YVES's POV
Ang sarap pagtripan nitong babaeng to. Hahaha. Nakadukdok lang siya. Halatang halata na wala na siya sa mood. Dumating si Renzo kasama sina Axel at Jake, mga barkada ko.
"Oy! Ang aga niyo yata?" Tanong ko sa kanila. Madalas kasing malate yang mga yan. Mga tamad din kasing pumasok. Mga section B sila, kaklase ko pero dahil nga nalipat ako, wala pa kong makasama sa section na to. At wala akong balak. Babae lang sapat na.
"Eh may practice kasi kami ng basketball. Pag nalate kami, eh di patay kami kay coach." Sagot ni Axel.
"Oy tol, sino yang chix sa tabi mo? Bago mong girlfriend o isa sa mga babae mo?" Tanong ni Jake.
"Gago. Kaklase ko lang yan."
"Nako tol. Alam kong siya na ang next target mo." Sabi ni Renzo.
"Mga bugok! Lumayas na nga kayo. Lagot kayo sa coach niyo." Tumawa lang sila habang umiiling tska umalis. Dumami na rin ang tao sa room. Maya-maya, dumating na yung prof. namin pero yung katabi ko, tulog na tulog pa rin. Ibang klase.
"Uy! Gising na!" Sabi ko sa kanya.
"Uhm, 5 minutes pa."
"Nandito na si ma'am."
"Shh." Ay lokong babae to. Tss.
"Bahala ka nga diyan." Nagdiscuss na si ma'am. Bigla niyang napansin yung katabi ko na natutulog. Ayaw pa naman nun na may natutulog sa klase niya. Umiinit ang ulo niya.
"Ehem, Ms. Chua." Lumapit yung prof. sa kanya. Umuusok na ang ilong niya. Nagpigil ako ng tawa.
"5 minutes." Sagot niya. Patay ka na.
"Anong 5 minutes?!" Sabay palo ng dalang stick ni ma'am sa mesa niya. Napabangon naman kagad itong katabi ko at napatayo.
"Ma'am. S-sorry ma'am."
"Ang klase ko ay hindi dapat tinutulugan Ms. Chua. Ngayon, sagutan mo yung problem na nakasulat sa board." Tumingin siya sakin na para bang nagtatanong kung anong gagawin kaya nagkibit-balikat lang ako.
"Ano Ms. Chua? Hindi mo masagutan?" Tanong ng prof. namin.
"Ma'am, ako na lang po." Sabay taas ng kamay. Masyado na siyang napapahiya.
"Okay, Mr. Sohn. Tulungan mo si Ms. Chua." Lumapit ako sa board at sinagutan yung problem. Easy as 1, 2, 3.
"Good. Maupo na kayong dalawa. Wag mo ng uulitin ang matulog sa klase ko Ms. Chua. Kung maulit man yun ay hindi na kita tatanggapin pa sa klase ko." Tumango lang siya. Umupo na kami at napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo man lang ako ginising." Sabay irap niya sakin.
"Ginising kaya kita. Kaso ayaw mo gumising. May 5 minutes ka pang nalalaman."
"Mukha mo."
"Gwapo."
"Kapal mo! Yabang!" Hindi ko na siya pinansin. Mukhang badtrip na. Hahaha. Lunch break na. Umalis na yung prof. Dumukdok ulit siya.
"Hoy. Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Napahiya ako kanina. Kainis!" Sabay palo niya sa desk niya.
"Ikaw kasi! Hindi mo ko ginising!" Dagdag pa niya sabay turo sakin at tinignan ako ng masama.
"Ginising nga kita!" Hirap kausap neto. Tss.
"Ewan ko sayo." Tapos dumukdok ulit siya. Ang kulit.
"Pano? Bababa na ko."
"Eh di bumaba ka. Alangan namang ihatid pa kita." Nakayuko niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?