffee shop. Pero hanggang ngayon wala pa sya. Pumasok ako sa loob ng coffee shop, luminga-linga ako sa paligid kung saan may bakanteng table, pero wala. Pero may nakita akong upuan na available pa, kaya lang may nag-iisang tao na nakaupo don. Kaya naman lumapit ako.

"Uhm, excuse me? Pwede ba kong makiupo? May iniintay kasi ako." paalam ko sa kanya na abala sa pagta-type nya sa laptop. He's wearing his reading glasses.

"Sure." sagot nito na ikinagulat ko. Babae sya?! Akala ko pa naman lalaki sya. May itsura sana kaso lang. Nevermind. Dinukot ko na lang yung cellphone ko sa bag ko, at saka ko ulit tinawagan yung pinsan ko. Unfortunately, she didn't even bother to answer my calls. Nakakainis sya.

Kanina pa ako nag-aantay, naiinip na ako. Gusto ko sanang kausapin yung taong kashare ko sa table kaso lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"May gusto ka bang itanong?" sabi nya habang tutok na tutok pa rin sa laptop nya.

"Ha?" sagot ko naman baka kasi hindi ako yung kinakausap nya.

"Sabi ko may gusto ka bang itanong?" tumingin ito sa akin sabay ngumiti.

"Ha, eh wala naman." sabi ko na lang. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Isa pa, masama makipag-usap sa stranger hindi ba? Tama Penelope, masama makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala. Pero baliw ako, dahil ako naman yung unang kumausap sa kanya.

"Uhm, let me guess na lang. Maganda ka, pero hindi masyadong appealing yung suot mong damit. Nakasimple shirt ka lang naman. So ibig sabihin, hindi boyfriend ang iniintay mo. You also looked frustrated, dahil kanina ka pa nag-iintay dito. So I guess, kaibigan mo o family member mo yung kameet mo, am I right?" mahabang sabi nito sa akin. Wow, just wow. Paano nya nalaman yun? She's good at observing people huh.

"Yeah, actually pinsan ko yung iniintay ko." yun lang ang tanging nasagot ko sa kanya.

"I'm Penelope by the way." dagdag ko pang sabi sa kanya. Sasagot sana sya pero may tumawag sa kanya.

"Okay okay, pupunta na ako." sabi naman nya sa kausap nya sa cellphone.

"I'm sorry, Penelope. But I have to go. It's a pleasure to meet you." sabi nya sa akin habang nakangiti. Habang nagmamadaling umalis.

-end of flash back-

"Sa sandaling pag-uusap nyong 'yon, puro ikaw na ang bukambibig nya." natatawa naman si Ethan habang nagku-kwento. Knowing Cielo, alam kong makulit talaga sya.

"Yun ang unang pagkakataon na nakita kong ngumiti ulit si Cielo, mula nang mamatay si Mhay." biglang lumungkot ang aura ni Ethan.

"At sino naman si Mhay at bakit sya namatay?"

"Mhay was our first love."

***

A/N: thanks for reading.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon