Cielo's POV
Nakapamili na kami ng damit ni Penelope, kaya naman bumalik na kami kung saan kami iniwan ni Ethan at Avery. Nasa sampung minuto rin kaming nag-antay sa kanila bago sila dumating.
"May hindi ba kayo sinasabi sa aming dalawa?" Nakakalokong tanong ni Ethan sa amin ni Penelope. Nakakunot-noo naman kaming nagkatinginan ni Penelope.
"Wala naman, bakit?" Naguguluhan kong sagot kay Ethan. Napangiti si Avery sa amin tapos ay hinila si Ethan palayo sa amin.
"Tara na nga Ethan, nagde-date ata yung dalawa. Nakakaistorbo ata tayo, may paholding hands, holding hands pa sila." Sabi ni Avery kaya naman napatingin ako sa kamay namin ni Penelope, na magka-intertwined.
Inalis tuloy ni Penelope yung pagkakahawak nya sa kamay ko. At hinabol si Avery.
"Avery!!!" Tawag nya sa pinsan nya. Natatawa namang hinihila ni Avery si Ethan palayo kay Penelope.
"Penelope, wait." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin, kaya hinabol ko sya.
"Penelope Asford!" Tawag ko sa buong pangalan nya, kaya napalingon sya sa akin, at pinangdilatan ako ng mata. Pinagtinginan kasi kami ng mga tao. Inirapan pa nya ako, ang sungit talaga.
"Will you be my date?" Sabay nguso ko kay Ethan na may hawak na bulaklak, na pinabili ko. Yeah, plano talaga namin 'to ni Ethan, dahil alam kong hindi sya papayag na makadate ako sa party na yun.
Lumapit ako kay Penelope, inabot naman sa akin ni Ethan yung hawak nyang bulaklak.
"Penelope Asford, will you be my date?" Ulit kong tanong sa kanya, pero ngayon kaming dalawa na lang yung nakakarinig ng sinabi ko.
"Ano na naman bang pakulo 'to?" Medyo inis na tanong ni Penelope sa akin, habang nakatingin sa buong paligid nya. Nahihiya kasi sya sa pinaggagagawa ko.
"I'm making you say yes." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Pero hinampas nya ako sa balikat ko.
"Well, I'm sorry Cielo Mendrez. But no thanks." Sabi nya sa akin sabay walkout. Ang hilig nya talaga akong iwan mag-isa. Hinabol ko sya bago pa sya makalayo sa akin.
"Wait, Penelope." Humarang ako sa harap nya.
"What?" Halata sa boses nyang iritable sya sa akin.
"Thank you." Bulong ko sa kanya. Lumayo sya sa akin para tingnan ako, pero hinawakan ko sya para di sya makalayo sa akin.
"For what?" Takang tanong nito sa akin.
"For rejecting me." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Okay?" Yun lang ang nasagot nya sa akin. Halatang wala syang masabi. O talagang hindi nya lang alam kung anong isasagot nya sa akin.
"You hate flowers, right?" tanong ko sa kanya. Napataas naman yung kilay nya.
"You also hate parties." Dadgdag ko pang sabi.
"Most of all, you hate me." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bulaklak na binili ko para sa kanya. Sayang na naman kasi. Alam kong ayaw nya ng bulaklak, kaya nga binibilan ko sya nito. Hindi para mas lalo nyang ayawan, kundi para marealize nya.
"Soon, you'll realize why I'm doing these things that you don't even like. Why I'm giving you things, you don't appreciate or value." Ngiti kong sabi sa kanya.
"Kasi ano? Para marealize ko na may halaga pa rin yung mga bagay na ayaw ko?" Tanong nya sa akin, pero umiling ako. Hindi yun ang gusto kong iparating sa kanya.
"Bakit hindi mo pa kasi sabihin kung ano?" Inis nyang sabi sa akin.
"Don't worry, marerealize mo rin yun." Sabi ko sa kanya, sabay abot ng bulaklak sa kanya.
Kinuha naman nya iyon at itinapon sa basurahan. Napangiti na lang ako sa kanya. Alam kong naguguluhan din sa akin sila Avery at Ethan.
"Avery let's go. We're just wasting our time here." Sabi ni Penelope kay Avery na hinila paalis. Sinundan ko na lang sila ng tingin palayo sa amin ni Ethan.
"Woooh man, that was something. Now, you're used to rejection huh. You've been rejected for how many times, but look at yourself, Cielo. You're smiling like an idiot." Tapik ni Ethan sa balikat ko. Napailing na lang ako sa kanya.
Kumain muna kami ni Ethan dahil nagugutom na kami. Habang naghahanap kami ng makakainan namin, nagkukwentuhan lang kami.
"Oo nga pala, Cielo. Nakabili ba kayo ng damit ni Penelope?" Tanong nya sa akin.
"Oo, nakabili kami. Terno nga kami ng damit. Sabi nya hindi sya payag na makadate ako, pero terno naman kami ng damit na binili." Natatawang sabi ko kay Ethan. Ewan ko ba kay Penelope, minsan okay kami pero madalas hindi.
"Hayaan mo na yun, brother. Wala naman syang choice, magkapareho naman kayo ng damit, means date mo sya." Paniniguradong sagot sa akin ni Ethan.
Hindi na lang din ako sumagot sa kanya.
"Bro, wait." Kalabit sa akin ni Ethan habang naglalakad kami. Napatingin naman ako kung saan sya nakatingin.
"Sila Avery yun, di ba?" Paninigurado kong tanong kay Ethan, medyo malayo kasi sila, kaya hindi ko masigurado kung sila Avery nga.
"Oo, Cielo. Pero parang may nangungulit sa kanila." Seryosong sabi ni Ethan kaya naman napatakbo kami ni Ethan, papunta sa dalawa.
"Girls, hindi ako gagawa ng gulo. Gusto ko lang maging partner si Penelope sa party. Penelope pwede ka bang maging date sa party?" Sabi nung lalaki kay Penelope. Halata naman sa mukha ni Penelope na naiilang sya dun sa lalaki. Parang hindi nya alam kung anong sasabihin at gagawin nya.
"Sorry bro, Penelope is my date. And she's mine alone. So back off!" Sabi ko sa lalaki. Kilala ko sya at alam kong kilala nya rin ako.
"Okay, okay. I'm sorry, Cielo. She's all yours." Sumusuko pa nyang sabi sa akin dahil nakataas pa yung dalawa nyang kamay. He left without saying anything sa dalawa.
Napatingin ako kay Penelope na parang nakahinga naman ng maluwag.
"Thanks." Sabi ni Avery sa akin. Ngiti lang naman ang sinagot ko sa kanya.
"Brother, bakit andito sya?" Takang tanong sa akin ni Ethan. Pinanlakihan ko naman sya ng mata. Nagets naman nya kaya napatahimik sya. Hindi ko rin kasi alam. Maybe, gusto nya lang talagang makadate sa gabing 'yon si Penelope.
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong sa akin ni Penelope. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.
"What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Inirapan pa nya ako bago sya nagsalita.
"I was about to accept his offer, then you showed up." Parang dismayadong nyang sabi sa akin.
"So sya pala yung balak mong maging date sa party?" Tanong ko kay Penelope.
"Oo, bakit may magagawa ka ba?" Inis nyang sabi sa akin.
"Alright then." Tumakbo ako at hinabol ko si Gerard.
"Bumalik ka dun, ikaw daw yung gusto nyang makadate sa party." Sabi ko kay Gerard, hindi naman sya masamang tao. Kilala ko sya, sadyang makulit lang sya at mapilit.
Bumalik kami sa kinaroroonan nila Penelope.
"Gusto mo raw akong makadate sa party?" Masayang tanong ni Gerard kay Penelope.
Nakatingin lang naman sa akin si Penelope, hindi ko mawari kung anong iniisip nya. Si Ethan naman inakbayan ako at hinila ako palayo kila Avery. Kaya hindi ko na nalaman kung anong isinagot ni Penelope kay Gerard.
"Bro, tara na sa opisina. Don't worry, baka naman andun sya." Sabi sa akin ni Ethan, sabay gulo ng buhok ko.
***
A/N: thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019
RomanceMeron akong kaibigan mayaman, matalino, gwapo at mabait. Nasa kanya na lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae. Pero ayaw nyang maghanap ng babae dahil mas masaya raw sya sa buhay single. Kaya ako na kaibigan nya ang sumisipot sa lahat ng ka-date...